"Nag da-diet ka ba Zeda?" Taas kilay na tanong sa kaniya ni Kaimi habang kumakain kaming tatlo sa pinaka paborito naming restaurant.
Parang wala siyang nagririnig habang tinutusok niya ng tinidor ang gulay sa plato na parang pinaglalaruan niya lang ito. Kunti lang din ang inorder niyang pagkain at hindi pa kamahalan. Hindi tulad ng lage niyang ino-order na pagkain dito. Nakakapagtaka na masyado si Zeda. She's acting so weird for the past few days. She's not like that when it comes sa pagkain. Hindi siya kuripot at hindi niya ginigipit ang sarili pagdating sa pagkain.
"How's Mr. Callahan?"
Iniangat ko agad ang ulo ko kay Kaimi when she suddenly mentioned Diego's surname. "Ha?" Napatigil ako sa pagkain at umiwas agad ng tingin.
"Oh come on, don't act like an innocent child Cordelia. I already know everything. Alam ko na no" Pagmamalaki niyang sabi.
"Walang kami okay?"
Tumawa siya ng malakas at binigyan ako ng pang-aasar na tingin. "Ops! wala kaming sinasabing may kayo." She laughed again. "Why so defensive huh?"
They know how to piss me off! Nakakairita na talaga sila! Palagi nalang nila akong inaasar! Karma ko na ba to sa mga pinaggagawa ko at pang-aasar sa kanila dati? Pareho lang sila ni Diego, mga mapang asar!
"Hoy anong nangyari sayo? ba't kaba tulala? kanina ka pa tapos 'di mo pa nauubos food mo." Saway ni Kaimi sa kaniya.
Napapansin ko na rin na palagi siyang tulala at kanina habang nag shoshopping kami, one lipstick lang yung binili niya not like before na nakakailang boxes siya.
"May problema ka ba?" Pabulong kong tanong sa kaniya habang hinahagod ang likod niya.
"Sabihin mo lang samin, makikinig kami."
"Wala." She shortly answered before she excused herself to go to the restroom.
Agad ko siyang sinundan at seryosong kinausap sa loob ng restroom. Sumunod narin sa'kin si Kaimi sa loob. Puno ng pagtataka ang tumatakbo sa utak ko ngayon dahil sa inaasta niyang kakaiba. Hindi naman ganito kumilos si Zeda. Maingay nga siya at pala tawa.
"May problema ka ba Zeda? Sabihin mo lang sa amin at baka matulungan ka pa namin." Mahina kong sabi sa kaniya habang hinahagod ulit ang likod niya.
Biglang bumaba ang ulo niya at humahagolhol ng iyak. "Natanggal na kasi ako sa trabaho." Sagot niya sa'min.
Halatang may ibang rason pa kung bakit siya umiiyak ngayon. Hindi niya naman kailangang mag trabaho. Her family is wealthy lalo na at politician ang Papa niya.
"Doon ka nalang muna matulog sa bahay ko." Bilin sa kaniya ni Kaimi at lumapit sa'amin. "Pupunta din naman ako ng Siargao"
"Ikaw Cordelia, di kaba matutulog sa bahay ni Kaimi?"
Napatingin ako kay Zeda habang dumadalugdog sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Bigla bigla nalang akong kinakabahan kapag may ganito ng eksina.
"Ano e, kasi-"
"Oo na." Tinawanan ako ni Kaimi at tinapik ang braso ko habang tumatawa parin ito at may pailing-iling pang inaasar na naman ako. "Strict ba si Daddy?"
"Ano ba, he's not my jowa nga." I rolled my eyes at naglagay ng lipstick.
"Ano yan? matt lipstick? nako pang paakit yan ng boys" Pagak na tawa ni Zeda.
Natawa nalang ako when I saw her laughing. Wala ng mas ikakasaya kong makita ang mga kaibigan kong masaya rin.
Dali dali na akong umuwi sa Bahay ni Diego after namin kumain sa Restaurant. May curfew pa naman ako sa bwesit na lalakeng 'yun! Para akong siraulo habang nagmamadaling tumakbo sa papuntang kwarto ko bago mag alas 9. I went to my study table at nag live showing with my newly bought palette and make-up including my best lipsticks. Kasali na rin yung mga binili ni Diego sa'akin sa DIOR.
YOU ARE READING
Wild Billionaire's Obsession
RomanceCordelia Velasquez is a successful businesswoman, who is used by her own father to pay off his dept to a wealthy billionaire named Diego Callahan. Can she also avoid facing her fate when she was kidnapped by Diego's twin brother, Dylan Callahan? A c...