"Makulit"Dear Jaired,
Mabuti naman at hindi ka lumipat ng school. Wala lang, wag feelingero ha? Char. Sana okay ka ngayong grade 9 na tayo. Sorry nung naging makulit ako ng medyo lang nung grade 8. Ilang letter na ba ang nabigay ko? Wag mo na bilangin kasi hindi ako sigurado kung nabasa mo na ba. Hindi na importante. Sana wag kang ma creepy-han sa kin kasi ako lang to.
Cute lang,
Caris Leigh.Ang bilis ng panahon! 2nd quarter na kami agad ngayong grade 9! Parang kahapon lang ay grade 8 ako huhu..
"Saan ka nanaman pupunta, Caris?!" pigil ni Lorde sa akin. Tinignan ko ito ng masama at pumawaywang.
"Gusto mong tulayan kong tanggalin ang kamay mo?" sabi ko
"Syempre ayoko."
"Pwes tanggalin mo." tinabig ko ito at tumakbo palabas ng classroom.
"Ma'am! Sorry po late, eto po bayad sa punishment huhu. Nakalimutan ko po kasi.." ani ko na hingal na hingal. Tinakbo ko kasi ang 3rd floor building papunta sa building na 'to!
She smiled "Ayos lang, Caris. Ikaw talaga oh.."
"Sorry po talaga, Ma'am. Nagpadala po kasi si Papa ng balik bayan box kaya nakalimutan ko po kung nasaan ko nalagay yung libro huhu. Eto po oh, bigay ni Mama.." abot ko ng plastik na may dalawang chocolate bars.
"Hala, thank you rito hija.. Pero sa iyo na yan.."
"Ha? Sa inyo na po Ma'am.."
"Hindi na anak.. Hindi rin kasi ako mahilig sa matatamis, ibabalik ko lang ang libro. Salamat sa magulang mo.." aniya bago tumayo. Tumango nalang ako at umiling. Napangiti ako dahil sa sinabi ni Ma'am."
Nang makalingon ako sa mga nag babasa at nakita si Jaired na mag isang nagbabasa sa isang lamesa at sya lang talaga ang naka upo roon.
Tinignan ko ang plastic bag na hawak ko na may dalawang chocolate bago ko sya lapitan. Dahan dahan muna ako bago naupo rin ng dahan dahan.
He ignored me and just continue doing something. "Hi, busy ka ba? " nakangiti kong tanong
He glanced at me before giving a glance too at the bag I'm holding. "What do you think?" he raised an eyebrow
Nanlaki ang mata ko sa kaba kaya napatayo ako agad "Hala sorry, busy ka pala hehe alis nako. Next time nalang-"
"I'm not that busy, what do you need?" aniya kaya bumalik ako sa pagkakaupo, eto na ang chance!!
"Mahilig ka ba sa chocolate? Eto oh, para sayo.." abot ko ng isa sa kanya "Paborito ko ang chocolates kung hindi mo maitatanong hehe, pero maganda rin yan pag nag aaral. Pero wag super duper agad agad kasi baka masira yung ipin mo.."
"I know.." he replied then get the chocolate. He nodded and stared at it for a second before looking at me again "Thanks."
I smiled widely, ang pogi nya! Jusko! I think I blushed because of what am I thinking "Bakit mag isa kalang? Nasaan yung kaibigan mo?"
"He's having a lunch. Don't think of him." he said seriously
Oo naman, ikaw nalang ang iisipin ko chus lang foe. "Ahh, nga pala. Mukang palagi kitang nakikitang may inaaral ah? Assignment? Project? PETA? Written Output?"
BINABASA MO ANG
ONE IS ENOUGH (COMPLETED)
Teen FictionRechazo Series #1 A girl named Caris Leigh is admiring Jaired Laverde, a one-woman-man and a self isolated one. He is smart and humble but quite sarcastic. Caris can't even tell his mood if he is okay or not because he shows no emotions at all. Why...