22

11 3 1
                                    

"Minahal"

According to Attorney Oronce. Lowi, Baret and Wackie will be in jail because of Jaired's testimonies. Nasa ospital ako ng isang linggo dahil sa pananakit ng katawan ko. medyo naging alanganin kasi anc balakang ko lalo na nung sipain ito.

Hanggang ngayon ay pinag hahanap pa rin si Sabrina. Sya ang nag pa balik sa mga ito para mag higanti ulit sa akin. Nalaman naman nila na umalis ito sa bahay nila at hindi ma contact ng mga magulang nya.

"Are you sure na kaya mo na, Caris?" tanong ni Jaired habang naka sabay sa aking paglalakad

"Oo naman! Hindi naman ako mag s-stunts pag pumasok ako eh kaya maayos na ako." pagbibiro ko rito pero parang hindi sya natutuwa "Hindi na ako aalis ng mag isa, Jaired."

"Make sure of that. If hindi ka masasamahan ng mga kaibigan mo then call me! I'm always free!" he suggested

"At paano ka naman nakakasigurong free ka palagi? Busy ka rin 'no!"

"Kaya ko namang hindi maging abala, Caris. If it's your safety that we've talking about then it's a different issue. Ang gusto ko, ligtas ka. Hangga't hindi pa nakikita si Sabrina."

"Alam ko naman yun. Pero kasi importante rin yang pag aaral mo. I'm telling you."

"Okay then, but you can't stop me from being so over protective. Caris,  hindi ko na hahayaan pang makalimutan mo ako ulit. Masakit yun para sa akin at alam kong mahirap sa sitwasyon mo."

He explained it again. Alam ko naman kung ano talaga ang gusto nyang mangyari. Ang maging ligtas ako hangga't maaari. Sinalo nito ang bakal na dapat tatama sa akin. Mabuti at hindi iyon naging malala.

Sa lumipas na dalawang linggo ay nakakahanap na ang mga awtoridad ng lead para mahanap si Sabrina. Her parents tell them all of the place, mga lugar kung saan nila pwedeng ipakita ito.

Ayon sa kanila, masakit mang isipin gusto na nilang mag sisi ang anak nila sa ginawa nito. Sabi nila, gusto raw talaga nyang sya lagi ang nasusunod. Madami na syang na aabala dahil sa mga bagay na gusto nya at ang pinaka malala ang nangyari ngayon.

Lowi, Baret and Wackie told the team that she commanded to hurt me. Na siguraduhing hindi na ako magiging maayos. I got so scared because of that, pero hindi dapat ako matakot pag nandyan si God.

I will pray and pray and pray. That's my only weapon for the bad things that will happen.

"Busangot much?" pang aasar ni Liam sa dalawa kong kasama na parang walang ganang kumakain.

Inirapan lang sya ni Larissa at uminom ng tubig. Natawa ako dalawa parang napagsakluban sila ng langit at lupa sa pagkaka busangot nila.

"Eto talagang gurang na 'to," pag sasaway nito

"Kapal ng muka mo, Caris." anito sa akin at kumain nalang ng binili nito

"We're here, my dear friends-"

"Cr lang ako." pag puputil ni Krishna sa kakapasok lang na Lorde at tumayo.

Sumunod na pumasok si Jeremy at sabay nun ang pag tayo ni Larissa. "Sama ako." sumunod ito

Kumunot ang noo ko sa kinikilos nila. I shrugged then continue eating my food. Tatabi sana sa akin si Jeremy ng unahan sya ni Jaired na naka order na ng pagkain at masama itong tinignan.

Padarag syang naupo sa tabi ko at masama pa rin ang tingin dito. Natawa si Lorde na tumabi kay Liam at si Jeremy naman ay natatawamg umorder.

"Loko talaga yun. Gusto atang mauna sa hukay." ani Lorde

"Hindi sya papalampasin ni Jaired, tol." si Liam naman na nakisama sa pang aasar.

I seated beside Jaired in the field while drinking a yakult. He chuckled so I glared at him. Napatahimik sya at kinagat ang pang ibabang labi para pigilan ang pag tawa.

Nag indian seat ako at nilagay sa plastic ang yakult na ubos na at uminom ng tubig.

"Caris, I have something to tell you." anito kaya nilingon ko sya

"Ano?" tanong ko rito

"Naalala mo ba nung.. nung.." nag dadalawang isip pa ito.

