14

13 3 0
                                    

"Memories"

Napatitig lang kami sa kanya at nagtataka sa mga pinag sasasabi nito. "Excuse me po. Kelan pa sya naging bisyo para siraan ang buhay ng may buhay? At hindi ka po namin kilala, kung ano mang sinasabi mo.. Ikaw na ang nakasira sa buhay mo dahil desisyon mo yun. Buhay mo."

Hinigit ako nito palayo at iniwan ang weird na lalaking iyon doon. "Feeling close nun." bungisngis ni Krishna

"Caris!" tawag ni Mama ng makalapit kami, inabot nya ang telepono nya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Ang Papa mo kakausapin ka.."

Hinalikan din ako ni Cali na buhat buhat nya kaya napangiti na rin ako.

"Papa? Kumusta ka po?"

[ Eto, anak, may mga trabaho pa ring tinatapos para makauwi na.. Pasensya na nga pala at hindi ako nakasama sa graduation mo. Pangako, babawi ako sa kolehiyo mo anak! ]

Napangiti ako at bahagyang naluha sa narinig "Naku! Ayos lang, Papa! Alam mo namang naiintindihan kong kailangan mong gawin yan.. Pagbubutihan ko po para kahit papaano'y makita nyong para sainyo 'to!"

[ Ano ka ba anak.. Wag kang mag paiyak. Babawi ako, uuwi ako sa susunod na linggo. Ano? Ayos ba? ]

"Talaga po? Yehey!"

[ Oo anak, para mabantayan ko na kayo at hindi mahirapan ang Mama mo dyan.. ]

"Basta mag iingat kayo palagi dyan. Mas importante pa rin po ang kalagayan ninyo.."

[ Para sainyo.. Gagawin ko ang lahat. ]

"Grabe rin yung mga katamaran na pinagdaanan natin 'no?" ani Lorde habang kumakain kami

"Hoy wag mo kaming isama sa katamaran mo!" si Liam habang makalat na kumukuha ng hipon.

"Asus! Don't act that different, kuya. I already saw you playing mobile games kesa assignments and projects! You're so tamad kaya.." si Larissa

Natawa si Lorde at Jeremy "Oh, kapatid mo na nag sabi ah!" sabi ni Jeremy

Gigil na kinagat ni Liam ang pang ibabang labi nito at sumenyas ng kaltok dito hanggang sa dumating si Mama

"Ops ops ops! Masamang mag away sa hapag mga pogi." anito

"Yang dalawa kasi tita, tinawag akong tamad!" pagsusumbong ni Liam

"Loko wala kaming sinabi ah!" si Jeremy

"Talaga po tita, pogi kami?" napatingin kami kay Lorde na parang yun lang ang narinig, kaya natawa nalang kami nila Larissa at Krishna dahil dito.

Natawa na rin si Jeremy at Liam. Si Mama na umiling uling at nilapag ang carbonara "Oo na, nak." anito

With a smile of happiness, but I'm not contented. Still in confused zone, there's no answer to every questions I've been asking.

"Ba-bye! Kitakits! Enjoy sa bakasyon!" pag papa alam ni Krishna at niyakap ako

"Kayo rin.." ani ko at kumalas sa yakap.

"Salamat ulit, Tita sa pakain.."

"Sus, ayos lang! Basta kayo.." my mother said

"Ingat kayo!!" pag papa alam ko sa mga kaibigang nag si sakay sa tricycle na mag hahatid sa kanila pauwi.

ONE IS ENOUGH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon