Nang umuwi na ako ng bahay kasama si Lyndon ay nagulat ako dahil kasama pala nina nanay at Tita Carmina si Quincy. Wala akong ideya kung bakit kilala nila ang mokong na iyon.
Habang naabutan namin na naghahanda ng meryenda si mama sa kusina ay umupo kami ni Lyndon sa sofa.
"Jepoy, ito nga pala si Quincy. Siya ang pinsan ng asawa ng Tita Carmina niyo." pagpapakilala ni mama sa akin kay Quincy.
"Hi!" pagbati ni Quincy sabay wave ng kanyang kamay.
"Jepoy, dapat i-entertain mo nang maayos ang bisita mo para di niya ma-experience ang boredom sa bahay." paalala ni mama habang inilapag niya ang juice at sandwiches sa mesa.
"Actually po, kilala ko na si Jeff pati si Lyndon dahil nakikita ko sila kapag bumibili ako sa convenience store kung saan sila nag-work." paliwanag ni Quincy
"Mabuti at nakilala mo sina Dondon at Jepoy." ani Tita Carmina habang nagmake-up.
"Jepoy, mag-CR muna ako!" paalam ni Lyndon at tumango ako. Nagmamadali siyang lumakad papunta ng kuwarto ko.
"Jepoy, balita ko boyfriend mo raw iyang kasama mo kanina?" tanong ni nanay
"Kinuwento kasi ng mama mo kanina kung paano kayo nagkakilala ni Lyndon." ani Tita Carmina
"Tita, friends lang po kami!" palusot ko
"Eh? Nagpapalusot ka ba? Ba't di na lang ako ang boyfriend mo?" pabebeng tanong ni Quincy at bigla akong nagulat at di ako makapagsalita.
Bigla kong nararamdaman ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Quincy sa akin. Di ko alam kung nagbibiro ba siya o hindi. Basta ang alam ko ay kinikilig ako pero nakalimutan ko na boyfriend ko pala si Lyndon.
"Ba't natahimik ka? Joke lang naman kasi iyon!" ani Quincy
"Nay, tita, Quincy, pupuntahan ko muna si Dondon sa kuwarto." paalam ko
"Sige, take your time!" tugon ni nanay
Papunta na ako sa kuwarto ko pero bigla akong kinabahan dahil naramdaman ko na may naglalakad sa likuran ko. Nang binuksan ko ang pinto ay may nangyaring di ko inaasahan.
"Waaahhh!" ginulat ako ni Quincy.
"Ba't mo ako sinusundan?" tanong ko
Nagkataon na lumabas si Lyndon sa CR ko at mas lalo siyang nagulat dahil magkasama kaming dalawa ni Quincy.
"Ba't mo kasama ang mokong na iyan?" tanong ni Lyndon habang sinungitan niya ako.
"Di ko kasi alam na sinusundan niya ako papunta ng kuwarto ko." sagot ko
"Wow, ang ganda pala ng kuwarto mo!" namangha si Quincy na parang bata.
Umupo kaming dalawa sa kama ko habang nakita ko si Lyndon na nagbabasa ng pocketbook. Nagkuwentuhan kaming dalawa ni Quincy tungkol sa mga buhay namin especially sa family, studies, lovelife, etc.
Pagkatapos ng kuwentuhan namin ay umuwi kaagad si Quincy kasama nina nanay at Tita Carmina. Napansin ko na nalulungkot si Lyndon dahil siguro nagseselos siya kay Quincy.
"Dondon, ba't ka nalulungkot?" tanong ko
"Wala, may naalala lang ako." palusot niya habang nagdidilig ng halaman.
"Are you sure?" tanong ko at tumango siya.
"Sana sumama ka na lang kay Tita Carmina mo tutal mas importante si Quincy sa'yo kaysa sa akin." ani Lyndon habang matamlay ang tono ng pananalita.
Para hindi na siya magselos ay inagaw ko ang hose na ginamit niya sa pagdidilig ng halaman at binuhusan ko siya ng tubig. Inagaw rin niya ang hose mula sa akin at binuhusan niya ako ng tubig. Nakita ko ulit ang ngiti ng kanyang mukha habang naghaharutan kaming dalawa. Tumigil kami sa paglalaro ng hose ng tubig nang narinig namin na sumigaw si mama.
BINABASA MO ANG
Nahulog, Na-fall (COMPLETED) ✔️
RomanceNahulog sa kanal si Jefferson Montilla habang naglalakad siya galing ng palengke. Ngunit nakita siya ni Lyndon Chavez at nahulog sila sa isa't isa. Ito na ba kaya ang simula ng kanilang love story?