After 3 days...
Nag-swimming kami sa beach kasama ko sina Lyndon, Ford, Johnson, Niccolo, Clinton, Mark, Garret, Kennedy, Quincy, Rachel, Phoebe, Mandy, Geneva, Jennifer, at dalawang classmate ni Lyndon na hindi ko pa nakilala. Dalawang van ang ni-rent namin dahil masyado kaming marami na pupunta sa beach.
Ang driver ng van na sinakyan namin ay si Tito Janus (asawa ni Tita Carmina na pinsan ni Quincy). Nasa front seat si Quincy, habang sa gitna kaming tatlo nina Lyndon at Kennedy, at nasa likod naman ang tatlong beshies ko. Ang driver na nasa kabilang van ay si Kuya Ruel (kapatid ni Tito Janus) at nakasakay doon ang the rest ng mga kasama namin.
Habang nasa biyahe kami nakasandal si Lyndon sa balikat ko habang nanonood ng Thai drama at ako naman ay nagbabasa ng pocketbook. Napansin ko na kanina pa nakatingin sa aming dalawa si Kennedy dahil naiingit siya.
"Naku, parang naparami ata iyong kain ko ng ampalaya kagabi!" sarkastikong sabi ni Kennedy.
"Ang sabihin mo, inggit ka lang!" tugon ni Quincy habang napangisi.
"Ba't ka kasi naiinggit Ken? Di ba may Rachel ka na ngayon?" tanong ni Mandy.
Lumingon sa likod si Kennedy at hinagisan niya ng tsinelas si Mandy. Lahat kami ay biglang tumawa nang malakas.
"Ikaw talaga, Mandy! Napaka-tsismosa mo talaga!" defensive na sabi ni Kennedy at ibinigay ni Mandy sa kanya ang tsinelas.
"Hindi lang naman si Rachel ang crush niya, pati rin naman si Elvis." pang-aasar ni Phoebe
"Si Elvis? Iyong pinsan ni Henrick na nasa ibang section?" tanong ko at tumango si Phoebe.
Biglang nagalit si Kennedy at hinagisan niya ng tsinelas si Phoebe.
"Galit ka ghorl? Totoo naman kasi eh!" ani Geneva at biglang kinuha ni Kennedy ang tsinelas ko at hinagisan niya si Geneva.
Nakita kong kanina pa namumula ang mukha ni Kennedy at nang dahil sa hiya ay tinakpan niya ng kumot ang kanyang sarili. Dahil sa haba ng biyahe ay nakatulog na si Lyndon ngunit nakahawak pa rin siya sa cellphone at nakita kong patuloy pa rin na nag-play ang kanyang pinanood na Thai drama.
Nang makarating na kami sa beach ay dumiretso kami sa room namin para ilagay ang mga gamit namin.
"Tara! Mag-swimming tayo!" inaya ako ni Niccolo
"Sige pre, magpahinga muna kami ng pinsan mo." sagot ko
"Kunsabagay, parati kayong may bebe time!" biro ni Niccolo at umalis.
Tumabi ako kay Lyndon habang nakahiga siya sa kama at humiga rin ako.
"Jepoy, ba't di ka sumama kay insan Niccolo na maligo sa dagat?" tanong ni Lyndon
"Gusto lang kasi kita kasama." sagot ko sabay yakap kay Lyndon.
"Kunsabagay, gusto mo na tayong dalawa lang." sabi ni Lyndon. Hinalikan niya ako sa noo at parehas kami nakatulog.
Nagising kaming dalawa at tinignan ko sa cellphone ko na 4:30 P.M. na pala. Na-realize ko na masyadong napahaba ang tulog namin dahil siguro sa haba ng biyahe namin kanina. Biglang may nagbukas ng pinto at bumungad si Johnson sa harapan namin.
"Mga lovebirds, bili tayo ng isda at karneng baboy sa palengke." saad ni Johnson at lumabas kaming tatlo ng room namin.
Nasa labas na kami ng resort nang bigla namin nakita si Henrick kasama ang isang babae na kasing-edad lang namin.
"Hi, Lyndon!" pagbati ng babae sabay kiss sa cheeks at hug kay Lyndon.
I feel that malapit nang pumutok ang ulo at tenga ko dahil sa galit ko sa babae.
BINABASA MO ANG
Nahulog, Na-fall (COMPLETED) ✔️
RomantikNahulog sa kanal si Jefferson Montilla habang naglalakad siya galing ng palengke. Ngunit nakita siya ni Lyndon Chavez at nahulog sila sa isa't isa. Ito na ba kaya ang simula ng kanilang love story?