CHAPTER 5

174 19 0
                                    

Chapter 5 song: Ganito Pala Ang Pag-ibig by Jolina Magdangal

Ang Jeanjel's Bistro ay ang pinakasikat na restaurant sa bayan ng Villasuerte at kilala sila sa kanilang masarap na milktea at fries. Mayroon rin silang iba't ibang klase ng ulam at panghimagas. Affordable ang kanilang mga pagkain kaya't marami ang bumibili. Parati kaming kumakain doon ng family ko kapag may okasyon or kapag nagabihan na kami.

Nang pumasok kami sa restaurant ay pumunta sa counter ang mga girls para mag-order ng mga kakainin namin habang sina Ford at Johnson ay pumunta ng CR. Kaming dalawa ni Lyndon ay naghintay kami sa table na kung saan kami kakain. Napapansin ko na hindi niya ako kinakausap, at wala siyang pakialam sa akin dahil nagseselos siya kaya't nagagalit siya sa akin. Napansin ko rin na hindi niya ako tinignan sa mukha.

"Dondon, kausapin mo ako! Pleeeeaaaasssseeee!" nagmamakaawa ako sa kanya na may haong lambing.

"Ayoko!" nagulat ako dahil galit talaga siya siya akin pero buti nga lang at di niya ako sinigawan.

"Bakit di mo ako kausapin?" tanong ko habang nagsasalita na parang bata.

"Basta ayoko!" katatapos ko lang magsalita ay bigla siyang sumagot pero galit pa rin.

Biglang dumating sina Ford at Johnson at umupo sila sa harapan namin.

"Anyare pre? Ba't di mo kinausap si Jefferson?" tanong ni Johnson

"Pakisabi sa kanya na ayoko na nakatitig siya sa motorela driver dahil nakakainis!" sagot ni Lyndon at nagsimula nang humagikhik ang dalawa.

"Bakit? Nagseselos ka ba?" tanong ni Ford habang natatawa.

"Hindi! Ba't ako magseselos? Basta ayoko sa ginawa niya kanina dahil naiinis ako!" sagot ni Lyndon

Huminga muna ako ng malalim para magkaroon ako ng lakas na loob kahit na nakakahiya sa harapan ng maraming tao. Para maibsan ang kanyang galit at selos ay niyakap ko na lang siya habang nakasubsub ang mukha ko sa balikat niya.

"Lyndon, sorry na! Promise hindi na ako uulit!" nang dahil sa ginawa ko ay ngumisi si Lyndon dahil kinilig siya sa yakap ko. Tinignan ko ang kanyang mukha at nakita ko na nag-blush siya at pinagpawisan pa siya.

"Guys, sorry kung natagalan kami dahil nag-CR pa kami." ani Phoebe. Umupo si Geneva sa tabi ko habang si Phoebe ay umupo sa tabi ni Ford at si Mandy ang nasa harapan naming lahat.

"Sa wakas, nagkabati na rin sina Lyndon at Jeff." ani Phoebe
Inilapag na ng waitress ang inorder ng mga girls para sa lunch namin at nagulat kami na marami ang kanilang inorder.

"Girls, ba't napakarami ng inorder niyo?" tanong ni Ford

"Actually, nag-aambagan kaming tatlo at alam namin na si Jeff ay napakatakaw niyang kumain pero hindi pa rin tumaba." sagot ni Mandy at tumawa silang lahat.

"Sige, kain na tayo." saad ni Lyndon

Inilagay ko sa plato ni Lyndon ang humba, kinilaw, at kanin. Nagulat ako dahil nakatingin ang mga kaibigan ko pati sina Ford at Johnson sa aming dalawa.

"Guys, ba't nakatingin kayong lahat sa akin?" tanong ko na may halong pagdududa at pinagkibit-balikat na lang nila ang tanong ko at nagpatuloy silang naglagay ng kanilang pagkain.

Inilagay rin ni Lyndon sa plato ko ang caldereta, pinakbet, at kanin. Huminto na naman sila sa kanilang ginawa at tinignan na naman nila kaming dalawa.

"Guys, kanina niyo pa kami tinitignan." sabi ni Lyndon ngunit pinagkibit-balikat rin nila ang kanyang sinabi.

"Paps, subuan mo ako! Pleeeeaaaasssseeee!" pakiusap ni Johnson at binuka niya ang kanyang bibig.

Nahulog, Na-fall (COMPLETED) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon