21

1K 13 1
                                    

“Careful love. Dahan-dahan lang.” Malumanay niyang sabi habang inaalalayan akong maglakad.

Nakatakip ang mga mata ko gamit ang isang telang pula na kinuha niya sa aparador namin habang binubulongan ako sa bawat paghakbang. Na sa likuran ko lang siya, nakahawak sa mga kamay ko. Rinig ko lang ang bawat yapak ng mga paa namin sa buhangin at tunog ng bawat paghampas ng alon sa dalampasigan.

“Malapit na ba?”

“Yup. Just one last single step.” aniya sabay mahinang tumawa at humakbang sa may mataas na parte.

Kinakabahan akong nakatayo lang, nagaantay kung kailan niya tatanggalin ang telang nakalagay sa mga mata ko. Bulungan at yapak na parang tumatakbo na ang naririnig ko sa paligid. Parang kinukutuban na ako. Parang iba na ang nararamdaman ko habang nakatayo.

Napalingon-lingon ako habang may takip parin ang mga mata. Pinapakinggan kung saan banda ang may malakas ang yapak ng paa. Takot na takot na akong pinapakinggan ang mga bulongan at ang mga yapak na hindi ko alam kung saan ito galing. Parang umikot ang mundo sa sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Parang may hangin na bumubulong sa ulo ko na parang may sumisigaw. Parang may mga taong hindi ko pamilyar ang bigla-biglang pumapasok saglit sa utak ko. They were flashing  to my mind. Giving me episodes that made me feel insane.

“Love?” Takot kong tawag kay Dylan habang nakatakip ang mga kamay sa tenga.

Hindi na ako makatiis sa sobrang nakakaiba na ng nararamdaman ko, kaya agad ko ng tinanggal ang tela at daling kinurap-kurap ang mga mata.

“Surpriseee!!!!”

Sigaw ng mga taong nakatayo sa harapan ko at may hawak na mga bulaklak. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Parang gusto kong umiyak sa kaba at tuwa?

Sobrang ganda ng lugar. Napakaliwanag ng mga ilaw na pumalibot sa buong paligid. May lamesang may kandila at dalawang upuang napaka elegante.

Lumipat ang atensiyon ko nang biglang may nagsidatingang mga lalake na may dalang isang bagay na hindi ko alam kung ano ang tawag dun. Napangiti nalang ako nang bigla silang tumugtog ng isang napakagandang himig sa tenga. A beautiful melody that will surely capture your heart. They were like dancing into my ears, seducing every pump of my heart to fall in love with them even more.

"Love?"

Napalingon ako sa likuran ko nang may tumawag sa'akin.

Bumungad sa'akin si Dylan na may hawak na maraming pulang rosas habang nakaluhod ang isang tuhod sa harapan ko. Sobrang saya ng mga mata niyang kumikinang habang nakangiting nakatitig sa'akin.

Agad ko siyang niyakap ng mahigpit at napaiyak sa tuwa. Parang gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing niyayakap niya ako o nakayakap ako sa kaniya. Tinitiis niya ako kahit minsan ay nasisigawan ko na siya kapag nagagalit ako ng hindi ko alam kung bakit. Inaalalayan niya ako sa tuwing biglang sumasakit ang ulo ko ng walang dahilan. Sa tuwing hindi maganda ang pakiramdam ko.

“What do you like to eat, love? do you like veggies? pork? soup? just ask them anything, and they will serve you right away.”

Hinawakan ko lang ang kamay niya bago lumipat ang tingin ko sa lalakeng nakatayo sa gilid namin. Itinuro ko nalang ang larawang nakalagay sa menu at ngumiti sa kaniya.

"Uhnm she wantz to order steak and fruit shake. Please." Aniya.

Sabi niya kasi sa'akin na bawal pa akong kumain o uminom ng mga ikaka-trigger ko lalo na at ganito pa ang sitwasyon ko ngayon. Pagod na rin ako sa nararamdaman kong bigla biglang sumasakit ang ulo. Tuwing gabi ay may mga lumalabas na mga pangyayaring hindi ko alam kung sino-sinu ang mga tao doon.

Tahimik na kaming nagkatitigan dalawa habang pinapakinggan ang malumanay na tugtog. Tapos na kaming kumain at hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko. I am so terrified of those people standing around us wearing those all-black suits. They were like watching our move and every step. Every time I turn to walk around, they panicked and immediately asked their companions to follow me.

“Pwede ba kitang i-sayaw, mahal ko?” Tanong sa'akin ni Dylan before he gently asks for my hand.

