CHAPTER 6

145 16 0
                                    

Nakatingin lang ako sa kanyang mukha ngunit hindi ko siya kinausap. Iiwasan ko na sana siya pero pilit niya akong kinakausap.

"Jeff, mag-usap muna tayo." sabi niya sabay hablot sa kanang kamay ko tsaka niya binitawan.

"Jepoy, mag-CR muna ako." paalam ni Lyndon at tumango ako tsaka siya umalis.

"Ricky, pagkatapos kayong mag-usap ay puntahan mo lang ako sa Dunkin' Donuts at doon lang tayo magkita." paalam ng kanyang kapatid na babae.

"Yes, ate!" tugon ni Henrick at nag-beso silang dalawa tsaka umalis si ate girl.

"Ano ba? Ba't kailangan mo akong kausapin?" sinigawan ko siya habang tinignan ako ng ibang tao dahil di ko namalayan na napalakas ang sigaw ko.

"Huwag mo nga akong sigawan!" bulalas ni Henrick

"Bakit? Wala ba akong karapatang magalit sa'yo?" tanong ko

Hinawakan niya ang kanang braso ko at pumunta kami sa isang coffee shop. Nag-order muna siya ng ice coffee tsaka kami nag-usap.

"Dito tayo mag-usap dahil konti lang ang tao dito at para di ka mapahiya kapag nag-eskandalo ka." sabi ni Henrick sabay bigay sa akin ng ice coffee.

"What's the important matter to me?" tanong ko

"Gusto ko lang sana mag-sorry..." naputol ang kanyang pagsasalita

"Sorry? Hindi ko tatanggapin ang sorry mo!" sinigawan ko siya.

"Jeff, relax! Nagsisisi ako sa ginawa ko sa'yo noon." sabi niya habang mahinahon siyang nagsasalita na parang si Ma'am Charo.

"Naranasan mo ba ang sakit nung sinaktan mo ang puso ko?" tanong ko habang nagagalit na parang iniwan ng jowa.

"Oo. Nagsisisi ako dahil di kita pinapansin noon. May pinagsamahan naman tayo as a friend pero I have good memories..." naputol ulit ang kanyang pagsasalita.

"Memories? Matagal ko nang inilibing sa sementeryo ang mga alaala natin." defensive kong tugon kahit na di pa ako nakakamove-on sa kanya.

"Please, huwag kang magalit!" nagmamakaawa si Henrick

"Di mo alam na iniiyakan kita kapag nakikita kita! Nasasaktan ako dahil di mo ako pinapansin at wala kang pakialam sa akin! Sana hindi mo sinabi noon na ayaw mo sa akin dahil crush kita! Hanggang ngayon di pa rin ako makakapagmove-on sa'yo!" paliwanag ko habang dahan-dahan na tumutulo ang mga luha ko.

"Sorry dahil di ko alam na nasaktan ka noon. Kaya ko ginawa iyon kasi I'm not a homosexual katulad mo. Kapag kasama kita ay nararamdaman ko na crush mo ako. Kaya't pilit kitang iniiwasan." paliwanag niya at sinampal ko siya.

"Sapat ba iyon na rason para saktan mo ako?" tanong ko at umalis dala ang ice coffee.

(Lyndon's POV)

Pagkatapos kong mag-CR ay naghihintay ako kay Jefferson sa bench malapit sa ice cream parlor na binilhan niya ng ice cream kanina. Naiinip na ako dahil matagal ko siyang hinihintay pero hindi ko pa rin siya nakita.

"Sir, hinihintay niyo po ba ang ka-date niyo?" tanong ng tindera

Hindi ko sinagot ang tindera at sa halip ay umalis ako para hanapin si Jefferson. Kahit saan ko na siya hinahanap pero di ko siya nakita. Umakyat na ako ng escalator papuntang second floor at sumakay na ako ng elevator papuntang third floor pero di ko pa rin siya nakita. Wala akong magawa kundi sumakay ako ulit ng elevator papuntang first floor.

Naisipan kong pumunta ng CR at may  narinig akong umiiyak sa isang saradong cubicle. Binuksan ko ang pintuan ng cubicle at narinig ko si Jefferson na umiiyak habang nakaupo siya sa kubeta. Sinarado ko ang pintuan para kausapin siya.

Nahulog, Na-fall (COMPLETED) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon