07

18 3 1
                                    


"Sorry"

Marahan kong sinara ang sketch pad at nauwi nalang dahil maliban sa nagulat ako sa nangyari ngayon ay dumidilim na rin. Medyo nasaktan ako, medyo lang.. Medyo lang talaga mga 99.9% diba joy lang ang peg.

"Sabihin mo lang young folder. Alam na nila yun, kay nurse Santas ha?" utos ni Ms. Intio

"Opo," sabi ko at umalis na ng classroom. Maaga kasi akong natapos sa pa surprise quiz.

Lumipas na rin kasi ang dalawang linggo kaya nambibigla na sila. Nakikita ko si Jaired pero nginingitian ko lang sya. Madalas ko syang makitang may ginagawa, eh sabi ko nga na pag wala syang ginagawa ay saka ako mang iinterview.

Tanungin ko na rin pag may chance kung girlfriend nya ba talaga yun? 2nd year hs palang kami at may girlfriend na agad sya? Hindi ba makakagulo iyon sa pag aaral nya? Lalo na't nasa Section 1 pa sya..

"Good morning po!" ani ko ng makapasok sa clinic

"Magsulat muna ng pangalan, sakit at-" sabi ng isang nurse na busy sa mga ni-sstamp na papel. Patakaran kasi rito na mag sulat sa log book ng pangalan, sakit o anong dahilan kung bakit ka pumuntang clinic, oras ng pagpunta mo at petsa.

"Naku hindi po ako magtatagal. Hinihingi po sana ni Ms. Intio iyong mga folders daw. Alam nyo na raw po yun." sabi ko ng nakangiti

Inangat nya ang tingin nya at tumango, medyo masungit ka naman po nurse.. Charot. "Mauupo ka muna dyan, hija."

Tumango ako at maupo sa waiting bench ng clinic. Malamig sa clinic at tahimik, medyo malaki ito dahil sa kasama sa school namin ang mga senior high at college.

Makikita mo ang isang counter place na sasalubong sa pinto. Katabi nito ang isang lamesa kung saan pwedeng tumawag sa mga telepono. Katabi rin nito ang tatlong cabinet na may lamang gamot, first aid kit, instruments ng dentist at may napkin din for emergency.

May sampung clinic beds sa bandang dulo, lima sa babae lima sa lalaki. Tanging kurtina lang ang nag papahiwalay sa mga ito. Meron ding dentist area at cr.

"Hala? Nakaligtas pala sya? Salamat naman sa Diyos.."

"Huh? Sino? Sya ba yung batang yun? Mukang ang daming nabago sa kanya!"

"Syempre! Ilang sugat at tama rin ang natamo nya, imitation siguro sya ng mga magulang nya.."

"Oo nga, kawawa sya noh?"

"Hoy ano ba kayong dalawa! Baka marinig kayo nyan, sabi sabi nila. Wala na raw syang masyadong maalala sa nangyareng aksidente.."

Nag angat ako ng tingin sa mga nagbubulungang nurse sa gilid. Hindi ko naman intensyong marinig ang mga sinasabi nila, sino kaya ang tinutukoy nila? Hindi sa pag assume pero ako ba?

Ang alam ko lang ay naaksidente ako, malabo pa rin sa akin ang nangyari. Malala ba ang nangyari? Maari ko bang ikamatay yun? Pero baka natutulog dun sa clinic beds ang tinutukoy nila. Hindi ko alam.

"Hija, ito na ang hinahanap mo." pagharang nung nurse sa tatlong nag bubulungan. I smiled at her and took the folder "Thank you po."

Umalis na ako agad para maabutan si Ms. Intio sa classroom, pero nakita kong naglalabasan nya ang mga kaklase ko. Nakita ko sa malayong bahagi ng hallway ang pag labas ni Jaired kasama si Oliver na may kinukwento nanaman sa kanya.

Nagulat sya ng makita ako at napalunok. Napunta sa iba ang tingin ko ng narinig ko ang pag sipol ni Krishna sa'kin. Katabi nya na pala si Larissa.

"Ano yan?" tanong nila sa hawak kong folder

ONE IS ENOUGH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon