21

11 3 0
                                    

"Sirang Mundo"


[ May I know where are you? ] tanong ni Jaired sa kabilang linya

"Bumili lang ako ng libro malapit dito sa University namin. Uuwi rin naman ako agad," sagot ko rito

[ Susunduin kita just text me, wait for me.. ] he pleased

"Wala na akong load!"

[ Okay then, 20 minutes bago kita puntahan? ]

"Agad agad?"

[ Hmm.. I'm worried, Caris. You have no one with you, ]

"40 minutes then let's see each other outside the bookstore. Don't worry,"

[ Okay then. Take care, Mag ppray nalang ako. ]

"Take care too!"

Then I hang up. I gave the book I want to buy to the cashier. Nilagay ito sa plastic bag at binalak na mag lakad lakad para tumingin maayos na sketch pad.

Naging busy ang college life ko dahil sa second year na nga ako. Kaunting kembot nalang at makakapagtapos.

"Namiss mo ba kami, Caris?"

"Baret?" kabado kong tanong

"Oh? Akala ko ba nag ka amnesia ka? Bakit naaalala mo kami? Palabas lang yon, Caris noh? Ang galing mo talagang sumira ng mundo,"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Lowi."

Tinaasan lang ako ng kilay ng dalawang babaeng nasa harap ko. Umatras ako dahil sa kaba na baka saktan nila ako pero may humawak ng mag kabila kong braso.

"Ops! Saan ka pupunta, Caris?" boses iyon ng lalaking kumausap sa akin noong graduation namin. Si Wackie. "Balita ko, mag sasampa ka ng kaso sa amin ah? Hindi pa ba sapat na sinira mo ang mundo namin at ipapakulong mo pa kami."

Napalayo ako dahil sa takot na baka kung anong gawin nya. Kaso may humatak sa akin "Ayan na diba ang sinasabi ko sayo, natatakot ka na ba? Ang kulit mo eh,"

"Anong bang gusto mo, Sabrina?!" bahagya ko syang tinulak

"Ang gusto ko, mag hirap ka. Dahil inagaw mo na ng tuluyan sa akin si Jaired kaya harapin mo ang lahat ng 'to!" aniya

Napalunok ako dahil hinatak ako ng dalawang babae sa halamanan na tago gamit ang pag hila sa buhok ko kaya sumakit ang anit ko.

"Bitawan nyo ako!"

"Pag babayaran mo lahat ng 'to!" sigaw ni Wackie ng bitawan ako ng dalawa at akmang sasampalin ng pigilan ko sya at mas naunang sampalin.

"Aba lumalaban kana ha?!" malakas akong tinuhod sa likod ng hita ko kaya napaluhod ang isa kong hita.

Marahas na hinatak ang buhok ko at sinampal ni Wackie na may talim na tingin at mukang galit na galit.

Sinikap kong tumayo at tinuhod ang pagitan ng hita nya at tumakbo ng may sumuko sa tyan ko kaya napaluhod ulit ako. Namimilipit si Wackie sa sahig at sinalubong ako ng sampal ni Lowi.

Nasa malayo si Sabrina at naka ngisi lang kaming pinapanood. Matalim ko syang tinignan pero may malakas na palo sa braso ko kaya napahiga ako sa lakas nun.

Napalunok ako ng makita si Baret na may hawak na bakal at ihahampas sa akin kaya pumikit nalang ako dahil hindi ko na rin kaya ang sakit ng braso ko.

Sinipa pa ni Lowi ang balakang ko kaya mas namilipit ako sa sakit.

"Sinira mo ang mundo naming tatlo! Isa kang walang kwentang tao at dapat sayo ay nanahimik nalang! Kaya mo na nararansan to dahil sa pagiging pakielamera mo!" ani Baret at ihahampas na ang bakal ng wala akong naramdaman

"Caris!"

Napamulat ako ng at nakita si Larissa at Krishnang tinulungan akong mapaupo. Nakita ko naman sa gilid ko si Jaired na nahihilo kaya nilapitan ko sya kahit namamanhid ang balakang ko.

Sinalo nya ba ang bakal? Bakit nagdudugo ang labi nya?!

"Caris.." tawag ni Krishna kaya nagpaalalay ako "Sila Liam na ang bahala kay Jaired, tara na."

Inalalayan nila ako sa isang kotse, nakarinig naman ako ng sirena ng kotse, alam kong mga pulis ito. Hawak hawak ni Jeremy at Lorde ang dalawang babae habang pumipiglas ito at si Wackie na namimilipit pa rin.

Nakatayo na si Jaired at ng makalapot sya ay niyakap nya ako agad. Narinig kong humikbi ito "I knew you were in trouble. Tama lang na pinakinggan ko 'tong kutob ko.."

Nahuli na sina Lowi, Baret at Wackie. Hindi ko na nakita si Sabrina at mukang tumakbo o nag tago. Napagplanuhan nya ito lahat dahil sakto ang pagkawala nya, hindi alam nila Jaired.





*Short update, you can just ignore this kasi ni insert ko lang talaga yung scene in hehe. Hope you understand, have a goodnight!*

- love lots from genuinelyshe ;)

ONE IS ENOUGH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon