"Mr. Chavez, Mr. Montilla, ba't kayo naghaharutan sa mismong oras ng trabaho?" tanong ni Miss B [manager namin] habang sinigawan niya kami pero hindi kami makasagot.
Nagtulakan kaming dalawa ni Lyndon dahil pareho kaming ayaw magsalita.
"Jepoy, kausapin mo na si Miss B!" bulong ni Lyndon
"Hindi, ikaw na ang makipag-usap kay Miss B!" bulong ko
"Ayoko kasi siyang kausapin dahil takot ako kay Miss B!" sigaw ni Lyndon
"Kayong dalawa, ba't kayo nagtutulakan?" sermon ni Ate Leslie habang nagsasalita nang pabulong
"Ba't di kayo makapagsalita?" tanong ni Miss B
"Kanina pa kasi silang nagtulakan!" sagot ni Ate Leslie
"Miss B, sorry po sa ginawa namin kanina kasi nag---" huminto si Lyndon sa pagsasalita dahil tinakpan ko ang bibig niya at binitawan ko kaagad ang kamay ko.
"Ba't ayaw mong sabihin kay Lyndon na nagseselos siya dahil binigyan mo ng cellphone number ang customer natin?" binulgar ni Ate Leslie ang nangyari kanina.
"Buti pa kayo, may forever! Pero ako, iniwan ako ng asawa ko!" nagsimula nang umiyak si Miss B dahil naalala ang kanyang masalimuot na nakaraan.
Binigyan si Miss B ni Ate Leslie ng tissue para ipahid nito ang kanyang mga luha pati na ang sipon.
"Ipinagpalit ako ng asawa ko hindi sa ibang babae kundi sa ibang lalaki. Kapag naalala ko ay nasasaktan pa rin ako." naghagulgul nang malakas si Miss B.
Napadaan ang isa naming katrabaho sa convenience store at nang nakita niyang umiiyak si Miss B ay binigyan niya ito ng tubig. Tumabi ito kay Miss B at hinagod niya ang likod ng manager namin para tumahan sa kaiiyak.
"Sige na, back to work." saad ni Miss B habang nahimashimasan na siya mula sa kanyang pag-iyak.
Habang naglalakad kami ni Lyndon dahil katatapos lamang ng duty namin ay sabay na lumapit sina Henrick at Quincy sa akin.
"Jeff, sabay tayong sumakay ng jeep pauwi ng bahay." hiling ni Henrick
"Jeff, samahan mo akong bumili ng donut." hiling ni Quincy
Nakita ko sa kanilang kilos na pinag-aagawan ako nina Henrick at Quincy pero nakita ko na walang pakialam sa akin si Lyndon.
"Sorry, may pupuntahan kasi kami ni Lyndon." palusot ko pero biglang hinawakan ni Henrick ang kaliwang siko ko habang si Quimcy naman sa kanang siko ko.
Pinag-agawan nila ako na parang nag-tug of war at sumakit ang mga siko ko dahil sa lakas ng kanilang paghila.
"Akin si Jefferson!" sigaw ni Henrick
"Hindi, akin siya!" sigaw ni Quincy
"Akin siya!"
"Hindi, akin lang siya!"
"Hoy, ba't niyo pinag-aagawan ang boyfriend ko?" umawat si Lyndon sa kanilang dalawa at inakbayan pa niya ako sabay halik niya sa pisngi ko.
"Hindi ako naniniwalang boyfriend mo siya!" tugon ni Henrick habang nagagalit.
"Wala akong paki kung boyfriend mo siya at aagawin ko siya sa'yo!" bulalas ni Quincy habang balak niyang suntukin si Lyndon sa mukha.
Silang dalawa ay nagdadabog habang umalis dahil nanghihinayang sila. Nagulat ako dahil pinag-agawan nila ako pero nadismaya ako dahil hinayaan ako ni Lyndon.
Naglalakad na kaming dalawa papuntang terminal ng jeep na isang kilometro lang ang layo galing sa convenience store.
"Sa susunod huwag kang lumandi sa ibang lalaki or else hahayaan kita na i-tug of war kahit na iilang lalaki pa ang magkakandarapa sa'yo." pananakot ni Lyndon sa akin.
BINABASA MO ANG
Nahulog, Na-fall (COMPLETED) ✔️
RomanceNahulog sa kanal si Jefferson Montilla habang naglalakad siya galing ng palengke. Ngunit nakita siya ni Lyndon Chavez at nahulog sila sa isa't isa. Ito na ba kaya ang simula ng kanilang love story?