16

15 3 0
                                    

"Nagbago"

Nag daan ang mga araw, linggo at buwan. Matagal na nung huli kaming nag kita pero para sa akin ay makakabuti ito. Hindi ko pa alam ang iisipin kaya kailangan kong dumistansya.

Simula ng makita ko ang mga litrato at sulat. Hindi ko alam kung paano ko sya tuturingin. Nagsimula ng mag bago ang lahat pagkatapos ng aksidente.

Kasama ko si Krishna, Larissa at Liam sa iisang Unibersidad. Ang dating naming school ay may kasama namang college building pero mas pinili naming lumipat.

Sila Jeremy at Lorde ang nanatili dahil wala naman silang ibang gustong lipatan kundi roon nalang. Nalaman ko rin mula kay Mama na doon na rin nag kolehiyo si Jaired.

"Sorry late." ani Krishna, kakarating nya lang dahil nag over time ang klase nya.

"Dahil late ka, manlibre ka dapat." pang aasar ni Lorde kaya inirapan sya nito

"Manahimik ka dyan Lurdeh." pang aasar nito pabalik

"Hoy! Minsan ka na nga lang manlilibre tapos aasarin mo pa ako! Aba!"

"Lalalalalala wala akong marinig lalalalalalala may asong tumatahol lalalala,"

"Anong aso-"

"Ganyan nag simula ang lolo at lola ko, sige kayo." si Jeremy na natatawa tawa sa mga ito

Patago kaming tumawa ni Larissa dahil sa pagaaway nila na hindi ata kami nakita na nandito sa paligid nila. Pati na rin yung tindero ng fish ball ay nahiya sa kanila.

Siniko ni Liam si Jeremy. "Wag makialam sa away mag asawa." anito

"HOY ANONG AWAY MAG ASAWA?!" sabay na sigaw nilang dalawa kaya nag katitigan sila

"IKAW KASI!" sabay ulit sila

"WAG MO NGA AKONG GAYAHIN!" sabay nanaman ang dalawa

"Aba pag ibig na ba itu?" si Larissa naman kaya nang gigil na lumapit sa kanya si Krishna at sinundot ang tagiliran nya kaya nag habulan silang dalawa sa plaza na wala masyadong tao.

Hindi ko na napigilang matawa dahil ang mga bagong dating na istudyante nalang ang nag adjust sa kanilang dalawang nag habulan.

Si Liam at Jeremy na nag sisikuhan dahil tahimik si Lorde na umiinom ng soft drinks na naka plastic at namumula ang tenga.

Si Krishna rin, namula ang muka at si Larissa naman ang tumatawa na parang mang kukulam kaya natutuwa ako sa mga buang na kaibigan ko.

"Mag c-commute ka, Caris?" tanong ni Larissa habang nag katabi itong naglalakad.

Tumango ako at tinulak ang buhok sa bandang muka palikod ng aking tenga. "Tricycle lang naman pa punta, kaya ko na." anito

"Sige sige. Ingat ka! Bye!" sigaw nito at tinakbo na ang kapatid nitong naka sandal sa pader, may bag sa kanan na braso na ginagamit pang cellphone habang naka pamulsa ang kaliwa nitong kamay.

Sinabit ni Larissa ang kamay nito sa braso ng Kuya nya at dumingaw sa cellphone nito. Nagulat si Liam pero pinakita nya pa rin sa chismosa nyang kapatid kaya ang ending, ang kapatid nitong babae ang nag laro ng nilalaro nya habang naka hawak sa braso nito.

Nahuli nanaman si Krishna dahil nag cr pa sya kaya dumaan nalang ako sa isang gate ng University para maka hanap ng tricycle pero parang wala pa.

Naghintay muna ako habang yakap yakap ang bag ko at nagdadasal na sana walang epal na snatcher na mapadaan at hablutin ang bag ko.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang lalaking pagod na naka kapit sa pader na katabi nya at hingal. Naka hawak sa tuhod nitong naka bend at nakayuko.

Nag angat sya ng tingin sa akin kaya mas napa awang ang labi ko sa gulat.

"U-U-Uwi ka na ba?" tanong ni Jaired

Nag loading muna ako sa tanong nya bago dahan dahang tumango. Napalunok ako sa pagtataka.

Lumunok muna ito at tumayo ng diretso sa harap ko sabay bigay ng ngiti na puno ng pag asa. Inayos nya muna ang magulo nyang buhok at sinubukan akong lapitan pero napa atras ako.

"Hehe.. Sorry. Bakit ka nga pala-" parang kinabahan ito sa tingin ko "d-d-dito l-lumabas?"

Napalingon ako sa paligid dahil naiilang sa tingin nya at lumingon ulit sa kanya "Akala.. Ko kasi may tricycle dito kaya.."

"Hatid na kita? May bike ako, kaya namang umang kas nun-"

"Ayos lang, hindi na kailangan!" pag pipigil ko rito.

Tulad nga ng sinabi ko, hindi ko muna kayang makausap o mapalapit sa kanya dahil parang naiiyak ako.

"S-Sigurado ka?"

Tumango ako "Oo.. Kaya ko naman talaga, salamat sa pag aaya." kahit papa'no ay sinubukan kong ngumiti kaya tumango sya sa pang hihinayang.

"S-Sige.. Ingat ka."

Sakto namang may dumating na side car at hindi tricycle kaya pumara na agad ako at umuwi.

Huminga ako ng malalim ng nakaliko na ako dahil mukang hinintay nya muna itong umalis bago ito naglakad papalayo.

Inisip ko na paano na kaya ang lahat kung hindi ako na disgrasya noong bata ako? Mananatili bang si Jaired ang kaibigan ko?

Ang mga larawan.

Isang litrato na pareho kaming may hawak na lobo. Isang litrato na naka pigtails kaming dalawa dahil mahaba haba ang buhok nya. Isang litrato na naka kagat kami sa chicken. Isang litrato na umiiyak ako habang tumatawa sya.

At isang litrato na naka school uniform kami at sabay na nag lalakad papunta sa school. Ang sabi ni Mama ay kinuhanan nilang dalawa ni Tita Racky yun dahil sa sobrang nakakatuwa naming tignan.

"Naku, anak. Ang batang iyan ay sadyang mabait at mapagmahal. Mabilis mag alala at laging nakangiti pag mag kasama kayo." si Papa

Umiling ako at lumabas sa side car. Nitext ko kila Mama na dadaan muna ako sa convenient store at bibili ng pang pusod dahil na sira na ang iba sa sobrang tagal ko ng nagamit.

Salamat din kasi hinintay ako ni Manong na driver, sabi ko namang dodoblehin ko nalang ang bayad kaya pumayag ito. Bumili rin kasi sya ng pasalubong daw sa anak nya kaya natuwa ako.

"Salamat po, Kuya. Ingat po!" ani ko kaya tumango at ngumiti sya sa akin.

Nag lakad na ako sa bahay at napatigil ng makakita ng lalaking pinapagalitan ni Mama sa labas ng bahay. Natatawa lang ito habang pinapagpag ang hita nya.

Nang maka lapit ako ay nanlaki ang mga mata ni Jaired kaya napatayo ito ng maayos at nakamot ang batok nya.

"Ayan ka na pala! Naku! Sinabi ko na sayo, Red. Matatagalan kasi may binili.. Nag hintay kapa tuloy kaya nilamok ka dyan."

Napatingin ako sa kanya na kagat kagat ang labi at naka tingin sa gilid nya at mukang pinapawisan. Namumula na rin. Bakit kasi to nag hintay..

ONE IS ENOUGH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon