20

1K 14 3
                                    

listen somewhere only we know by keanne while reading.

I woke up laying on a soft comfortable white bed. The room and the interior design are not familiar to me. Parang naninibago ako sa paligid. Parang kinakabahan ako ng hindi ko alam kung bakit at parang mabigat ang pakiramdam ko.

Napahawak ako sa ulo sa sobrang sakit. Nanlaki ang mga mata ko nang makapa ko ang parang tila sa noo. Bakit parang may tila ako sa noo? Ano'ng nangyari sa'akin? At saan ako?

Gulat kong iniangat kaagad ang tingin at napakunot ng noo nang biglang parang may gumalaw sa braso ko. My brows furrowed watching her adjusting something in the machine while calling someone on her phone. Lumipat ang tingin ko sa baba nang mapansin kong hindi ko maigalaw ng maayos ang kanan kong kamay. Agad akong bumangon at lakas loob kong tinanggal ang dextrose.

“Doc! Doctor Rodriguez! gising na siya! doc!” Sigaw ng babaeng nakaputi lahat ang damit habang pinipigilan niya akong tumakbo.

"Na saan ako? Tulong na saan ako?" Sigaw ko habang nakatingin sa kaniya.

I was having a panic attack and my chest feels like it was going to explode. Nanginginig ako sa takot habang pilit na inaalis ang mga braso ko sa pagkakahawak niya. Hindi ko mapigilang umiiyak habang sumisigaw ng tulong. Wala akong maalala kung na saan ako at kung sino ang babaeng nakahawak sa'akin ngayon.

My eyes shifted when the door suddenly opened. Mas lalo akong natakot nang makita kong pumasok ang isang lalakeng puti ang damit at isang babae ring gano'n din ang suot na may hawak na injection. I screamed my lungs out for help. Takot na takot akong nakatingin sa mga mata nila habang humahagolhol ng iyak at pilit na kumawala sa pagkakahawak nila.

“Hey don't be scared. This will help you recover. Just a little bit of pain.” Aniya habang pinapakita sa'akin ang malaking karayom.

Nanginginig ang tuhod ko sa takot at pawis na pawis na ako sa sobrang kaba. Pakiramdam ko ay papatayin nila akong lahat dito sa loob. Nakangiti silang lahat sa'akin at parang tinatakot at inaasar nila akong tatlo. Their faces are like waving,  the whole place feels like waving. Para akong na sa panaginip. Na saan ba talaga ako?

“Hey hey stop that!” Sigaw ng isang hindi ko pamilyar na lalake sa doctor nang makapasok na siya sa kwarto. “don't you dare hurt my wife, Doc or else I'll kill you.” Singhal niya sa kanila sabay hinila ako at niyakap.

"I'm sorry Mr. Dylan. We are just trying to calm her down."

Sinundan ko lang ng tingin ang mga babae at ang lalakeng nakaputi na dali-daling lumabas ng kwarto sa takot na baka mapatay sila nito. Hindi ko kilala ang lalakeng yumakap sa'akin kaya tinulak ko siya palayo.

“Lumayo ka sa'akin! Hindi kita kilala!” Singhal ko sa kaniya habang humahakbang paatras.

Habang umaatras ako ay humahakbang din siya papalapit sa'akin. Takot na takot na ako sa lugar na 'to. Hindi ko alam kung saan ako at ano ang ginagawa ko dito. Patay na ba ako? Na sa langit na ba ako?

“Hey, honey. It's me. Ako 'to si Dylan. Asawa mo ako. Shhh kumalma ka lang, okay?” Hawak niya sa kamay ko habang pinapatahan ako tsaka ipinakita ang singsing sa daliri niya.

Agad na lumipat ang tingin ko sa daliri niya at tinaasan siya ng kilay.

"Bakit hindi kita kilala? Bakit hindi ko maalalang ikinasal tayo?" Tanong ko sa kaniya sabay tumulo ang mga luha ko. “Bakit?”  

“Kasi na aksidente ka! Naaksidente kayo ng anak natin Joyce."

Parang tumigil ang mundo ko ng marinig ko ang pangalan na binanggit niya.

“Joyce. Joyce ang pangalan ko?”

Tumango lang siya at napayuko.

“Bakit hindi ko maalala ang pangalan ko? Bakit hindi ko maalala ang mga nangyari? Bakit hindi ko alam na may anak tayo? Bakit?”

Rinig na rinig ko ang bawat paghinga niya. Kitang kita ko ang sakit at lungkot sa mga mata niya habang nakatitig sa'akin. 

“Dahil may amnesia ka"

Hindi ko mapigilan ang mga luha ko sa pagtulo. Hindi ko mapigilan ang sakit na nararamdaman ko dahil sa sinabi niya. Sobrang sakit ng dibdib ko habang nakatitig sa singsing na nasa kamay niya. Bakit? bakit nangyari sa'akin 'to? bakit ko kailangan maramdaman lahat ng 'to?

“Bakit? paano? paano ng yari 'yun? Sagutin mo ako Dylan, nagmamakaawa ako.” Hagolhol ko ng iyak tsaka napayuko.

Hinagod niya ang likod ko habang pinapatahan.

“Papunta kayo noon sa Park kasama ng anak natin. Kakagaling niyo lang noon mamasyal. Sabi sa'akin ng pulis, nawalan daw ng brake ang sasakyan na ginamit mo kaya ka bumunggo sa puno. Our boy was declared dead on the stop Joyce habang ikaw ay na sa ganitong sitwasyon.”

Napatulala ako sa kaniya habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko. Parang nadurog ang puso ko. Parang namatay ang sarili ko nang malaman kong namatay ang anak namin dahil sa'akin. Pilit kong inaalala ng mga nangyari. Pilit kong alalahanin ang lahat. Gusto kong malaman ang iba pang nangyari. Gusto kong maalala ang mukha ng anak ko. Gusto kong maalala ang masasayang nangyari sa anak ko na kahit ganoon nalang ay may hawak parin akong alas galing sa kaniya. 

“Kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko. Kasalanan ko na hindi ako naging maingat!” Sigaw ko sa sarili habang sinasampal ang mukha at sinasaktan ang sarili.

Pilit kong iniisip ang lahat hanggang sa biglang sumakit ang ulo ko. Sobrang sakit na parang mabibiyak na ito. Parang may nag echo at bumubulong sa tinga ko na hangin. Parang mababaliw na ako. Napayuko ako at napasigaw sa sobrang sakit.

“Can someone please help my wife? Doc! Doc Rodriguez!” Sigaw niya habang nakahawak sa mga braso ko.

Rinig ko ang pagbukas ng pintuan at sigawan ng ibang nurse na parang may tinatawag sa kabilang room habang ang isa namang babae ay inaayos ang tape sa kamay ko. Napakagat nalang ako sa labi nang tinusok niya na ang karayom ng dextrose sa ugat ko.

Ramdam ko ang dalawang tusok ng karayom sa braso ko habang parang may binubulong sa'akin si Dylan. Unti unti ring lumabo ang paningin ko nang ipinahiga niya na ako sa kama. He was worried looking at me laying in the bed. He was calming me down, caressing my arms, and guided me to breathe in and out properly hanggang sa unti unti na siyang lumabo at nawalan na ako ng malay.

Sobrang bilis ng kalabog dibdib ko na parang hindi na ako makahinga habang may hinahabol ako sa panaginip. Nagising ako na sobrang pawis na pawis at maputla. Agad kong minasahe ang kamay at inilibot ang tingin nang mapansin ko ulit na wala na ako sa kwartong maputi kanina.

“Hey baby, you are finally awake.” Napapaos pa niyang ani nang magising siya sa gilid ko.

Nakaupo siya sa maliit na upuan habang nakapatong ang ulo sa kama.

“Na sa bahay na tayo. What do you like to eat?” Tanong niya at dali daling tumayo.

Tumayo na rin ako sabay hinawakan ang ulo kong kahapon ay may bandage lang. Napakunot ang noo ko nang mapansin kong wala na ito. Sinundan ko siyang naglakad papunta sa isang lugar na may mga prutas at mga pagkain.

“Welcome to our home sweet home Love.”

Wala lang akong reaksyon nang yakapin niya ako at halikan sa noo. Umupo na lang ako sa upuan at kumain nalang ng prutas. Naakit ako sa mapulang prutas na nakapatong sa tray. Sobrang pula niya at kumikintab sa sobrang kinis. Parang sabik na sabik akong kagatin ito.

“Oh dahan dahan lang love baka mapano ka.” Nagaalala niyang ani sa'akin sabay hinagod ang likod ko.

Pagkatapos kong kumain ay inilibot niya ako sa buong bahay at ipinakita ang mga litrato naming dalawa. Wala akong maalala sa aming dalawa. Sa tuwing pinipilit kong alalahanin ang lahat ay sumasakit ang ulo ko. Parang mabibiyak sa sobrang sakit. Bakit hindi ko maalala kahit ang sarili ko? o ang mga nangyari man lang?
______________________________________

Wild Billionaire's ObsessionWhere stories live. Discover now