"Nung? Alin?"

"Nung b-binato ko yung mga sulat mo..." anito saka nag iwas ng tingin

"Oh? Anong meron dun? Mag sosorry ka nanaman? Sus! Diba nga ni keep mo? Diba nag sisi kana? Edi okay na sa akin yun!" sabi ko para pagaanin ang environment

"Ahm kasi ano.. May aaminin ako tingkol sa.. Dahilan ko kung bakit ko nagawa yun.." tinignan nya ako at nakita ko ang pamumula nya "Dapat mo rin kasing malaman... Tutal... Alam mo ng mahal kita,"

Lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa salitang iyon. Paulit ulit ko na itong narinig pero iba pa rin ang epekto sa akin.

"A-Anong meron?" tanong ko

Pareho na ata kaming namumula ngayon sa kaba at paro paro sa kanya kanyang tiyan habang nakatingin sa isa't isa. Umiwas ako ng tingin dahil sa hiya.

"N-Na.. Nakita ko kasi.." malakas itong bumuga sa hangin "NakitakosiJeremynaniyayakapka!"

Walang hinga hinga nitong sabi at tumingin sa ibang paligid para iwasan ang reaksyon ko.

Dahil sa narinig ko, unti unti akong natawa at nawala ang pamumula ko dahil sa sinabi nito.

"Wa.. Why are you.. Why arw you laughing at me?!"

"So? Binato mo yung sulat ko dahil doon?" tumigil muna ako sa pag tawa

"Eh.. Uhm.. Nag selos ako e! Hindi ko rin naman gusto yung ginawa ko! Alam kong mali yon! Pero... Bakit ka kasi nya niyayakap!" parang galit na galit sya habang sinasabi iyon

Natawa ulit ako at humawak sa braso nya. Tumingin ako sa kanya na napalunok at pinipilit na maging seryoso ang muka.

"Ganon ka pala mag selos? Hay nako!" pang aasar ko rito

"Hay nako! Caris! Ano bang nakakatawa sa pagseselos ko?! Ano ba yan! Bahala ka na nga!" pinag krus nito ang braso nya at tumalikod sa akin

Huminga muna ako dahil natatawa sa sinabi nito. Hindi naman ako niyakap ni Jeremy ah? Tsaka gusto nya na pala ako noon palang? Bakit naman ganun sya mag selos? Hindin talaga nakakapag isip ng maayos pag nagagalit.. tsk.

"Gusto mo na ako noon pa pala, Laverde?" sinilip ko sya na nakatalikod

Napalunok sya at pinipilit na umiwas ng tingin "N.. Noon pa. Nung bata palang tayo."

"Talaga? Paano mo nasabi na gusto mo na ako? Baka nang tritrip ka lang?" tanong ko pa

"Gusto kita. Sigurado ako, noong hinawakan mo yung kamay ko.." lumunok sya "Nasa simbahan tayo nun. Grade 2 tayo. Sinikreto ko muna kasi tinatawag mo kong Kuya tuwang tuwa ka pa nun. Ayoko namang sirain ang kasiyahan mo."

Tinaasan ko sya ng kilay "And? Mahal mo na ako agad after ng ilang taon?"

"Minahal kita nung naging crush mo ako nung highschool. Pero tinago ko ulit kasi.. Hindi mo naman ako kilala tsaka ayaw kong mapressure ka. Mas minahal kita ngayon kasi maliban sa nasa tamang edad na tayo.. Ikaw na talaga yung gusto ko noon palang.." napa awang ang labi ko kaya nilingon nya ako "Kahit hindi mo man ako mahalin hanggang dulo, mas pipiliin ko ng maging kaibigan mo. Basta hindi mo ko masisisi kung mahal pa rin kita kahit ikasal ka pa sa iba."

Teka?! Kanina natatawa ako ah! Bakit tulala ako ngayon at parang sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Parang mababaliw ako sa pinag sasasabi nya!

"What a happy couple." napatayo kami sa biglang nag salita. "Hi Jaired, iba ka talaga manloko." parang baliw na sabi ni Sabrina

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Jaired at inilagay ang kamay sa harap ko para harangan ako. Humakbang ito sa amin kaya pinatigil sya ni Jaired "Wag kang lalapit."

"Now what?! Ganyan ka? Jaired minahal kita! Pero bakit sya pa rin ang pinili mo?! Paasa ka! Manloloko!"

ONE IS ENOUGH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon