11

12 3 0
                                    


"Rudeness"

Hindi na ako lumalapit. Pero hindi ko rin alam kung bakit patuloy pa rin akong nag bibigay ng mga sulat sa kanya. Hindi man ganoon kahaba, atleast sulat pa rin.

Dear Jaired, #1

Hello, kumusta kana nga pala? Sorry sa pang gugulo sainyo ni Oliver ha? Hindi ko na talaga uulitin.

From : Caris :)

Dear Jaired, #2

Kumusta ka ulit? Hindi mo naman kailangang sagutin dahil baka nag iisip ka kung paano sasagutin ang letter ko kaya umabot ng dalawang araw. Joke! Ngiti ka naman dyan :)

From : Caris :)

Dear Jaired, #3

Congrats nga pala dahil top 1 ka, sana all. Congrats ulit ha? I'm sure proud sayo yung mga love ones mo. Wala man ako sa posisyon pero pagpatuloy mo lang but remember also to not pressure yourself too much. Mag pahinga ka kung pagod kana! Ily.

From : Caris :)

Grabe noh? Maraming linggo, araw, oras, minuto at segundo na ang lumipas! Hindi natin namamalayan ang pagbabago ng nasa paligid natin. Kahit na ganon, kasama ko parin ang mga kaibigan ko na ikinatuwa ng puso ko.

Na ligtas si Papa sa ibang bansa na nag tratrabaho para saamin. Hindi ko naman masasabi pero minsan nalang silang mag away ni Mama tungkol sa pagiging pasaway ni Papa sa pagkain. Naging mas matatag at mautak si Mama sa pag aalaga sa amin.

"Madalas ka nang mag sulat ng ganyan ah? Kailan ba matatapos yan?" tanong ni Larissa na nasagilid ko. Mabilis kong tinakpan ang sinusulat ko kaya natawa sya

"Tapos na yun. Iba na to." simpleng sagot ko kaya bahagya syang nagulat

"Weeh? Ibig sabihin.. iba-iba yung sinusulat mo sa iba-ibang papel? Para saan yun, Caris?"

I chuckled a little "Jaired,"

"Jaired?! Lahat yun para sa kanya? Caris, parang dalawang bese sa isang linggo kitang makita na gumagawa ng sulat.. anong sabi nya?"

Ang ngiti ko kanina'y napawi na "W-wala.."

"Pero nababasa nya naman ba?" paninigurado nya na mukang nag alala sa naging pagbabago ng reaksyon ko

"S-siguro.." naramdaman ko ang maagap nyang pag akap sakin. Ipinahinga nya ang ulo nya sa balikat ko.

"I don't want you to feel sad my dear friend. Parang malalim na rin kasi ang nararamdaman mo para sakanya."

Nagulat kami ng may tumulak sa ulo ni Larissa para makalayo sakin at may humila ng ulo ko dahilan para mapahinga ako sa balikat nito.

IIalayo ko sana ang ulo ko pero inakbayan ako nito at diniin ang ulo ko sa dibdib nya kaya naamoy ko ang pabago nya.

"Hoy ano yan?!" narinig kong tanong ni Lorde

"Jeremy, let go!" si Larissa na sinusubukan atang hilahin ako

Naramdaman kong pinakawalan naman ako ni Jeremy kaya inayos ko ang ipit ng buhok ko kasi nagulo nya na ito.

As I raised my head while smiling, I saw Liam and Lorde having the teasing smile with them and Krish, kakadating nya lang at napanganga sa naabutan.

"Bawal gano'n, Larissa! Hindi kayo talo!" he said

"What? You idiot!" panlalaban ni Larissa

"Shut up, you two. Eto suklay, Caris Leigh." abot ni Krishna ng suklay kaya tinaggal ko ang ipit ko at sinuklay muna bago ipusod.

ONE IS ENOUGH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon