19

14 3 1
                                    

"Please"

Natutop ang bibig ko at hindi manlang nakapagsalita sa mga sinabi nya. Pag kagising ko rin ng umagang ito ay nag flashback ang mga alaalang kasama ko sya noon. Mag kaibigan kami noon palang, mabait sya sa akin at matylungin.

Pinag sisihan nya ang mga sinabi at ginawa nya noong wala pa akong naalala. Sabihin man nating binigyan ko sya ng pagkakataong bumawi sa lahat ng nangyari.

May takot at pangamba pa rin para sa akin. Siguro kung sa pagkakataong ito ay hindi ulit mapatunayan, hahayaan ko na lang.

"Papasok na po ako, Ma.." humalik ako kay Mama "Pa," kay Papa naman ay huli sa aking bunsong kapatid "Magpakabait ka, Calida."

"Ingat ka, anak!" sigaw ni Mama

"Mag aral ng mabuti!" si Papa

"Opo, ba-bye!" kaway ko bago lumabas ng bahay namin.

Naka awang ang labi ko ng may humarang na nag bbike sa harap ko kaya nakatigil ako.

"Hatid na kita?" tanong nito na may ngiti sa labi.

"B-Baka ma-late ka, Jaired.." gulat ko paring sabi

"Jaired.." he said almost a a whisper "Hindi ako ma-llate.. Malapit lang naman ang University mo sa akin.. Maaga pa naman.."

Tumango tango ako bago angkang aangkas sa bike pero pinigilan nya ang braso ko. He held his hand looking at may bag. Nagulat ako kaya binigay ko ito sa kanya. Nilagay nya iyon sa harap ng bike nya.

Pansin kong nasa harap nya mismo naka sabit ang bag nya. Umangkas na ako at humawak sa braso nya, pero ng umandar na ang bisikleta ay napayakap ako rito. I heard him chukled kaya tinaggal ko ang kamay ko pero hinila nya ulit yun at iniyakap sa kanya.

"Kumapit ka.." he said like it's the happiest day of his life.

Palihim nalang akong umiling at isinandal ang ulo ko sa likod nya. I can't but to smile like crazy. Akala ko ba, Caris?!?!

Nakarating na kami sa gate ng University kaya bumaba ako agad at kinuha ang bag ko. Nakita kong ni-stand nya ang bike nya at tinignan ko lang syang tumayo at ilipat ang bag nito sa likod nya.

"Thank you sa pag hatid. Ingat ka.." I said with a smile

"Okay lang, hatid na kita sa loob?" anito

"Naku, wag na. Baka ma-late ka kapa, Ingat ka ha?" ani ko ng tumango ito

He chuckled again "Mag iingat ako," tango tango ito na sumasang ayon "Para sa'yo, Caris."

Kinunutan ko sya ng noo "Hindi para sa mga magulang mo?"

"Syempre para rin sa kanila, ang hirap namang bumanat sayo.."

Isang malamig na lalaki at masungit, sasabihin sa kin ang mga ganyang salita?

Nang nag lakad na ako papunta sa loob ng University ay hindi pa rin sya umalis. Hinintay nya muna akong maka pasok sa campus bago ito pumunta sa University nya.

"Manlibre ka naman, Caris." hirit ni Larissa

"Soon. Wala akong pera ngayon," sambit ko

ONE IS ENOUGH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon