13

13 3 0
                                    


"Naive"

I cried for the past years. Aaminin ko, ang hirap mag move on. Na realize ko na talagang ayaw nya akong makita o makausap. Maybe I'm just meant to adore him from afar. Appreciate him silently and love him secretly.

"Caris! Anong hairstyle mo sa graduation? Uuwi ba ang papa mo?" tanong ni Krishna

Grade 12 na kami. Mag kokolehiyo na sa susunod na taon, ipagpapatuloy ko na ang career ko sa sketching. Siguro pag nakatungtong ako sa kolehiyo ay makakalimutan ko na sya.

"Huy.. tahimik mo ata ah!" sabi ni Liam, kinabukasan pagkatapos akong sabihan ni Jaired na desperada. Hindi ko sya pinansin kaya napawi ang ngiti nya "Gagski okay kalang? Namumutla ka ah! Nag puyat ka na naman?!"

Umiling ako pero mukang hindi sya kumbinsido. Siguro, oo. Napuyat dahil kakaiyak, sensitive kasi ako lalo na nung si Jaired na nag sabi ng masakit na salita.

"Anak? Kumusta ang pakiramdam mo? Nagpupuyat ka nanaman dahil sa pag aaral mo, alam mo.. wag kang mataranta. Baka mas mauna ka pa sakin.." nag aalalang sabi ni Mama

Kung tatantyahin ko'y alas dose na ko ng gabi nakakatulog. Sa pagod sa pag iyak, natutuhan ko namang tumigil ng nag step up ako sa senior high.

Hanggang tinggin nalang muna ako at sa kasakitang palad, nakikita ko syang masaya kay Sabrina. Wala naman akong karapatan mag selos dahil walang sya at ako.

"Wow, glow up yarn?" pabida ni Jeremy ng pagupit ko ng kaunti ang aking hanggang bewang na buhok na hanggang ilalim nalang ng dibdib ko ang haba.

"Bagay!!" pagpuri ni Larissa, she step closer and took something in her pocket. Sinuklay nya ng bahagya ang buhok ko at marahang nag lagay ng hair clip. "So much better."

"Omg, Caris!" oa na sulpot ni Lorde "Alam ko namang gwapo ako kaya hindi mo ako madadaan sa ganyan! Loyal ako kay-"

"Mag tigil ka nga! Assumerong palaka!" binatukan sya ni Krishna

"Eto naman, selos agad!" pagbibiro nito

"Mandiri ka nga!" anito na namula pa ang pisngi kaya nagtawanan kami.

Lumingon ako sa paligid at nahagip si Oliver na nakatingin, saka lang natauhan ng makitang nakatingin pala ako sa kanya. Napapikit pikit ito at nahihiyang ngumiti kaya nginitian ko rin sya.

"Caris! Pakopya sa calculus!" pagpupumilit ni Liam

"Akala ko ba mag eengineering ka? Bakit ka mangongopya sakin? Syempre mas hindi ko alam!" sabi ko rito na mukang maiiyak na.

Hindi naka tagal ay, napansin nila ang pag distansya't pagbabago ko sa paligid ni Jaired. Nung huli panga'y nasermonan ako ng paulit ulit.

Ngayon at eto ako may hawak na liham muli. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na sya tulad ng dating aking sinusulat. Huli na ito. Baka tuluyan na kaming magkahiwalay ng landas.

"Yung totoo? Literal na martyr o bulagbulagan? Alin don?" nakataas kilay na tanong ni Liam "Caris, alam mong maganda ka, matalino at may mabuting puso. H'wag mong sayangin ang lahat kasi hindi mo deserve masaktan ng paulit ulit.."

"He's right. Remember, pinanganak ka para ma-appreciate. Hindi pwede lagi lagi kang ginaganyan ng lalaki." si Lorde naman

"Kaya itigil mo na hangga't buo ka pa, hindi yung hihintayin mong masira ka. You should always left something for yourself, hindi yung puro sya." ani Jeremy

"Guys, calm down. Paulit ulit nyo ng sinasabi sa akin iyang mga salitang yan. Naiintindihan ko na. Huwag kayong mag alala, itong hawak ko?" I raised the letter "Huli na ito. Wala ng kasunod, mag ffocus na ako sa sarili ko. Period." buong tapang kong sabi

ONE IS ENOUGH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon