"Kahit Pa"
Dahan dahan kong tinanaw sa aking isipan kung gaano na kami nasubok ng mapag larong tadhana. Malay ko bang yung lalaking una kong nakita kuno na nag bibike kasabay ng sidecar namin ay ang lalaki palang nandyan para iligtas ako lagi?
Hindi man nag tagumpay sa pagligtas sa akin noong unang insidente, matagumpay namang nakabawi sa mga sumunod at huli ng pang yayare.
Bumawi dahil hindi maayos ang naging tungo nya nung mga panahon na hindi ko pa sya naaalala. Palagi itong mag ssorry kahit na napatawad ko naman sya. Alam ko naman kasing hindi nya naisip ang mga consequences. Sabi ko sa kanya, dapat ngayon alam nya na.
"Caris, nandyan na ang manliligaw mo!" sigaw ni Mama mula sa labas ng aking kwarto
"Opo, Ma!" sagot ko rito at itinabi na ang brush ng aking buhok.
Naghahanda para sa date na sinabi ni Jaired ngayon. Sa labas nalang daw kami mag ddinner upang makabawi sa hectic na weekend.
Puting T-shirt na may print na she can bloom sa harap at ni tucked in sa red checkered skirt na below the knee with white sneakers.
Lumabas na ako agad sa kwarto ko pagkatapos i check ang saksak ng kwarto at makitang okay na ang laman ng maliit kong bag.
"Caris, asaan ka na ba? Nag hihintay n-" napatigil si Mama sa pag dada at napatakbo sa akin kaya napababa ako ng hagdan agad dahil sa marahan nyang pag hila "Ang ganda ng anak ko!"
Natawa ako dahil sa kanya. Nakita kong wala si Jaired dito sa salas namin at baka nasa labas na nag hihintay. May inilabas si Mama sa kamay nya at nakita ko ang head band na white.
"Isuot mo ito, bagay din sa suot mo." aniya kaya sinuot ko ito at maganda naman ang kinalabasan "Oh sya, tara na sa labas at siguradong nag hihintay na si Red."
"May tiwala ako sayo, anak. Mag iingat kayo at alagaan mo ang panganay ko dahil sinasabi ko-"
"Pa.." tinapik ko si Papa kaya napatingin silang dalawa ni Jaired sa akin. Natawa si Papa at napako si Jaired sa kinatatayuan nya.
"Sinasabihan ko lang, nak." anito at napakamot pa sa batok at nilingoj muli si Red "Oh? Ganda ng anak ko 'no? Natuod ka na dyan!"
Namula si Jaired sa narinig kaya napayuko nalang sya naka white t-shirt din sya at black slacks. Halata rin ang pagtago nya sa tawa nya dahil sa sinasabi ni Papa.
"Ay ano ka ba, Crispin! Hayaan mo na sila! Pang gulo ka talaga!" si Mama
Nag paalam na kami sa kanila, may nahiram palang kotse itong si Jaired kaya mayroon kaming sasakyan ngayon at kaya rin pala nya ako hinayaang mag skirt. Hindi kasi ako nito pinapayagan lalo na pah bike lang ang sasakyan namin.
"Kanino ka naka hiram?" tanong ko
Sandali muna syang nag isip kung sasabihin nya ba o hindi pero "Kay Oliver." anito na parang galit pa
"Talaga? Ang tagal ko na syang hindi na kikita-"
"Bakit? Kailangan bang lagi kayong nag kikita? Hmm?" anito kaya pinagsingkitan ko sya ng mata, napalunok ito "Sorry.. Bakit mo pa kasi iniisip yung hinayupak na yun.."
"You're too grumpy. Of course he's your friend, and naging mabait din sya sa kin nung mga panahong puro sama ng loob lang ata ang alam mo,"
"Nag seselos ako. Agad."
Napatahimik ako dahil sa sinabi nya, wala naman akong ginawa ah? Bakit nag seselos eh wala rin naman dito yung kaibigan nya.
"Pero wala kang dapat gawin. Sinabi ko lang para alam mo, kokontrolin ko nalang 'tong pagseselos ko." he said calmly
"Seloso." pang iinis ko rito para malaman nyang hindi naman ako galit
"Oo talaga." aniya kaya natawa ako
"Sige hindi na pag seselosin, okay ba yun?" tanong ko kaya napangiti sya, ng maramdaman nya ang tingin ko ay kinagat nito ang labi nya para mag kuwaring seryoso.
"As you should." he said, trying to sound more serious than usual.
Isa pa sa mga napansin ko sa nakalipas na taong mag kasama kaming dalawa ay ang hindi maubos ubos na kwentuhan. Parang palagi kaming interesado sa mga usapan pag kaming dalawa ang nag uusap. Hindi naman kasi si Jaired ang tipo ng taong palaging mag shashare ng thoughts nya.
"Ang ganda rito!" I said as we arrived
Nag pa reserve pala sya ng private dinner place na nasa taas ng building. Kitang kita rito ang mga city lights at ang nag tataasang gusali.
"Anything for you." he whispered
Nag dinner na agad kami, he didn't seat in front of like other dates but instead he seat beside me. Sya na ata lahat gumawa parang wala akong mga kamay, kulang nalang sya na rin ang pag subo sa akin ng mga pag kain na inilagay ny sa plato ko.
"Salamat, Red!" I said happily
He smiled, he also lead the prayer before meal bago kami tuluyang kumain ng masarap na food na nakahain sa harap namin.
Hindi muna kami nag salita dahil masarap talaga ang pag kain sa resto na ito kaya nakalahat muna namin bago sya mag salita.
"May tumatakbo pa rin sa isip ko na gusto kong itanong sayo." he said
"Hmm? Ano yun?" tanong ko at nainom ng tubig
"Caris," kita ko sa gilid ng paningin ko na humarap ito sa akin "Diba sabi mo sa mga sulat mo na crush mo ako noon?" tumango ako "Tapos umiyak ka pa nun at nag hintay nung malaman mong aalis sana ako ng bansa.."
Binaba ko ang inumin at tinaasan sya ng kilay "Oh? Anong nais mong iparating ngayon?"
Napakamot sya sa batok nya at tinanggal din agad iyon "Mahal mo na ba ako?" tanong nya na nagpagulat sa akin "Well.. K-Kung hindi naman-"
"Ano ngayon kung, oo?"
Nanlaki ang mata nito "H-Ha?"
"Paano, kung mahal na rin kaya kita? Anong gagawin mo? Ibubulsa mo 'ko?" sinubukan ko pang mag biro
"E-Ewan ko.. Mahal.. mo ko?" he sound nervous
I smiled sweetly, I never knew I'll confess this way to him "Mahal kita, Jaired." napalunok ito "Kahit pa maraming nangyari, ikaw pa rin ang pipiliin ko. This heart of mine always say that one man is enough and.. that's you."
He asked me, so answered him. Dahan dahan na tuloy itong kumakain at bigla nalang ngumingiti ay wala pang sinasabi na kasunod.
"Nababaliw ka na ba?" pagsusuway ko
"I'm digesting!" he said so I laughed.
This man that I love, really has his own version when he is with me. Akala ko talaga noon, iba ang turing nya sa akin dahil ayaw nya sa akin. Ngayon, iba ang turing nya sa akin dahil espesyal ako. Iyon ang lagi nyang pinaparamdam. Iba ang pakikitungo nya sa mahal nya.
BINABASA MO ANG
ONE IS ENOUGH (COMPLETED)
Teen FictionRechazo Series #1 A girl named Caris Leigh is admiring Jaired Laverde, a one-woman-man and a self isolated one. He is smart and humble but quite sarcastic. Caris can't even tell his mood if he is okay or not because he shows no emotions at all. Why...