05

16 2 0
                                    


"Handkerchief"


"Nagtatampo ako! May pa meeting meeting pa kayo kahapon about something kemerut. Hays, sana wala nalang section one na puro matatalino! Gusto ko rin kayong maging kaklase huhu.." Larissa exclaimed.

Natatawa naman ang kuya nya na si Liam habang nakikinig lang kami ni Krishna sa mga rants nito. "At ano yung nabalitaan ko, Caris? Sinampal ka raw nung transfer na si Sabrina?"

Nanlaki ang mata ko kaya napunta na rin sa amin ang atensyon ng nagbabasketball na sina Jeremy at Lorde.

"My gosh! That Sabrina is getting into my nerves! Alam nyo bang binayaran nya si Ms. Quevas to put her in Section One?! Just because she wants to be the center of all attentions! She can't even recite the whole multiplication table!" she said

"B*bo?" Krishna asked

"I can't say, because it's bad to judge but maybe?!" bumalik ang tingin nya sa kin "Tell me if she did that again, ha?"

"Sinampal ka, Caris?!" Jeremy said, nasa tabi ko na pala

"Believe it?! Sinampal sya kahit hindi naman sila magkakilala at wala syang matinong dahilan para gawin yun kay Caris!" si Larissa

"Bakit nagpasampal ka?" tanong ni Krishna sa akin

"Bakit hindi ka gumanti? Diba nung binato kita ng notebook, sinapak mo ko sa panga?" si Lorde

"Tara resbakan natin! Saan ba bahay nun. Abangan natin sa kanto." si Liam naman

Umirap ako "Hindi ako nakaganti. First of all, maraming nakatingin at hindi ako ganung tao nabigla nalang makikipag away. Second, nagulat ako kaya hindi ako nakapag react kundi ang umiyak nalang! Third, I don't know her. Malay ko bang anak sya ng leader ng turista? Edi tapos buhay ko. Syempre nagiingat lang din ako, okay ng masampal kaysa mamatay ng maaga. Ang dami ko pang pangarap! Mag papakasal pa kami ni-"

"Jaired?" sabay sabay nilang tanong na nag patawa sa akin. Nakakatawa kayo, btw invited kayo sa kasal kasi alam nyo agad.

"Oo! He even saved me by stopping that Sab- I don't know! Binigay nya sa akin yung panyo nya! Gusto ko na tuloy mag Monday! Huhu.." I said

"Ang bilis naman mag shift ng mood mo!" si Liam

"At bakit hindi pa ngayon? Diba mag kalapit lang kayo ng bahay?" tanong ni Krishna

"Oo nga, pero kung sa school. May chance pa akong makipag kaibigan dun sa lalaking lagi nyang kasama!" I said, I see Lorde with a smile.

"Eyy! Isa yan sa tips ko 'no?" he asked then I nodded. He raised his hand for an high five so I did too.

"Sinong kasama? Si Oliver ba?" tanong ni Larissa.

"Oliver? Omg! Salamat sa info," I clapped like a kid "Wag kang mang aagaw ha? Pili ka ng iba." I joked at her

"Oh come on. Alam naman nating hindi ko type ang super talino, tahimik at supladong katulad nya! Mas bet ko yung more out going, approachable and sakto lang ang talino! May sense of humor." she said as I laugh.

"Sense of humor, huh? Dadaan muna sa akin yan!" her brother said

"The hell, kuya? Ang feeling mo! Kelan ka pa nag care sa akin? You plastic! Epal ka simula nung pinanganak pa tayo so don't you ever try to step on my suitors dahil wais ako sa mga lalaki!" Larissa fire back.

Natawa nalang kami sa kanilang dalawa dahil makulit din talaga to pag magkasama. Pag katapos namin dito sa court ay nagsi uwian na kami. Nagsimba ulit kami ni Mama pero hindi ko nakita sila Jaired. May pasok daw kasi ang Papa nya kaya sa gabi nalang sila nag simba. Wala naman akong magagawa haha.. 

Ewan ko ba pero inamoy ko muna ang panyo ni Jaired bago ko labhan. Mabango kasi ito, medyo matapang na sakto lang sa pang amoy.

Yung pabangong sakto mismo sa aura nya? Tahimik pero suplado. Matalino, parang ang hirap kausap kasi titignan nya kung may mali ba sa grammar mo kahit tagalog pa yan. Bigla tuloy akong kinabahan kasi baka ma turn off sya pero natawa rin ako kasi para akong tanga.

"Class dismissed. Make sure na babalik kayo on time bago makarating ang P.E teacher nyo." sabi ng adviser namin.

Natuwa naman ako dahil eto na ang chance kong dumamoves.. Charot! Hindi alintana ang mga tawag sa aking pangalan ng hablutin ako ni Larissa.

I smiled at her "Bespren!" I said, her lips parted at me for awhile before giving me a 'what the hell?' look.

Sandali bago sya natauhan at hinila ako kasama si Krishna at naglakad kami pababa ng canteen. "Naiinis ako sa crush mo, Caris! Masyadong feeling! Porket tama yung sagot, mag tatanong ng kung ano ano na hindi namin na search! Bida bida sya!" galit nanaman sya

I laughed "Nako nako, gusto mong kausapin ko?" I said basically telling a joke

"Kung makikinig sayo? Sino ka ba sa kanya?" I glared at Krishna she smirked then shrugged.

"Ay grabe! Syempre joke joke lang! Mapanakit to! Hmp," I looked at Larissa "Bida bida ba? Ganito, maghanda ka rin ng questions para makalaban. Tsaka mas aralin mo yung topic para sya yung matameme ganoon!"

"Crush mo ba talaga, Caris? Mukang-" hindi ko na pinatapos si Krishna

"Kahit crush ko yun, ayaw ko pa rin sa bida bida kaya nag bibigay ako ng tips kahit papaano." I said with a smile

"Kakalapit mo yan kay Lorde! May pa tips tips kana rin!" Larissa laughed.

We laughed too because Lorde pass by any we saw his confused face with Jeremy and Liam with him and like discussing something.

"Larissa. I'm sorry about earlier." nagulantang kaming tatlo sa nag salita sa likod namin, he cleared his throat "I'm apologizing because I know you got pissed by my follow up questions. I'm sorry, I just didn't understand the other topic so I asked.."

Nag taas ng kilay si Lari sa gulat bago natawa "Naku! Ayos lang at least nag sorry ka. Basta wag kang maging ganoon, if you want to ask questions at alam mong hindi namin kayang sagutin. GMT! Google Mo Te! Hahaha.." aniya

I licked my lips before looking at Larissa, she's holding at my arms like she wants me to trust the process. Jaired nodded slowly before giving me a quick glance.

"Tara na, Red!" pag sating nung kaibigan nyang si Oliver. Nanlaki ang mata nya ng nakita ako at nag ayos ng salamin nya. "H-hi C-Caris.."

I smiled and about to great him, bakit nya ako kilala eh hindi ko naman sya kilala? But before I could say a sentence, Jaired pulled him away. I heard Oliver's quiet rants to him.

"Tara na sa baba!" Krishna said

I stopped "Ibabalik ko lang 'to. Susunod ako.."

"Caris, wag ka magalit sakin ah? Hindi ko bet yun pramis-" nagulat pa ako sa thoughts ni Larissa

"Okay lang! Hindi naman ako selosa!" I laughed for the assurance that I'm not like that. She smiled at me.

"Sige sabi mo ah? Good luck sayo! Hihintayin ka namin." sabi nya, I giggled before slowly following the two boys.

They are busy talking inside the library when I get there. May calculator pang dala at bond paper. Kinuha ko ang panyo mula sa bulsa ko at dahan dahang lumapit.

Oliver saw me so signed "Shh" to him, he nodded before hiding his smile. Nang makalapit ako ay nilapag ko ang panyo sa tabi ng kamay nya, nakitang may nakabukas pa palang notebook sa tabi nya.

Nag angat sya ng tingin sa akin, smoothly closed the notebook. Hindi ko manlang nabasa yung nakasulat dun! Ano yun?! FLAMES? Pirma nya? Hmm..

"What are you doing here?" he said coldly that brings butterflies in my stomach! Susmaryosep! Aatakihin ako sa puso nito eh!

ONE IS ENOUGH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon