There are a couple of traumatic events in the novel that could bring up flashbacks of your own. Read at your own risk.
Kahit na wala namang kaming dati, sa t'wing maririnig ko ang linya sa kanta. Tumatagos ito sa puso ko.
Iniisip ko kung gaano karami na ang inalay na liham, at mga luhang natuyo sa kakaiyak gabi gabi.
Ang dami ko nang sinubukan ngunit hindi mo pa rin napapansin.
"Caris, ano na? Hindi ka pa rin napapagod?" nag-aalalang tanong ni Larissa.
Ngayon at narito ako, may hawak na liham sa huling pagkakataon. Sa pagkakataong ito ay hindi na sya tulad ng mga dati kong sinusulat na liham.
Huli na ito, sapagkat dumating na ang panahon na tuluyan na kaming maghihiwalay ng landas.
"Yung totoo? Literal na martyr o bulagbulagan? Alin don?" nakataas kilay na tanong ni Liam "Caris, alam mong maganda ka, matalino at may mabuting puso. H'wag mong sayangin ang lahat kasi hindi mo deserve masaktan ng paulit ulit.."
"He's right. Remember, pinanganak ka para ma-appreciate. Hindi pwede lagi lagi kang ginaganyan ng lalaking katulad nya." si Lorde naman
"Kaya itigil mo na hangga't buo ka pa, hindi yung hihintayin mong masira ka. You should always left something for yourself, hindi yung puro sya nalang." ani Jeremy
"Guys, calm down. Paulit ulit nyo ng sinasabi sa akin iyang mga salitang yan. Naiintindihan ko na. Huwag kayong mag alala, itong hawak ko?" I raised the letter "Huli na ito. Wala ng kasunod, mag fo-focus na ako sa sarili ko. Period." buong tapang kong sabi
Nakita ko ang pagsilay ng tuwa sa kanilang labi. Alam kong ngayon lang nila ito narinig sa akin dahil puro side ni Jaired ang pinaglalaban ko. Sa oras na ito kailangan ko ng panindigan ang mga sinabi ko at kakayanin ko iyon.
"Andyan na sya! Abot mo na, para makakain na tayo sa labas!" ani Krishna
Nakita ko sya na kasama ang kaibigan nito, nagtama agad ang tingin namin at umiwas sya agad. Mukang nakita nya ang hawak ko kaya tumigil sya at bumuntong hininga. Tulad ng lagi nyang pinapakita sa akin, hindi sya interesado.
"Anong kailangan mo nanaman?" masungit nitong bungad ng nakalapit ito. I swallowed hard before lending the letter.
"Para saiyo, sana mabasa mo. Bye." tumango tango ako bago dahan dahang umalis, nakita ko ang pag awang ng labi nya. Marahan ang pagkakasabi ko ngunit mariin ang huling salita na pang hahawakan ko. Paalam na dahil kailangan ko muna ang sarili ko.
Dear Jaired,
Kumusta ka na nitong nagdaang araw? Sana ay hindi mo pinapabayaan ang sarili mo.
Gusto kong humingi ng pasensya kung nagbigay na naman ako sayo ng sulat kahit hindi naman ako sigurado kung binabasa mo ba ang lahat ng binigay ko. Hindi rin ako nakakatiyak kung may pakialam ka ba sa lahat ng iyon kahit minsan, kung binasa mo manlang ba ang isa sakanila. Hindi na siguro mahalaga pa iyon. Baka nga diretso sa basurahan lahat ng inaabot ko at iba na ang nakakapulot nito.
Kung ganun lang naman din pala, sasabihin ko na ang lahat dito kahit walang katiyakan ng atensyon mo. Sa liham na ito ay nais kong humingi ng pasensya, at pasasalamat sa iyo.
Una ay ang pag hingi ng pormal na pasensya, sapagkat hindi mo man sabihin ng diretso sa akin ay hindi naman ako manhid. Nakakaramdam ako. Nararamdaman ko kung gaano mo kinamumuhian ang presensya ko at kung paano mo hindi magugustuhan ang isang katulad ko. Pasensya na pero hindi ko naman gustong kaawaan mo ako kung sakali mang maramdaman mo iyon habang binabasa mo ito. Gusto ko lang talagang sabihin ang tunay na hinaing ng puso ko. Pasensya na kung tumagal pa ng limang taon bago ko tuluyang gawin ang talagang nais mo, ang lumayo ako. Huli naman na ang liham na ito.
Bagamat ganoon ang naging karanasan ko sa panahon ng pagkakagusto ko sa iyo, nais ko pa rin humingi ng pasasalamat. Salamat dahil sinubukan ko pang mag pursigi, noong una ay para lamang sana mapansin mo ang isang babaeng katulad ko. Para maisip mo na nababagay rin naman ako sayo dahil marunong akong mag aral, na natututo ako sa bawat taon na lumilipas. Lahat ng iyon ay dahil sayo noong una kong sinubukan, pero nang tumagal ay nakita ko kung paano natuwa ang mga magulang ko sa mga achievements na nakukuha ko. Masaya ako na masaya sila dahil sinubukan kong mag exceed pa sa comfort zone ko. Natuklasan ko kung hanggang saan pa ba ang kaya ko. Salamat sayo.
Kaya naman kahit na magkaiba ang damdamin na naramdaman ko sa limang taong pag-asa na mapansin mo kahit minsan. Hindi ko kailanman kayang pagsisihan. May mga efforts mang nasayang, hindi bale na. May mga luha mang natuyo sa patuloy na pag patak, hindi bale na. Sa oras naman na matanggap mo na ang huling liham na ito ay kasabay na ang unti-unting paghakbang ng aking mga paa palayo sa yo. Dahil iyon naman talaga ang iyong gusto simula pa noon. Ang mawala ako.
Huwag kang mag alala. Pinagisipan ko nang mabuti ang lahat, pati na rin ang paraan kung paano ko mapipigilan ang patuloy na mahulog sa taong kahit kailanman ay hindi magkakagusto sa isang katulad ko.
Nagpapaalam,
Caris LeighPAALALA : Maikli lang talaga ang prologue ko rito kasi parang teaser lang sya ng story. Sana ay patuloy nyong basahin hanggang sa dulo dahil hindi pa rito magtatapos ang lahat (edi sana ending na) charot. Pero hindi ko kayo pipilitin, sana maenjoy ninyo kahit papaano.
Language : TagLish.
; kaway kaway sa mga nareject dyan!
BINABASA MO ANG
ONE IS ENOUGH (COMPLETED)
Teen FictionRechazo Series #1 A girl named Caris Leigh is admiring Jaired Laverde, a one-woman-man and a self isolated one. He is smart and humble but quite sarcastic. Caris can't even tell his mood if he is okay or not because he shows no emotions at all. Why...