[8-31-2021]"Caris pakopya na!" kinakalabog ni Liam ng bahagya ang locker ko habang kinukuha ko ang mga librong kakailanganin ko sa araw na ito.
Maingay ang buong klase kaya hindi alintana ang pag iingay nya gamit ang locker ko. Nasa loob ng classrooms ang ibang lockers kaya nandito ang akin. Meron din sa labas na kadalasang inuukupa ng iba.
"Huy! Ako rin! Hindi ko nagawa e haha!" sabi naman ni Lorde "Jer! Sama ka dali!"
Naiiyak na ako ng nakisali si Jeremy sa ingay ng dalawa sa pag dabog ng locker ko. Wala si Krishna dahil may sakit. Kaya naiwan ako sa tatlong unggoy na 'to, kaiinis!
Ibinalibag ko ang locker ko at tinignan sila ng masama.
"Goodmorning Section Five"
"Doon na nga kayo! Piste!"
Napatakip ako sa bibig ko ng may nakasabay ako sa pag sigaw. Kinabahan ako na baka teacher ito pero salamat at ang asawa ko lang pala. Hayy..
"Any problems, Ms. Tolentino?" tanong ni Jaired habang may iniikot na chain ng flashdrive sa daliri nya.
"Uh.. Wala," sabi ko sabay takbo sa upuan ko dahil nakatingin na silang lahat sa akin!
Agad na tumabi si Jeremy sa table ko at inakbay ang kamay sa likod ng upuan ko "Sobrang sungit ng crush mo, Caris. Bakla ata yan." I glared at him
"Bakla agad? Attitude nya talaga yan, hindi ka pa nasanay." mahina kong sabi dahil baka mapagalitan nanaman ako. Tumango tango lang sya at ngumisi na parang aso.
Lumipas ang oras sa mga recitation at surprise quiz hanggang sa makapag recess na rin.
"Larisa! Larisa!" bungad ni Liam sa kambal habang winawagayway ang isang bote ng tubig.
"Shut up, Kuya! You're too noisy." pananaray nito saka tumabi sa akin "Caris, I have important news. Inutusan si Jaired na mag dala ng flashdrive sa section nyo. Ano? What happened?"
"Napagalitan.." si Lorde
"Ano? Bakit? Ano nanaman katangahang ginawa mo, Caris?"
"Hindi naman katangahan! Sinigawan ko yang tatlo dahil nababanas ako tapos sakto ang pagpasok ni Jaired kaya na tarayan ako," paliwanag ko sa kanya
"Bawas points ka baliw! Mens are attracted sa babaeng mahinhin at tahimik! Lalo na sa katulad ni Jaired!"
"Sabi nya?" may pag asang tanong ko rito
"Sabi ko."
Nginiwian ko lang sya at sumubo, habang nawawalan ng pag asa dahil sa pagiging self isolated. Pero ang sumuko ay mahina, hindi uso sa akin iyon.
"Caris!" inangat ko ang tingin ko sa babaeng boses na tumawag sa akin. Vanessa. Naubo naman si Lorde'ng kumakain at hinablot ng mabilis ang tubig nya.
"Vane! Kumusta ka?' kaway ko sa kanya na naka pony tail. Natural ang ganda nya at tanging gloss ang nag papakulay sa kanyang mga labi. Second cousin nya si Jaired kaya kilala nya ako at sabi nyang boto sya sa akin.
"Kakanta si Jaired sa Linggo ng Gabi. Sana makapunta ka yii" aniya sa akin saka naglapag ng isang chocolate bar sa harap ko "Dala yan ng mama ni Jaired kagabi. Gusto nyang ibigay ni Red sa'yo pero ayaw nun dahil busy daw sa school kaya walang oras na daanan ka. Kaya ako na ang magbibigay."
"Wow! Boto na sa'yo ang mother in law mo ayi!" pang aasar ni Liam habang tinutuktok ang mesa, pinalo sya ng kapatid nyang si Larisa
"O sya, Caris, see you sa Sunday ha? Nandun si Tita! And pag may pinapabigay ulit si tita, pipilitin ko si Red na iabot sa'yo.."
Nagsuot ang ng spaghetti straps dress na lagpas hanggang tuhod ko at kulay pula, merong design na cherry at pinatungan ko ng gray denim jacket dahil hindi naman pwede sa simbahan ang ganong dress. Naka white slip-on ako at my dalang shoulders bag.
Kasama ko si Mama ngayon at sya pa ang pumili ng damit ko. Buhat buhat nya ang bunsong babae kong kapatid na si Calida. Maliit pa ito at nagaaral ng kindergarden.
"Doon dapat tayo sa may pwesto nila para makita ang maayos mong damit! Ibinili yan ng Papa mo sa ibang bansa kaya kailangang ipagmalaki!"
"Ma, ano ba 'yan. Anak mo ba talaga ako?" choosy ko pang saad
"Ano bang bunganga yan, Caris. Noon palang gusto ko na si Jaired sa'yo. Matalino. Mabait pang bata!"
Mabait nga ba? Eh hindi nga ako kinakausap nun ng maayos. Psh. Well, minsan lang. Baka namalik mata kaya ganun.
"Mukhang may pananaw sa buhay kaya dapat lang na sya ang gustuhin mo. Gusto ka rin ng ina nya kaya bagay kayo." nagulat pa ako ng slight.
I saw him wearing a white polo and dark blue jeans. Kapansin pansin din ang bagong gupit nyang buhok. Kumikinang din ang silver cross necklace nya. He is talking to his mother with a serious face then suddenly tita Racky saw me.
She waved at me so her son's attention goes to my direction. Napalunok ako bago kumaway, naramdaman kong kinurot ako ni mama ng paligim. "Mag mano ka!" bulong nito kaya walang hiya hiya akong nag mano kay tita.
"Hello, Caris! Nice to see you here," nakangiti nitong sabi, nilingon ko ang anak nyang tinaasan ako ng kilay ng magtama ang tingin namin, binaling ko ang tingin kay tita at ngumiti.
"Masaya rin po akong makita kayo tita-"
"Mom, aalis na ako. The mass will start and you should seat too. Stop the chitchat, continue it later. Bye." he kissed her mom's cheek before going to the choir area.
Mas matangkad sya sa mama nya at hanggang balikat lang ako ng mama nya, wow ha. "Let's go hija, Layla! Tara, doon tayo maupo." katabi nya na ngayon si mama ba kachikahan nyang maupo. Katabi ko ang bunso kong kapatid at tinuturuan ko sa mga mass activities. Hindi nya pa abot ang upuan kaya tinulungan ko syang maupo.
Sa likod namin mismo ang choir area kaya makikita ko agad si Jaired. Mag isa sya sa iisang mic dahil maganda ang boses nito kaya siguro dapat medyo nangingibabaw kahit papaano at para maguide ang kasama nya.
"Ate, paypay." turo nya sa hawako kong pamaypay kaya pinaypayan ko agad sya. Hindi ko alam pero may subo itong lollipop na pula.
Nang natapos ang misa ay naupo muna kami saglit para hintayin si Jaired, pabor na pabor ako rito kaya hindi ako nabobored. "By the way, Caris. Natanggap mo ba yung chocolate na pinapaabot ko kay Red?" tanong ni tita Racky.
"Ahhh, opo. Pero si Vanessa po ang nag abot." sagot ko, katabi na nya si Jaired na umiinom ng tubig.
"Talaga?" anito bago nilingon ang anak "Sabi ko ikaw mag bigay."
Sinara ng anak nya ang tubig at pinalandas ang daliri sa buhok nito. "I told you, I'm busy with the choir. Malayo ang classroom nila sa amin kaya hindi ganoon kadali iyon." he said coldly
Pwede mo namang iabot ng recess at lunch! O kaya uwian! O kaya sa bahay namin tutal malapit lang! Ang dami kayang paraan.
"And why me, Mom? Kaya nya namang pumunta sa bahay then let her take it. I don't need to give time for her. It's not even important."
Sa maaliwalas kong muka kanina ay nag laho. Medyo nasaktan ako sa sinabi nyang hindi importante, well totoo naman, Caris! Bakit mo ba iniisip na gagawa yun ng paraan, importante ka ba sa kanya?
Syempre hindi. Isa kalang namang hamak na nagkakagusto sa kanya..
BINABASA MO ANG
ONE IS ENOUGH (COMPLETED)
Teen FictionRechazo Series #1 A girl named Caris Leigh is admiring Jaired Laverde, a one-woman-man and a self isolated one. He is smart and humble but quite sarcastic. Caris can't even tell his mood if he is okay or not because he shows no emotions at all. Why...