04

20 2 3
                                    


"Those Trash"

Sa isang linggo ay nawala rin ang fake news dahil karamihan ay nagsabi na hindi naman talaga iyon totoo. May mga sabi sabi ring gusto akong siraan nung taong nag palaganap ng usap usapan. Mabuti at hindi naka abot iyon sa mga head ng school.

Hindi ko na rin sinabi kay Mama dahil maliit na bagay lang naman iyon. Pinalipas ko ang linggong hindi muna gumagawa ng kilos para mag papansin kay Jaired.

"Ano ginawa mo? Saan ka galing?" tanong ni Liam habang nag hihimay ng isda at nilalagay sa baunan ng kapatid nyang pinapanood lang syang matapos mula sa lamesa nila.

"Nag cr lang." sabi ko at naupo, kinuha ko ang ballpen at inikot ikot sa kamay ko. 

Nangmatapos sya sa paghihimay ay akma na syang tatayo para ibigay sa kapatid nya pero inagaw ko ito at ako nalang ang lumapit kay Larissa.

"Hoy! Snatcher!" narinig kong sabi ni Jeremy, baka nakita ang ginawa ko. Natawa nalang ako at nilapag sa mesa ni Larissa.

"Order nyo po, Ma'am." pagbibiro ko

Ngumiwi sya at kinuha ito "Bakit walang tubig?!" she joked

Umiling nalang ako at umikot, pasimpleng nilingon si Jaired na kumakain ng adobo ata yun? Basta! Nagtama ang tingin namin nung lagi nyang kasama. He smiled at me so I smiled back. Nagulat ako ng biglang lumingon sa akin si Jaired.

Kumaway ako at kumindat na parang tanga. Kumunot ang noo nya kaya nataranta ako at mabilis na umupo sa tabi ni Liam at nagtago.

Grabe! Isang tingin palang sakin nakakamatay na! Whoo!

"Kita ko yun." sabi ni Jeremy na nakapikit ulit at pinipilit na matulog.

"Kahit nakapikit ka?" sabi ko

"Oo." minulat nya ang mata nya at ngumisi sa akin "Caris, siguraduhin mong hanggang crush lang 'yan. Dahil sa nakikita ko sa isang linggong pagkakagusto mo dyan ay mukang tatagal o mas hihigit pa."

Nanliit ang mata ko at ngumiwi sa sinasabi nito "Gusto mo tricks?" napatingin kami kay Lorde

"Anong tricks?" tanong ni Liam

"Yung mga pwede mong gawin-" hindi na natapos ni Lorde ang sasabihin nya ng unahan sya ni Krishna

"Tangeks tips yun hindi tricks! Ano? Clown ka? May pa tricks?" anito

Natawa naman si Lorde sa katangahang sinabi nya "Ay tips pala!"

Napailing nalang kami dahil dito. Sa amin nila Liam, Larissa, Jeremy at Krishna. Si Lorde talaga ang pinaka hindi mo maintindihan minsan, lalo na sa mga salitang ginagamit nito. Alien ata 'to eh.

"Anong pa-tips mo papi Lorde?" pangaasar ni Jeremy

"Okay lapit kayo," utos nito na parang sobrang pribado ng mga pa-tips nya at kami lang ang pwedeng maka alam. "Kung mag kakagusto ka sa isang tao-"

"Syempre alangan namang hayop yung gustuhin ko." sabat ko rito

"Shhh! Manahimik ka kundi hindi ka magtatagumpay sa mga tips ko." he said with a smirk. I rolled my eyes then listen as if it's so important. "May tatlo akong tips.." he hissed "Una, kung hindi pa kayo close sa isa't isa. Makipagclose ka para mafall sya sa'yo!"

Tinaas ko ang kilay ko, may patips tips pa sya pero hanggang ngayon hindi pa rin sya napapansin ng crush nya raw na nag ppageants

"Pangalawa!" he said as we try our best to listen to his tips na hindi kami sigurado kung proven and tested. "You should be close to his friends for informations!"

ONE IS ENOUGH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon