CHAPTER 30 (FINALE)

167 8 4
                                    

Chapter 30 song: I Love You So by Toni Gonzaga

(Jefferson's POV)

Kinabukasan, kararating ko lang sa balay galing ng tindahan para bumili ng shampoo pero nagtataka ako na bukas ang pinto at wala nang tao sa bahay. Nagulat ako nang biglang may nag-blindfold sa akin. Biglang bumalik ang trauma na naramdaman ko noong kinidnap ako nina Henrick at Erica.

"Sino ka? Saan mo ako dadalhin?" tanong ko habang natatakot.

"Jepoy, relax! Si Dondon ito! Hindi ko sasabihin sa'yo kasi surprise."sagot ni Lyndon at gumaan ang pakiramdam ko.

"Umalis nga kayo ng bahay pero di niyo sinarado ang pinto." sermon ko

"Yes, master! Magsasara na ako ng pinto." tugon ni Lyndon at narinig kong sinarado niya ang pinto.

Inalalayan niya ako hanggang sa lumabas na kami ng gate. Narinig kong binuksan ni Lyndon ang kotse at inalalayan niya ako habang pumasok ako sa loob ng sasakyan. Narinig kong sinarado ang pintuan ng kotse.

"Kuya, saan niyo kami dadalhin?" tanong ko sa driver

"Jepoy, si Mark ito. Ako ang nagmamaneho ng kotse. Nasa front seat kami ni Garret habang nasa likod sina Ford, Johnson, Niccolo, at Clinton. Nasa tabi mo lang ang syota mo." sagot ni Mark

Pagkatapos ng kalahating oras na biyahe ay huminto ang kotse at inalalayan ako ulit na lumabas sa loob ng kotse. Medyo nahihirapan ako sa paglalakad at muntik na akong matapilok.

"Jepoy, dahan-dahan lang." paalala ni Lyndon

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa huminto kami. Tinanggal ni Lyndon ang blindfold at bigla akong nagulat sa nakita ko. Nasa loob pala kami ng event hall ng isang kilalang hotel.

"Surprise!" sigaw ng lahat

"Dondon, next month pa ang birthday ko!" sabi ko habang ginulo ko ang buhok ni Lyndon.

"Anak, proud lang kami ng papa mo sa'yo dahil nakapasa ka sa entrance exam kaya kami gumawa ng surprise para sa'yo." sigaw ni mama

Masyadong napakarami ng umattend sa handaan kahit na hindi pa ang birthday ko. Nakita ko ang mga relatives ko sa both side ng mama at papa ko pati na ang mga kapitbahay namin. Present din ang parents ni Lyndon pati na rin ang mga classmates ko noong high school.

"Ma, saan po kayo humingi ng panggastos sa sorpresa niyo sa akin?" tanong ko habang kumakain ng beef steak.

"Anak, may naipon akong pera dahil gusto ko na i-celebrate ang pagpasa mo sa entrance exam. Tinulungan ako ng mother in-law mo para maging special ang handaan." sagot ni mama

"Ma naman eh! Hindi ko po naman mother in-law ang mama ni Lyndon at hindi pa kami kasal." sabi ko at natatawa silang lahat.

"Joke lang iyon anak!" sabi ni papa

"Bakit? Ayaw mo ba na maging sister in-law ang kapatid ko?" bulong ni Lyndon at sinuntok ko siya sa braso.

"Hayaan mo na si Jeff baka nahihiya lang siya." saad ni Auntie Karen

"Sayang kasi di na ako bigyan ng apo ni Jepoy!" sabi ni mama habang kinurot niya ang pisngi ko.

"Ako rin mare nanghihinayang ako pero wala tayong magawa kundi tanggapin silang dalawa." tugon ni Auntie Karen

"Huwag kang mag-alala mare dahil bibigyan ka rin naman ng bunso mo ng apo." sabi ni mama

"Excuse me, wala akong balak magpakasal kasi walang forever!" tugon ni Gwendolyn.

(Quincy's POV)

Hindi ako naka-attend sa surprise celebration ng pagkapasa ni Jefferson sa entrance exam ng isang university. Nasa hotel sila nag-celebrate pero ayokong sumama dahil gusto ko na kasama ko si Patrick na kami lang dalawa.

Nahulog, Na-fall (COMPLETED) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon