( TW : Abuse ahead)
"Annoying"
"Tigil!" a loud shout stopped them from hitting the poor little girl with an blindfold.The little girl is crying but still manage to laugh like crazy. When a sudden, someone held her shoulders and remove the blindfold.
He is bleeding, like someone punched him. "Ayos ka lang ba? Tara na!" he tried to pull her but she didn't move.
"Gusto ko lang ng kaibigan.." she hissed before everything went black.
The only thing that runs in her mind is having friends. The friends she only want to play with, harmed her. Hurt her and almost tried to kill her..
"Anong bang nangyare? Bakit ba sya nahimatay?"
"Hindi rin po namin alam tita, naabutan nalang po namin syang naghihingalo sa hallway.."
"Baka nakarinig ng pag bagsak o kalabog ang batang ito? Alam nyo namang malaki ang epekto nun sa kalagayan nya.."
"Diba may nahulog na bag kanina? Baka yun?"
"Tanga hindi naman ganoon! Yung sobrang lakas!"
"Katulad ng ano ba?"
"Katulad ng-"
"Ma?" bulong ko sa oras na mamulat ang mata at pinilit umupo.
"Caris!" sabay na sigaw nila Krishna at Larissa
"Tatawagin ko po yung doctor." presenta ni Jeremy at nag madaling lumabas sa kurtinang naging harang ng bawat higaan.
Nasa clinic lang kami. Nandito si Mama, si Cali na naka kandong kay Lorde na mukang tulog. Si Liam na naka upo sa tabi ni Lorde na naka upo sa katabing kama. Si Krishna at Larissa na nakaupo sa mag kabilang dulo ng kama.
Tumabi sa akin si Mama at niyakap ako "Susmaryosep, ayos kana ba anak?"
Nag sitinginan kami ng hawiin ni Jeremy ang kurtina at kasama ang doctor. "Anong nararamdaman mo hija?" tanong nito
Lumunok muna ako "Masakit po ang puso ko. N-natatakot po ako.." bigla nalang may lumandas na luha sa aking pisnge
Pinunasan ito ni Mama at hinimas ang ulo ko. "It's your trauma, hija. You should inhale and exhale for a while to calm down your heart, also your brain."
Tumango ako at huminga ng malalim.
"What's the last thing you remember that might trigger your trauma?"
Napaisip ako. Bahagya mang sumakit ang ulo ko pero naisip ko pa rin ang naging pagkikita namin ni Jaired.
"M-Malakas na pag sara ng l-locker.." ang tangi kong nasabi
"SAAN?" sabay sabay na tanong ng mga kaibigan kaya napapikit ako at kumirot ang ulo ko.
"Students.. she needs peace of mind." the doctor said "Mrs. Tolentino, your daughter need to rest for 2 days. Sasabihin ko na sa guro nya dahil kailangan nya ito."
My mother agreed to it.
Kinuha ang sketch pad at niyakap ito. Dinama ko lang ang lamig ng panahon, pagabi na kasi kaya presko.
I let go a deep sigh then closing my eyes. How I wish I can go back to the day of my accident. In my dreams, I want to save my self. Bakit ang labo ng muka nung nagtanong kung ayos lang ako?
"Hello!" napamulat ako ng makarinig ng bati
"Hello rin!" bati ko kay Vanessa na nakangiti
"Mag isa kalang?"
Tumango tango ako "Uhm, oo eh"
"You draw?" she asked
"Yep."
"Wow! Your so talented," she complimented
Nag drawing kasi ako ng isang halter top ball gown. Kinulayan ko rin ng kaunti gamit ang water color na tanging gamit ko.
When I realize that I can draw a portrait too..
"Gusto mong.. idrawing kita?" sabi ko kaya nagulat sya
"You can? Sure! I would love it for sure!" she said excitedly "Pwedeng sa bahay nalang nila Red? Madilim na kasi rito eh.. if you want,"
Pumayag ako at alam naman na ni Mama. Bali ng simulan ko ito ay nasa kwarto nya kami at nauwi rin ako ng tawagin ni Mama.
Hindi ko napansin kung nasaan si Jaired pero sabi ni Vanessa ay nasa kwarto nya at nag aaral o nag babasa.
"Tuloy nalang natin bukas!" I told her
"Sure, Sure! Whenever you're free.."
I sat on my bed before closing my eyes briefly. I need to remember it! Maya maya palang, bigla kong narinig ang ambon sabubong na katabi ng kwarto ko.
As the rain started to get more heavy, a group of tears started to fall from my eyes. Naalala ko nanaman ang ginawang pag tapon ni Jaired sa mga sulat ko..
Bakit ganoon? May lakas pa rin akong harapin sya kahit na gusto nya na akong umalis. He wants me to leave, but my mind said no. I just can't.
Like he did something in me, like he is a part of me. I don't know if this is true but I don't want him, away.. Like.. he can answer my questions.
"Leave."
"Stop this nonsense. You're getting worse. I don't like it."
"Is there something else you need, Caris? Iinterview-hin mo nanaman si Oliver? As you can see, he's busy."
"You can leave."
My heart only wants him from afar, masaya na ako doon dahil alam kong bata pa kami. For him, he don't want me to be near him. He wants other girls but not me, there's no curse in me.. but he hates my presence.
"Alam mo ba namiss ka ni Jer-"
"Anak ng!" pag pipigil ni Jeremy kay Larissa "Fake news! Idadamay mo pa ako!"
Inirapan sya nito "Oh don't deny it, Mr. Jeremy Yohan. Bukambibig mo sya this last 2days!" she said as if it makes her blood boiled.
"Shhhh! Wag magulo people!" si Krishna "Kami ba, namiss mo?" tanong nito sa akin
Nakahiga ang ulo ko sa kamay kong nakapatong sa table at mukang bored na bored dito sa canteen dahil kaunti lang ang istudyante.
"Wala akong namiss.." walang gana kong sabi
Siguro dahil na rin sa puyat at pagod sa pag iyak dahil kay Jaired? Oo, mababaw lang talaga ang luha ko. Parang hangin lang ako sa kanya, hindi nya makita kita.
Ngumiwi si Krishna at Larissa. Napatigil naman sa pag simot ng ice candy si Liam. Si Jeremy na kumunot ang noo at si Lorde na nasamid sa pag sipsip ng chuckie.
"Bakit? Sinong namimiss mo?" makahulugang tanong ni Larissa "Si Jaired 'cold' Laverde?"
"Ang sabi ko wala." seryoso ko paring sabi pero parang hindi sila naniniwala sa akin.
Kumatok ako ng dalawang beses sa bahay nila tita Racky habang hawak hawak ang art materials at mahiwanf sketch pad.
Sinubukan ko ulit kumatok pero natigil iyon ng bumukas ito bigla. Kumabog ang puso ko sa lalaking naka black hoodie at black na jersey shorts.
"Hi-"
"What are you doing here?" malamig nyang tanong
I swallowed hard "Uhm-"
"Being desperate again?"
Nagulat ako rito sa sinabi nya, ano raw? Desperate? Ako?
"You know.. Stop being annoying. Give up. You're too desperate. You're wasting your time."
BINABASA MO ANG
ONE IS ENOUGH (COMPLETED)
Teen FictionRechazo Series #1 A girl named Caris Leigh is admiring Jaired Laverde, a one-woman-man and a self isolated one. He is smart and humble but quite sarcastic. Caris can't even tell his mood if he is okay or not because he shows no emotions at all. Why...