Hinahawakan ko ang kamay niya at niyakap siya ng mahigpit. He was shocked when I suddenly hugged him tight. He is my safe place. With him, I feel peace and comfort. I couldn't imagine losing him.

I was hugging him while slowly dancing along to the song. Wrapping my arms around his body while his hands were on the back of my head. Caressing my hair while whispering those lovely words that made me cry. Umiiyak akong nakayakap sa kaniya. I was like in my Universe. I didn't see anything but floating hearts and butterflies around me. I am daydreaming again.

“Thank you for making me feel this way, love.” Bulong ko sa tinga niya.

He chuckled and gently kissed my forehead. Staring right into eyes. His eyes were shining. I can clearly see my silhouette in his eyes and how pure he is, looking at me.

My world was sparkling when he slowly kissed my lips. It was like a fantasy movie to me, kissing my prince charming while dancing. Parang bumabagal ang ikot ng mundo ko habang nakapikit at nakahawak sa mga braso niya. Hindi ako makahinga at biglang bumilis ang kalabog ng dibdib ko nang may pumasok isip ko. I don't know what it is. Parang alaalang may isang lalakeng kumakain habang tumatawa.

Hindi ko sinasadyang naitulak ko siya palayo sa'akin. Napatitig nalang ako sa kaniya. Gulat na gulat siyang nakatingin sa akin. Halatang nagugulohan kung bakit ko siya biglang tinulak. Hindi ako sumagot sa kaniya. Parang naninigas ang lalamunan ko kaya tumakbo ako papunta sa dagat. Litong-lito na ako. Hindi ko kilala ang mga taong bigla biglang pumapasok sa utak ko. Hindi ko maalala kung sino ang lalakeng sumagi sa isip ko kanina. Bakit? bakit siya na sa isip ko? sino siya?

“Bakit? bakit ko kailangan maramdaman lahat ng ito? bakit ako pa?”

Napahagulhol nalang ako habang sumisigaw sa harap ng dagat. Gusto kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Nagugulohan na ako sa utak ko. Pagod na akong magdusa tuwing may sumasagi at pumapasok bigla bigla na isang alaalang wala akong idea kung sino at ano ang ginagawa ko doon. Pagod na nako!

“Love, hey love.” Tawag sa'akin ni Dylan habang tumatakbo papalit sa'akin.

Napaupo nalang ako sa buhangin habang patuloy parin na tumutulo ang mga luha ko. This is the first time I saw him walking without any shoes or slippers. Napakaarte niyang tao at kahit kunting dumi lang sa bahay ay pinapagalitan niya na ang mga katulong.

“Are you okay? okay ka lang ba? Masakit ba ang ulo mo? Should I call the doctor?” Natataranta call niyang tanong. “Love sagutin mo naman ako.”

“Pagod na ako Mahal. Hindi ko na kaya lahat ng mga nangyayari sa'akin. Natatatakot na ako kung ano pa ang mga susunod na mangyayari.”

Hindi siya umimik. Umupo lang siya sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit. Hugging him was like hugging a soft comfy pillow.

“Hangga't nabubuhay ako Joyce, ipapangako ko sayong walang masamang mangyayari sayo. Kahit pagbaliktarin pa ang mundo. Nandito lang ako palagi.” Bulong niya tsaka hinalikan ako sa noo. “Po-protektahan kita.”

Niyakap ko siya ng mahigpit na parang ayaw ko na siyang pakawalan. Nagsibagsakan ang mga luha ko habang nakayakap sa kaniya. Sa kaniya lang ako nakaramdam ng ganito ka gaan sa dibdib.

“Mahal?”

Iniangat ko ang ulo ko when he suddenly called me. His voice was so calm, still giving me comfort. Nakaupo lang kami sa buhangin, feeling every touch of the salty wind while listening to every stroke of the waves. Enjoying the view of the dazzling sea and the moon. Ayaw kong kumawala sa mga bisig niya.

“I know your amnesia won't stay forever and this memory will be nothing to you. But when your memory comes back love, I just want you to know that I love you more than anyone else. I love you from the very first start.”

Napakunot noo akong nakatingin sa kaniya. Sobrang tahimik. Ang buwan at bituin lang ang nagbibigay ilaw sa'amin sa dagat at silaw ng mga ilaw sa restaurant. The stars were like shining on us, smiling while dancing. Napakaganda nilang tignan habang nagsasayawan sa mga paningin namin. They gave me comfort and love. They are a treasure to me.

“I love you like how I love the stars....”
______________________________________

Wild Billionaire's ObsessionWhere stories live. Discover now