"Choir""Caris, ano ba 'yan! Nasa dugo mo na talaga ang pagiging tanga?" ani Larissa napapikit ako ng mariin dahil kinuwento na sa kanya ng kapatid nya ang nangyare.
"Nakakainis kasi 'tong si Jeremy! Pahila hila pa kasi," inirapan ko si Jer
"Anong ako? Tinanggal mo yung kamay mo ng malakas kaya nasapak mo si Jaired. Kasalanan ko bang maligalig ka talaga?" aniya, bumuntong hininga ako at pumalumbaba.
Bawas points na ito! Gusto ko lang sanang makipag close kahit hindi nya pa alam na may crush ako sa kanya pero kasi naman! Ang likot ko nun.
"Oh sya mag sorry ka ulit. Masakit masapak! At sa tiyan pa nya ha?" si Krishna
Naisip ko nalang na gumawa ng letter at ipa-abot kay Larissa pero sabi nila na wag na at ilagay sa locker nito. Syempre hindi isa sa aming babae ang nag lagay kaya si Lorde na naka mask ang nag lusot. Nakasilip kami rito mula sa dulo, pagkatapos ilusot ni Lorde ay nagmadali syang lumapit sa amin.
Dear Jaired,
Hi, sa'yo! Kung nababasa mo itong sulat ko sana wag kang ma creep out. Gusto ko lang mag sorry kasi nasapak kita kanina, kilala mo naman na ako, no? Sorry talaga ha? Magiingat na ako sa susunod. Sorry ulit peace tayo ha?
Humihingi ng tawad,
Caris Leigh"Mission clear?" tanong ni Jeremy sa phone nya, nasa bandang hagdan si Liam kung saan daanan palocker room.
"Clear, walang tao rito." sagot nito
Ni-dial nya naman si Krishna na kunwaring nakaupo at nagbabasa sa hallway naman sa kabilang side at nag aabang ng tao. "Dyan ba, clear?" tanong nito
"Wala." seryosong ani Krishna, tatlo kasi ang daanan pa punta sa locker area at maayos naming napagplanuhang bantayan para hindi kami makita sa gagawin naming pag puslit.
Lunch break ngayon at sumaglit lang kami. Pinatay nya ang tawag at nakitang nag text si Larissa na nagmamasid naman sa canteen kung aakyat si Jaired dahil kaklase nya ito.
Larissa:
Bumaba na kayo rito, mag b-bell na!!!!!!!Nag kanya kanya kaming alis para hindi mahalatang may pinuntahan kami at may plano kami. Baka pag kamalan kaming nagnakaw eh hindi naman kami ganoon.
Nang makalapit na kami, napagplanuhan naming mag hiwahiwalay at hindi mag sabay na dumating para iwas chismis. Mahirap na.
Kasama ko si Jer at kunwari nag uusap kami ng kung ano ano ng magulat kami kay Ms. Quevas. "Ms. Tolentino and Mr. Yohan, where have you been? Alam nyo bang bawal umalis alis pag lunch break!" she shouted, enough to catch some pupils' attention
Nakita kong natatawa si Krishna, Lorde at Liam na maupo sa table namin at kami ngayon ni Jeremy ay nahihiya na. Huminga ako bago sumagot ng idadahilan "I'm sorry, Ms. Pero may mga nicheck po kami sa classroom-"
"Inutusan ko po sila." nagulat kami ng sumagot si Mr. Reyes na adviser namin! "I'm sorry po pero nakita ko silang hindi naman kumakain kaya inutusan ko saglit."
Tumango naman si Ms. Quevas na parang gusto pa kaming ipahiya. "Hindi rin po dapat sinisigawan ang mga istudyante sa harap ng buong grade 8 dahil pwede namang kausapin ng mahina lang." sabi pa nito
"Pasensya na, Mr. Reyes. Gusto ko lang malaman nila ang patakaran tuwing recess at lunch."
"Iyon din po ang nais ko ngunit mas maganda kung ipapaalam ito sa kanila ng mahinay lamang." tumingin si Mr. Reyes sa amin "Caris, Jeremy. Maari na kayong maupo." anito kaya sumunod kami
Lumingon pa ako sa direksyon ni Jaired at nakitang tahimik na nag babasa, may kasama syang isang lalaki na may dinadaldal sa kanya. Shucks ang gwapo nya talaga!
Nang uwian na ay nakasalubong namin si Mr. Reyes na sinenyasan kami ni Jer na lumapit. Nagkatingin naman muna kaming dalawa bago lumapit, marahan akong nagtago sa likod ni Jer dahil sa takot na mapagalitan.
"Caris Tolentino, Jeremy Yohan. Pinagtanggol ko kayo sa iskandalosang si Ms. Quevas. Sana matuto kayong dalawa na huwag gumala gala sa recess at lunch break. Mahigpit na pinagbabawal iyon ng school." panimula nito
"Bakit po, Sir? Lunch break naman po eh-" hindi na natapos ni Jer
"Nakatatak na sa buong school ang aksidenteng nangyari sa oras ng lunch, apat na taon ang nakalipas. Naging responsibilidad ito ng school at alam ko namang maski kayo ay nabalitaan iyon. Lalo kana, Caris." tingin nito sa akin
Napalunok ako at napapikit, pinipilit na inaalala ang nangyari.. Masyado pang magulo sa akin dahil sabi nila ay naaksidente ako noon, hindi ko masyadong maalala dahil malaki rin daw ang epekto sa memorya ko ang nangyari.
"Leigh! Ang tagal! Mahuhuli tayo sa misa, anak!" sigaw ni Mama
Habang ako ako nag tatali ng buhok ko, "Pababa na po, saglit lang mga 10 seconds!" sigaw ko mula rito sa kwarto. Nakasanayan na namin ni Mama'ng magsimba mula bata pa ako.
Nag side car lang kami papunta, naka puting below the knee dress na pinatungan ko ng black denim jacket. Naka tali lang ang buhok ko sa bandang taas kaya may nakalugay sa babang bahagi.
"Layla!" napatingin kaming pareho ni Mama sa medyo pasigaw pero mahina lang naman ng isang babaeng nasa 30's ang edad.
"Uy, Racky!" sabi ni Mama ng makalapit iyong kaibigan nya. Sya pala si Tita Racky.
"Hello, Cali! Hello.. Caris!" nagulantang ako ng niyakap nya ako ng mahigpit. Ngumiti ako at tumango ng humiwalay sya.
"Mano po, Tita Racky." sabi ko at nag mano
"Omg! Kilala mo ako? Yehey!" pumalakpak pa sya ng mahina. Nakita kong natawa si Mama at tumabi sa amin. "Oh sya, let's go! Doon tayo sa bandang choir area. Nandun kasi ang anak ko."
"Kumakanta pa rin si Red?" tanong ni Mama habang naglalakad kami papuntang choir area. May upuan kasi sa harap ng choir kung saan pwede maupo ang ibang mga dumalo.
"Oo nga eh, gusto ko sanang itry nya rin ang pag sa-sakristan pero ayaw nya raw ng atensyon at mahahabng damit. Mas maayos na raw ang pagkanta nya." usal ni Tita
"Magaling talagang kumanta iyon, si Caris din ay marunong ngunit hindi masyadong malinis-"
"Ma! Hindi naman pagkanta ang forte ko." sabi ko rito ng makaupo kami
Natawa sila ni Tita sa pagbusangot ko at alam nya naman na mas magaling ako sa mga drawing drawing. Gusto kong maging designer someday. Mahihilig ako sa dress, gown at suits. Sa katunayan ay talagang puno ang notebook ko ng drawings.
Nagsimula ang miss hanggang sa sumabay ang pag kanta ng choir, syempre na curious ako sa Red na sinasabi nila kaya tumingin ako sa choir at nagulat ng makita si Jaired!
Nasaktuhan ko pa ang pag solo nya kaya nanlaki ang mata ko at umawang ang labi. Umiwas muna ako ng tingin ng kalabitin ni Mama. "Nakita mo si Red?" tanong nito
"H-Hindi po eh, schoolmate ko lang. Kumakanta rin." sabi ko
"Talaga? Sino doon?" tanong ni Mama at lumingon sya sa choir, sumilip ako at nagtama ang tingin namin ni Jaired. Nanlaki ulit ang mata ko at tumingin sa altar.
"Y-Yung nasa bandang gitna p-po.. Yung maka maong at T-shirt na puti-"
"Iyon si Red eh! Ang anak ng Tita Racky mo. Si Jaired Laverde." nagulat ako sa sinabi ni Mama, ibig sabihin ay kapit bahay namin si Jaired my loves? Na sya yung inaanak ni Mama na galing pang bayan?
Hindi ko inaasahan itong nalaman ko ngayon. Hay nako, nahuhulog na ako sa lalaki ito ah? Matalino, talented kahit masungit ay nakaka gwapo para sa akin. Mukang mas mapapadali ang pag papansin ko rito ah. Humanda ka Jaired alyas Red. Hmm.
BINABASA MO ANG
ONE IS ENOUGH (COMPLETED)
Teen FictionRechazo Series #1 A girl named Caris Leigh is admiring Jaired Laverde, a one-woman-man and a self isolated one. He is smart and humble but quite sarcastic. Caris can't even tell his mood if he is okay or not because he shows no emotions at all. Why...