"Sungit""Ma, papasok na po ako!" sigaw ko rito habang nasa kusina sya at ako nama'y nag bubutones ng uniporme ko. "Cali, tara na!" sigaw ko sa bunso kong kapatid pagkatapos kong mag butones ng suot na uniporme.
"Mag i-ingat kayo!" sigaw ni Mama "At saka nga pala, anak, yung kababata kong si Racky ay bagong lipat dyan sa kalapit na bahay. Kaya baka pumunta ako doon bukas para tumulong kasi wala ang asawa nya para tulungan sya, wala sa pinas."
"Okay lang po, ako na ang mag luluto bukas. Kaya ko naman po at maaga naman kaming u-uwi." sagot ko habang sinusuot ang bag ng kapatid ko. "Cali, anong gusto mo?"
"Chicken!" masigla nitong sagot sa akin at napatalon pa.
"Salamat nak! Mag u-uwi ako ng pasalubong pagkatapos." ngumiti ako bago kami kumaway at umalis. Naghihintay sa labas ang magkapatid na sina Larissa at Liam kasama rin si Krishna.
Si Larissa ang pinaka babae kung kumilos kaysa sa amin ni Krishna, pareho kaming paiba-iba ng style depende sa matipuhan naming maganda araw na yun, ngunit si Larissa ay natatanggi ang pagkakagusto sa kulay puti talaga namang malinis sa sarili. Halos magkahawig talaga silang dalawa ng kuya nitong si Liam, hindi maitatanggi ang kagwapuhan nito at katangkaran. Mas matanda sya pero kapareho namin ng grade level dahil nag repeat ito noong grade 6 kaya naabutan nya ang batch namin.
Naging tampulan man sya ng tukso, wala naman syang pakialam. Sabi nya, makikipag away lang sya kapag ang kapatid na nya ang dinawit sa naranasan nyang pag repeat noon dahil mula pa man din noong mga bata kami ay hindi na matatawaran ang katalinuhan ni Larissa sa batch namin.
"Hi, Cali!!" bati ng dalawa kong babaeng kaibigan at nag unahang kurutin ang pisngi ng kapatid ko. Naka ngiti lang ang bata kong kapatid sa mga ito, binuhat sya ni Liam at sumakay kami sa tricycle nila.
Ang Papa ng mag kapatid ang nagdridrive, katabi ko si Liam na kandong kandong ang kapatid ko habang nasa maliit na upuan naman si Krishna. Nasa likod na upuan ng Papa nila si Larissa at sa bandang palabas ng tricycle ang pwesto ko.
Habang tinatahak namin ang school, nakasandal si Calida kay Liam na parang inaantok pa. Binaling ko nalang ang atensyon ko sa labas dahil malamig ang simoy ng hangin. Maaga pa kasi at umulan pa kagabi.
Napatingin nalang ako sa nakasabay naming lalaking nag b-bike. Pareho kami ng uniporme, siguro grade 9? Dahil grade 8 kami at muka syang mas matanda sa amin. Bagsak ang medyo mahaba nyang buhok at makikita mo ang kumikinang nyang kwintas na may krus.
Kulay silver ito na nababagay sa kanya dahil kita rin sa side view ang magandang hulma ng panga nya. Ang gwapo nya habang seryosong nag b-bike, nauna na ito sa amin pero talagang nagwapuhan ako sa kanya.
Ang agang blessing sa mata naman oh!
Napangiti ako sa likot ng pag-iisip ko, sana nga schoolmate namin sya para ganahan akong mag aral! Ay ang harot.
Pero syempre mag aaral talaga ako kasi baka magalit sila Mama at Papa hehe
Pero maayos naman ang takbo ng grades ko, hindi sa pag mamayabang pero with honors naman ako last school year at kailangan kong maging consistent.
Puro pero?! Kainis
"Anong section natin?" tanong ko kay Larissa na naunang tumingin.
BINABASA MO ANG
ONE IS ENOUGH (COMPLETED)
Teen FictionRechazo Series #1 A girl named Caris Leigh is admiring Jaired Laverde, a one-woman-man and a self isolated one. He is smart and humble but quite sarcastic. Caris can't even tell his mood if he is okay or not because he shows no emotions at all. Why...