CHAPTER 3

333 27 0
                                    

Pagkagising ko ay nagulat na lang ako na niyakap ko pala si Lyndon at niyakap niya rin ako habang magkaharap ang aming mga mukha. Tinititigan ko sa kanyang mukha habang natutulog siya nang mahimbing at napangiti ako dahil ang guwapo pala niya kapag natutulog.

Bumitaw ako sa pagyakap ko kay Lyndon at babangon na sana ako sa kama pero bigla kong niyakap nang mahigpit pero hindi na kagaya nung kagabi na magkaharap ang aming mukha at sa halip ay nakatalikod ako sa kanya habang yakap niya ako.

"Jepoy, huwag ka munang umalis!" pakiusap niya sa akin sa napakalamig niyang boses dahil kagigising lamang niya.

"Dondon, may gagawin pa ako sa sala." bulalas ko pero pilit akog nagpupumiglas sa mga yakap niya.

"Gusto kitang i-hug!" ani Lyndon habang nagsasalita siya na parang pabebe.

"Ayoko!" sinigawan ko siya kahit na pilit pa rin akong nagpupumiglas sa kanyang napakahigpit na yakap niya sa akin pero sa kaloob-looban ko ay gusto ko na niyayakap niya ako kaya lang nahihiya taaga ako.

"Ayaw mo akong i-hug?" bulong niya sa akin habang binabantaan niya ako na may halong pang-aakit ng pananalita niya.

Hindi na niya ako niyakap pero nagulat ako nang bigla niya siyang pumatong sa katawan ko at kiniliti niya ako. Wala akong kalaban-laban sa kanyang kiliti dahil napakalakas niya kahit na magkasingtangkad lamang kami. Pareho kaming nagulat nang biglang may bumukas ng pinto at bumungad sa amin si mama pero hindi na siya pumasok sa kuwarto ko.

"Hoy, hindi oras ng honeymoon ngayon! Oras ngayon para kumain ng almusal." ani mama at sinarado niya agad ang pinto.

Sa totoo lang hindi ko nagustuhan ang panghaharot niya sa akin dahil masyado akong sensetive kapag kiniliti ako sa katawan. Nagagalit ako sa kanya dahil inaasar lamang niya ako. Dahil sa galit ko sa kanya ay hinampas ko ang kamay ko nang malakas sa lamisita.

"Ayaw na kitang maging kaibigan!" sabi ko sa kanya habang nagagalit ako at nakita ko sa mga mata ni Lyndon na nagugulat siya.

"Bakit?" tanong ni Lyndon habang nagugulat pa rin.

"Inaasar mo lang ako! Di mo alam na nasasaktan ako!" sagot ko habang ibinuhos ko lahat ang galit ko sa kanya.

"Jepoy, huwag ka nang ma---"

"Ayaw na kitang maging kaibigan dahil nagagalit ako sa ginawa mo sa akin!" sinigawan ko siya

Bigla niya akong niyakap at nakasubsub ang kanyang mukha sa kanang balikat ko. Bigla akong nagsisi at nakonsensya kaya't hinaplos ko ang kanyang likod.

"Sorry na! Promise maging mabait na ako!" sabi niya at humagulgul siya sa kaiiyak pero tumawa ako nang malakas.

"It's a prank!" sigaw ko na parang nag-surprise ng isang birthday celebrant. Akala niya kasi totoong nagagalit ako sa kanya pero niloko ko siya pati na rin ang mga readers ng love story namin ni Lyndon. Buti nga lang hindi sinabi ni author kanina na ipa-prank ko siya para makaganti ako.

"Akala mo ikaw lang ang nag-prank? Ako rin!" tugon ni Lyndon habang nakayakap pa rin siya sa akin. Kaya pala di ko naramdaman na lumuha si Lyndon dahil sinakyan niya pala ang prank ko.

"In fairness, ang galing mo mag-acting kanina na parang si John Lloyd Cruz." complement ko kay Lyndon.

"Ang galing mo rin mag-prank pero mautak ako dahil alam ko na biniro mo lang ako." proud siya sa kanyang sinabi at ginulo niya ang buhok ko.

"Mga lovebirds, kumain na tayo dahi kanina pa naghihintay sina mama, papa, at kuya sa hapagkainan." nagulat kami ni Lyndon nang narinig ko ang boses ni Penelope pero mas lalo kaming nagulat ni Lyndon na nandito pala siya sa kuwarto.

Nahulog, Na-fall (COMPLETED) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon