Nagising ako sa ingay ng campaign jingle na dumaan sa bahay namin pero nakita ko na hindi pa gising si Lyndon at natulog ito nang mahimbing.
"Dondon, gising na!" niyugyug ko ang katawan niya para magising siya.
Hindi pa rin siya nagising kaya't kiniliti ko siya mula leeg hanggang talampakan. Kahit anong lakas ng pagkiliti ko sa kanya ay di pa rin siya nagigising.
"Gising na kasi!" naiinis na sabi ko sa kanya.
Wala akong magawa kundi halikan ko siya nang ilang minuto. Nagulat ako nang biglang idinilat niya ang kanyang mata. Aalis na sana ako sa kama pero ayaw niyang bumitaw sa halik ko.
"Good morning!" pagbati ni Lyndon
"Good morning iyang mukha mo!" sinungitan ko siya sabay hampas sa balikat.
"Kumusta na iyong pagpapanggap ko na tulog? Na-satisfy ka ba?" tanong niya habang inaakit niya ako.
Dahil sa ginawa niya sa akin ay kiniliti ko ang kanyang mga talampakan at tumawa siya nang malakas.
"Niloko mo ako!" naiinis na sabi ko
"Gusto ko kasi ng kiss kaya't nagpapanggap akong tulog." tugon niya at kiniliti ko siya ulit sa talampakan.
"Di ba ang prince charming dapat ang humalik sa kanyang natutulog na prinsesa?" tanong ko habang nakasandal ako sa katawan niya.
"Eh, hindi naman masama na halikan ng prinsesa ang kanyang natutulog na prince charming." sagot niya habang hinimas niya ang buhok ko.
"Gosh! Prinsesa pala ako? Ba't wala akong matres at hindi ako nireregla?" pabirong tanong ko.
"Wala akong pakialam basta ako ang prince charming mo." sinakyan ni Lyndon ang biro ko.
Biglang may nagbukas ng pinto at bumungad si Gwendolyn sa harapan namin.
"Kuya, sabi ni mama na magmadali na daw kayo dahil pupunta tayo ng gymnasium para tulungan natin si mama na magbenta." saad ni Gwendolyn
"Wen, sinabi ba ni mama na hindi ngayon ang oras ng landian naming dalawa ni Jepoy?" sarkastikong tanong ni Lyndon
"Oo, kuya!" sarkastikong sagot ni Gwendolyn sabay sarado ng pinto at umalis.
Hindi na lang ako nag-almusal dahil nagmamadali na akong naligo. Dalawang slice ng loaf bread at tubig lang ang almusal ko para lang may laman ang tiyan ko. Sumakay na lang kami ni Lyndon ng traysikel papuntang covered court dahil nauna nang pumunta ang mama at papa ni Lyndon pati si Gwendolyn doon.
Maraming umattend sa gymnasium dahil nangagampanya ang incumbent mayor ng Sta. Isabel na si Mayor Jorge Malapittan kasama ang kanyang running mate at mga tumatakbong konsehal sa ilalim ng kanyang partido. Kaya't marami ang bumili ng mga paninda ni Auntie Karen pati na rin ang ibang tindera dahil na rin sa napakaraming tao ang dumagsa.
"Auntie, pabili po ng chicken burger tsaka mineral water." narinig ko ang boses ni Henrick at nagulat ako dahil di ko inexpect na nasa gymnasium siya.
Nang narinig ko ang boses niya ay gusto ko siyang makita pero tiniis kong hindi ko siya tignan para hindi magselos si Lyndon kaya lang di natiis ng puso ko.
"Hi Jeff, nandito ka pala?" tanong ni Henrick
"Tinulungan ko kasi magbenta ng foods ang family ng jowa ko." sagot ko
"Di ba puwede na ako na lang ang boyfriend mo? Tutal crush mo ako mula noon hanggang ngayon." sabi niya at muntikan na siyang suntukin ni Lyndon sa mukha buti nga lang at pumagitna ako.
"Dondon, tama na! Huwag mo nang pansinin si Ricky!" saad ko at umalis kaagad si Henrick.
"Jeff, pabili nga ng dalawang tuna sandwich, isang footlong, at tatlong orange juice." sabi ni Quincy, kinuha ko ang sandwich at juice at ibinigay niya sa akin ang pera.
BINABASA MO ANG
Nahulog, Na-fall (COMPLETED) ✔️
RomanceNahulog sa kanal si Jefferson Montilla habang naglalakad siya galing ng palengke. Ngunit nakita siya ni Lyndon Chavez at nahulog sila sa isa't isa. Ito na ba kaya ang simula ng kanilang love story?