19

987 14 4
                                    

Be advised that this
chapter contains mature themes and strong language that are not suitable for very young audiences.

WARNING: Harassment R18+

Nagising ako sa sobrang ingay sa labas. Parang may naglalaro at nag-iinoman kaya agad akong napatingin sa palagid sa sobrang takot nang mapansin kong wala ako sa bahay. Hindi ko 'to kwarto at lalo ng hindi 'to kwarto ni Diego. Sobrang napakaiba ng design. Parang halos lahat ay mamahaling antique at ang wall ay parang sa loob ng kwarto ni Queen Elizabeth sa sobrang napaka elegante.

Parang mabali na ang kamay ko nang bigla akong bumangon at aakmang tumayo. Nakapusas pala ang isa kong kamay sa kama. Saan ba ako at bakit ako nakapusas? Pilit kong inaalala kung ano ang huling nangyari kung bakit ako napadpad dito. Hindi naman ako nalasing para sabihing dahil sa kalasingan ko 'to.

"Tulong!!" Halos nagsisisigaw na ako ng tulong at pinagpupokpok na ang sahig para lang marinig ako ng mga tao sa labas. "Where am I? Pakawalan niyo ako dito!" Sigaw ko habang magpupumiglas sa kama.

"You are awake. Nahuli ka rin namin sa sobrang tagal." Ani ng isang lalake na kakapasok palang. "Ayaw kasing magpahuli ng papa mo kaya ikaw nalang daw."

Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Parang umi-echo na ang tinga ko.

Bakit? ano ba ang kasalanan ko para hulihin nila ako? May utang na naman ba ang Papa ko sa kanila?

"Pakawalan niyo na ako dito!" Sigaw ko habang umiiyak at nagpupumiglas. "Kung meron mang kasalan ang Papa ko sa inyo, pwede namang pagusapan natin -"

Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang lalakeng pumasok sa puntuan. Nanlaki ang mga mata niya at napanganga sa gulat sabay tinapik sa ulo ang kasama niyang kausap ko.

"Gago ka ba Niko? hindi 'yan 'yung Gagong anak ng Gov. Fuentes na 'yun!" Singhal niya sa kasama niya sabay hinampas ulit ang ulo nito ng malakas. "Lagot ka kay boss nito. Palpak ka na naman!"

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila habang tumutulo parin ang mga luha ko sa takot. Nakaupo nalang ako sa sahig habang namimilipit parin sa kaba. Para akong basang sisiw sa hitsura ko ngayon. Napapaliguan na ako ng pawis at luha. Governor Fuentes? Papa ba ni Zeda 'yung tinutukoy nila? Tungkol ba 'to sa Issue nila?

Lumipat ang tingin ng kasama niya sa'akin at taas-baba niya akong tinitigan ng mabuti "Kung ganoon, edi pakawalan na natin yan." Natatakot na sagot niya sabay dali- daling lumapit sa'akin.

Para akong nabuhayan ng loob na makatakas dito. Makakauwi na rin ako sa bahay namin. Magpapakalayo-layo na ako dito. Simula noong makilala ko si Diego,  puno na ng nakakatakot ang buhay ko. Puno ng takot at sakit ang naramdaman ko sa buong buhay ko.

"Sinong papakawalan?"

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang mga mukha ng dalawang lalake nang bumukas ang pintuan sa likuran nila. Halatang nanginginig sa takot ang dalawa sa sobrang tuwid ng pagkakatayo nila.

Napahagulhol ako ng iyak nang makita ko ang lalakeng pumasok sa Kwarto. Parang sasabog na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito habang tinititigan si Diego na nakatingin sa mga lalake. Sobrang gara niyang tignan habang suot ang puti niyang long sleeves. Para akong asong uhaw na uhaw habang gumagapang papunta sa kaniya. I hold his shoes and hugged his legs.

Agad na nag-iba ang expression ko sa mukha nang tanggalin niya ang suot niyang sunglass. Para akong natakot at nawala sa sarili nang makita ko ang ahit niya sa kilay. Napaatras ako at napatigil sa pagiyak. Hindi siya si Diego. Walang ahit sa kilay si Diego. Siya 'yung....siya 'yung lalakeng napagkamalan kong si Diego? Kambal ba niya 'to? Is he the one I fucked?

