Pumunta kami ni Lyndon sa internet café ng kapitbahay dahil sabi ni Niccolo na ngayong araw daw lalabas ang result ng entrance exam sa isang malaking university sa lugar namin.
"Yes! Nakapasa ako sa entrance exam!" sigaw ni Lyndon habang nakita niya ang kanyang pangalan sa listahan.
Biglang nagtinginan ang mga tao sa aming dalawa at huminto si Lyndon sa kakasigaw.
"Sorry!" sabi ni Lyndon habang nag-peace sign siya.
Hinahanap ko rin ang pangalan ko sa listahan pero masyadong natagalan dahil letter M nagsisimula ang apelyedo ko. Biglang nag-ring ang cellphone ko at tumawag si mama.
*START OF CONVO*
Jefferson: Hello, ma!
Mama: Anak, congrats!
Jefferson: Anong congrats?
Mama: Nakapasa ka sa entrance exam!
Jefferson: Sigurado ka ma?
Mama: Oo, hanapin mo diyan ang pangalan mo.
Jefferson: Sige po, ma! Bye!
*END OF CONVO*Di ako makapaniwala nang tinawagan ako ni mama pero hinahanap ko pa rin ang pangalan ko sa listahan. Ilang minuto rin tsaka ko nakita ang pangalan ko.
"Yes! Magsasama na kami ni Lyndon sa university!" sigaw ko
"Jepoy, huwag kang sumigaw diyan at nakakaabala ka sa mga customer." sita ni Auntie Sylvia [may-ari ng internet café].
Para di masayang ang oras na binayad namin sa internet café. Ang natitirang oras namin ay inilaan sa panonood ng mga videos sa YouTube hanggang sa natapos.
"Auntie, aalis na po kami ni Lyndon." paalam ko
"Ok, huwag niyo akong kalimtan i-invite sa handaan bukas ha?" paalala ni Auntie Sylvia
"May handaan po?" sabay na tanong namin ni Lyndon.
"Hindi niyo ba alam na may handaan?" tanong ni Auntie Sylvia at umiling kami.
May ibinigay si Auntie Sylvia sa amin na maliit na karton na may lamang relo para sa aming dalawa.
"Sabi ng mama ni Jepoy sa akin kanina ay bibilhan ko kayo ng relo para may ireregalo ako sa inyo. Tumawag din siya sa akin na may handaan daw dahil nakapasa kayo sa entrance exam." sabi ni Auntie Sylvia habang na-excite.
"Sige, aalis na po kami." paalam ni Lyndon at tumango ang ale.
Pinuntahan muna ni Lyndon ang kanyang mga kaibigan para kumustahin sila sa result ng entrance exam habang ako ay dumeretso na akong umuwi ng bahay. Nagulat na lang ako na mag-isa na lang pala ako sa bahay. Kaya nagtanong muna ako sa tabi ng bahay namin. Naabutan ko si Ate Claire na naglilinis ng paligid ng bahay nila.
"Ate, nasaan po sina mama?" tanong ko
"Sandali lang daw sana sila na pumunta ng Villasuerte kaso lang nasira ang sasakyan nila kaya pinaayos muna nila. Baka kasi bukas ng tanghali sila darating." sagot ni Ate Claire
"Ok, salamat po!" pagbati ko at umalis
Nang pumasok ako ng bahay ay bigla akong nagulat nang bigla kong nakita sina Mark at Garret sa sala at nanonood pa sila ng TV.
"Kanina lang kayo dito?" tanong ko at umupo ako sa tabi ni Mark.
"Kapapasok lang namin dito sa bahay. Kakausapin sana kita insan kaya lang kausap mo ang kapitbahay niyo." sagot ni Mark
"Naku, pumapasok na lang kayo sa bahay nang di nagpapaalam! Akala ko may magmamakaw!" sabi ko
"Sorry na insan!" tugon niya
"May alam ka ba kung nasaan sina mama at papa ngayon?" tanong ko
"Wala silang sinabi sa akin. Sabi lang ni papa sa akin kanina na puntahan lang kita dito sa bahay." sagot niya
Dumating si Lyndon kasama sina Niccolo, Clinton, Ford, at Johnson at may dala pa silang bag.
"Nabalitaan namin na mag-isa ka lang sa bahay kaya pinuntahan ka na lang namin." sabi ni Niccolo habang inilagay ang kanyang packbag sa gilid ng sofa.
"Nag-text kasi si Mark sa amin." tugon ni Ford
Naghanda ako ng meryenda para sa aming walo. Gumawa ako ng potato salad, carbonara, at ube cupcake pero buti nga lang at tinulungan ako nina Lyndon at Johnson sa paggawa ng pagkain.
"Nakapasa ka sa ba entrance exam, Johnson?" tanong ko
"Oo, magsasama kami ni Ford." sagot ni Johnson habang naghihiwa ng patatas.
"Wow! Kasama mo rin ba ang pinsan ni Rachel sa university?" pang-aasar ko at nagalit si Johnson habang sinabuyan niya ako ng harina sa mukha.
"Hoy! Ba't mo dinamay si Gerald sa usapan natin? Baka magalit sa akin si Ford!" sabi ni Johnson
"Excuse me, magbabanyo lang ako." paalam ko at tumango si Lyndon.
Nanghilamos ako para matanggal ang harina sa mukha ko. Buti nga lang at hindi nadumihan ang damit ko. Katatapos ko lang manghilamos nang bumalik si Lyndon galing ng banyo.
"Balita ko, muntik mo nang maging boyfriend ang pinsan ni Rachel!" pang-aasar ni Lyndon habang naghihiwa ng keso.
"Litong-lito ka nga kung sinong pipiliin mo kina Ford at Gerald!" tugon ko at di ko inaasahan na narinig pala ni Ford ang usapan namin.
Di namin namalayan na nakatayo pala sa likuran ng inuupuan ni Johnson si Ford.
"Ford, upo ka sa tabi ni Johnson kung gusto mo." saad ni Lyndon at umupo si Ford
"Paps oh, pinagtutulungan ako ng lovebirds!" sumbong ni Johnson kay Ford.
"Totoo naman kasi ang pinagsasabi nila paps. Alam mo naman na crush mo ako pero nilandi mo ang pinsan ng pinsan mo!" sabi ni Ford habang kinurot niya ng tenga ni Johnson.
"Paps, di ba sinasabi ko na sa'yo na childhood friend ko lang si Gerald at never ko siyang ni---" naputol ang pagsasalita ni Johnson nang hinalikan siya ni Ford.
"Nakakainggit naman silang dalawa. Ba't walang nanghahalik sa pisngi ko?" pinaparinggan ko si Lyndon at hinalikan niya ako.
Pagkatapos namin magluto ay nagtimpla si Ford ng four season na juice na nasa sachet. Kumuha ng baso si Ford at ibinuhos niya ang juice sa baso.
"Tikman mo paps kung masarap." saad ni Ford at ibinigay niya kay Johnson ang baso na may lamang juice.
Ininom ni Johnson ang juice pero di niya inubos at ibinigay niya kay Ford ang baso.
"Hindi ba masarap?" tanong ni Ford habang nagtataka.
"Tikman mo para malaman mo pero dapat ilagay mo ang bibig mo sa parte ng baso kung saan ako uminom ng juice." sagot ni Johnson
Uminom si Ford ng juice habang inilagay niya ang kanyang bibig sa parte ng baso na pinagdikitan ng bibig ni Johnson noong uminom siya. Parang indirect kiss kay Johnson ang ginawa ni Ford habang umiinom ng juice.
Inilapag namin sa lamisita ng sala ang mga pagkain pati na ang juice na nasa pitsel at nag-meryenda na kaming walo.
"Johnson, sino ba si Gerald?" tanong ni Niccolo at hinampas ito ni Johnson ng unan.
"Rinig ko kanina sa kusina ang pinag-uusapan niyo kanina." sabi ni Mark
Nang dahil sa inis ay nakita namin si Johnson na napakabilis niyang kumain. Di siguro niya maintindihan ang kanyang nararamdaman.
"By the way, kailan ba uuwi ang mama mo?" tanong ni Clinton sa akin habang kumakain ng cupcake.
"Bukas ng tanghali pa raw sila uuwi." sagot ko
"Saan sila matutulog?" tanong ni Garret
"Walang sinabi sa akin ang kapitbahay kanina." sagot ko
"Congrats nga pala sa ating lahat dahil nakapasa tayong lahat sa entrance exam!" ani Niccolo at nag-cheers kaming walo.
BINABASA MO ANG
Nahulog, Na-fall (COMPLETED) ✔️
RomanceNahulog sa kanal si Jefferson Montilla habang naglalakad siya galing ng palengke. Ngunit nakita siya ni Lyndon Chavez at nahulog sila sa isa't isa. Ito na ba kaya ang simula ng kanilang love story?