"Fake news""Wait! Sandali! Huhu," tumakbo ako at hinabol si Jaired papuntang library. Kalmado syang naglalakad habang ako ay tumatakbo, ang tangkad nya kasi kaya ang lalaki ng hakbang nya.
Sa sobrang paghahabol ko ay sumubsob ako sa braso nya at napahawak dito. Nag angat ako ng tingin at nakitang pagtaas ng kilay nya habang tinitignan ang kamay kong nakahawak sa kanya. Tinanggal ko iyon at tumayo ng maayos.
I smiled awkwardly at him "Sorry.." I said, he put his right index finger to his mouth and signed 'hush' to me. "Sorry ulit.." I whispered.
Binuksan nya ang library at sumunod naman ako na parang bata. Sumunod pa ako nung kumuha sya ng libro kaya tignan nya ako at tinaasan muli ng kilay.
Nanlaki ang mata ko kaya nag panggap akong tumitingin sa libro. Ano nga ulit yung sasabihin ko sa kanya? Ahh! Yung payong! Kaya ko pala hawak ngayon- nasaan yung payong na hawak ko?!
Ewan ko pero mabilis akong lumabas at tamang hinala na nabitawan ko ang payong kaninang naumpog ako sa braso nya. Nakita ko ito na nasipa ng isang istudyante, tinignan ko ito at mukang sinadya nya!
Bumuntong hininga ako at hinabol yun pero mukang natulak pa ito ng isang kakababa lang na bag kaya gumulong ito sa hagdan. Hinabol ko ito dahil baka masira!
Nangpababa ako ay nauntog pa ako sa pa akyat na tao. Tinignan nya lang ako ng masama "Sorry! Sorry! May hinahabol lang, bye!" hinabol ko na ang payong dahil hindi naman ganon kalakas ang untog ko kaya hindi nya na ako pinansin.
Hingal na hingal akong tumahak pa puntang library pero ng bubuksan ko na ay may humila sa akin "Andyan kalang pala! Tara na may klase pa tayo!!" nabigla ako kay Krishna at tumakbo kami papuntang classroom
"Mukang uulan pa ata ah.." maikling bulong ni Mama habang pasimple akong lumilingon kay Jaired na katabi ni Tita sa gilid ko. Nagyaya kasi silang mag lunch muna sa malapit na fast food chain kaya katabi ko sila.
Patapos na kami ng bigla namang kumulimlim ang langit "Jusko, wala pa tayong dalang payong!" ani Mama na namomoblema
"May payong kami, Layla. Dalawa ito, gamitin nyo na yung isa." abot ni Tita sa akin. "Sabay naman tayong uuwi kaya pwede nyo nalang itong ibalik mamaya."
Pero umulan pa hanggang gabi, sinabi nila Mama at Tita na bukas ko nalang iabot ko kay Jaired kahit meron naman kaming payong sa bahay. Syempre pabor sa akin yun kaso parang hindi ko maiaabot. Caris kasi ang tanga tanga!
"Saan ba tayo pupunta, Caris? Sa Section One-"
"Oo! May iaabot ako kay Jaired!" sabi ko
"Iaabot?! Nanliligaw ka, Caris? Diba dapat lalaki ang-" hindi ko nanaman sya pinatapos sa pagsasalita
"Payong. Pinahiram kami ng Mama nya ng payong kaya ibabalik ko ngayon." nanlaki ang mata nya sa narinig
"Talaga?! Close agad kayo?! Meet the parents agad?! Jusko baka maging batang ina ka!" kumunot ang noo ko rito at binatukan sya
"Tangeks! Mama ko at Mama nya ang close! Hindi kami, 'ni hindi nga ako binibigyan ng emosyon ng pagiging enteresado eh! Yang utak mo talaga!" sabi ko
"Eh paano ka nya bibigyan ng interes eh sinapak mo sya sa tiyan!"
"Aksidente lang yun!"
"Kahit na, kaya ganun sya sayo kasi maligalig ka. Siguro ayaw nya sa mga ganoon kaya ayaw nya sayo-"
"Excuse me." pareho kaming napatingin sa gilid namin. Si Jaired kasama ang isa nyang kaibigan na may dinadaldal sa kanya last week.
Saglit kaming nag katinginan ni Krishna, padaan na sana sya sa gilid ko. Pinigilan ko sya, nasa harap nya ako at nakaharang sa kanya.
Kinunutan nya ako ng noo at dinilaan ang pang ibabang labi nya. Napalunok ako dahil ang gwapo nun! Kulang nalang ay malusaw ako dito dahil sa simpleng ginawa nya.
"What?"
Maagap kong inabot ang payong dito at ngumiti "Salamat daw sabi ni Mama." sabi ko rito.
Tumango sya at dahan dahang lumakad kaya sumunod ako "Anak ka pala ni Tita Racky? Red pala ang palayaw mo? Nakwento sakin ni Mama,"
He sighed then get the umbrella from me, without saying anything. "Edi mag kalapit ang bahay natin, magkakakita tayo ng madalas-"
He left me in where I was. Standing while my hands are in front of me, looking like a dumb girl. Lumunok ako at tumingin sa paligid ng makitang ang daming nakatingin sa akin.
Lumapit sa amin si Larissa at dinaluhan ako "Okay kalang ba, Caris? Anong sinabi sayo ni Laverde?" pag aalala nya.
"I-Inabot ko lang yung-" parang nakaramdam ako ng kahihiyan sa ginawa ko at sa nangyari dahil bigla nya akong iniwan doon na parang walang saysay o walang kwenta ang mga ginagawa ko
"May gusto sya kay Jaired?"
"Siguro, mukang hindi naman kakasa yun doon."
"Oo nga eh parang ang trying hard nya naman, may pa abot abot pa ng kung ano yun. Nakakahiya sya."
"Tama, mukang tanga sya dyan bhe."
Naramdaman kong hinila na ako ni Krishna at Larissa palayo. Nakakahiya naman kasi talagang iwan ka ng kinakausap mo at sa harap pa ng maraming tao.
"Sikat kasi iyong si Jaired sa larangan ng Math, Quiz bee at international kemekeme. Marami ring nagkakagusto sa kanya, pero nirereject nya talaga at pinagsusungitan.
"Caris, totoo bang nililigawan mo si Jaired?! Nakakahiya ka! Landi pa!" napatingin kami sa grupo ng lalaki na dumaan sa upuan namin
"B*bo, sinabi nya ba ha?! Kalalaki mong tao nagpapaniwala ka sa chismis, bayad muna utang, wag puro papogi, dugyot!" galit na sagot ni Liam kaya pinigilan sya ng kapatid nya
"Kuya.." bulong nito
"Ano?! At least hindi repeater! Haha! " nagtawanan pa ang grupo ng mga lalaki, susugod sana si Jeremy pero pinigilan na sya ni Krishna at Larissa
Niligpit ko na ang mga gamit ko "Tara na." yaya ko sa mga ito. Pabalang na sinuot ni Jer at Liam ang bag dahil mukang na badtrip, nakahawak pa rin si Larissa sa braso ng kuya nya at pinipigilan ni Krishna si Jer.
Katabi ko si Lorde na nagbukas ng pinto para sa amin. "Bwisit! Payong lang inabot mo tapos issue na?! Tinawag ka pang malandi?! Pwede bang alamin muna nila yung naniniwala sila sa ganyang usap usapan! Ang layo ng kumalat sa talagang nangyari!" ani Lorde
"I think someone really spread the fake news. Hindi iyon basta basta malalaman ng iba if hindi talaga intensyong ikalat." si Larissa
"And that someone might did it para siraan si Caris. Ewan ko ba kung bakit sila galit dito simula nung first year!" sambit ni Krishna
"Ano raw ba yung fake news?" malamig na tanong ni Jeremy
"Nasa hallway ng Section One kanina si Caris, may inabot kay Laverde at tinanggap naman ni Laverde but he walks away kasi raw ayaw nya kay Caris, pero pinipilit ni Caris yung sarili nya-"
"What?! Nag abot lang ng payong ang dami na nilang hanash! Gawa gawa kwento! Mga walang kwenta." galit na sabi ni Krishna.
Sa pag ka gulo ng nangyayari ay lumingon ako at nakita si Jaired sa malayo na nakatingin sakin pero umalis din agad. Hindi ko naman alam na pag ginawa ko yun ay magagawan ng kwento, bakit naman nila ginawan ang kwento ang isang simpleng bagay?
Hindi ba nila alam ang fake news sa hindi? Wala naman sila sa mismong insidente pero bakit sila gumagawa o nag papaniwala sa kwento? Nakakalungkot namang isipin ang mindset ng iba ngayon.
BINABASA MO ANG
ONE IS ENOUGH (COMPLETED)
Teen FictionRechazo Series #1 A girl named Caris Leigh is admiring Jaired Laverde, a one-woman-man and a self isolated one. He is smart and humble but quite sarcastic. Caris can't even tell his mood if he is okay or not because he shows no emotions at all. Why...