Lumipat ang tingin niya sa'akin nang mapansin niya akong umaatras. Agad namang nagsilabasan ang dalawa at  nagtutulakan pa ito nang sigawan niya. Hindi nga siya si Diego. Magkaibang magkaiba ang mga mata nila. Mga matang walang takot.

"Hi, baby girl. Nice meeting you again. What a small world." He greeted me as he circled his hands,  shaping a small world. Lumapit siya sa'akin at tinanggal ang pusas sa kamay ko. "I didn't expect I fucked Mr. Fuentes's daughter." Dagdag niya sabay tumawa ng mahina. "Are you Mr. Fuentes daughter? Cause I heard you are velasquez. So you are adopted? Or something?" Tanong niya saakin habang nakangiti,  minamasahe ang kamay kong nakapusas kanina.

"Anong pinagsasabi mong baliw ka! Anong anak ni Fuentes pinagsasabi mo?! Palabasin niyo na ako dito!" Singhal ko sa kaniya sabay inalis ang kama ko sa pagkakahawak niya. "Kapag nalaman 'to ni Diego! Lagot kayong lahat!" Banta ko.

Humalakhalak siya ng malakas sabay napailing-iling. Parang tumayo lahat ng mga balahibo ko nang bigla niya akong nginisihan. He pulled me and pinned me to the wall.

"I don't wanna hurt you my love. Don't make me." Bulong niya sa tenga ko.  "Anyways,  may magagawa pa ba ang kambal ko kung nandito ang babaeng pinaplano niya sa pamamahay ko?" Bulong niya ulit sa tenga ko habag hinahagod ang mga labi niya sa pisnge ko. "Napaka ganda mo talaga."

Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagkademonyo niya nang tignan niya ako sa mga mata. I tried to push him away pero parang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Inaasar niya ako sa bawat paghinga niya sa leeg ko. Gusto kong umiyak ng malakas habang tumatawa siya dahil sa reaksyon ko. Hindi niya natuloy ang binabalak nang biglang may bumukas ng pinto.

"Sir Dylan? Hinahanap po kayo ng kapatid niyo." Pautal-utal na ani sa kaniya ng babae habang nakatingin sa'aming dalawa.

Napalingon sa kaniya si Dylan. "You don't know how to fuckin knock?" Taas boses niyang tanong.

Napayuko ang babae at nanghingi ng patawad. Tinitigan niya lang ako sa mga mata. Sinubukan kong manghingi ng tulong pero parang naninigas ang lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita. Kitang kita ko rin sa mga mata niya ang pag-aalala at takot. Sinubukan kong kumurap-kurap ng tatlong beses pero pumikit lang siya at nagmamadaling umalis.

Agad kong sinipa at tinulak si Dylan at dali daling tumakbo para habulin ang babae. Kailangan ko siyang masundan para malaman ko kung si Diego ba ang tinutukoy niya. Kailangan kong makaalis dito! Ayaw ko ng makulong ulit!

"Saan ka pupunta?" Galit niyang tanong sa'akin sabay hinila ng kamay ko.

I removed his hands away from holding me at dali-daling tumakbo palabas ng pintuan when I almost tripped. Buti nalang at nahawakan ni Dylan ang design ng damit ko,  enough para alalayan akong hindi mahulog sa hagdan.

"Don't move, you are safe." Kalmado niyang bulong sa'akin.

Rinig na rinig ko ang bawat ginhawa niya habang dahan dahan na naglalakad palapit sa'kin.

"Aahh dylan!" Sigaw mo sa pangalan niya nang matanggal ang design ng damit ko.

My ear echoes when my head hits the corner. Sobrang sakit ng ulo ko. Ilang beses na tumama ang ulo ko sa bawat palapag ng hagdanan. Parang bumilis ang ikot ng mundo. Pinilit kung bumangon at tumayo para lumabas ng bahay pero wala na akong lakas. I am soaked in my own blood. Ramdam ko rin ang basag na vase na nakatusok sa braso ko. Nanlalamig at namutla ang mga kamay ko't katawan sa takot kaya napahawak ako sa ulo habang umiiyak.  I only heard his shout and people's voices before my vision slowly darkened.

_____________________________________

Wild Billionaire's ObsessionWhere stories live. Discover now