16

1.1K 17 0
                                    

"Ihanda niyo lahat ng mga gamit namin. Ilagay niyo na malita lahat ng mga importanteng bagay. Aalis kami ngayon!” Pasigaw niyang utos sa mga katulong.

“Pero sir uuwi daw po yung ate niyo. Gusto niya daw po kayong makita.” Pautal-utal na sagot ni Yaya sa kaniya.

“Gusto niya kaming makita? After she left? Hell no!" Singhal niya.

Dali-daling tumakbo papuntang kwarto ang mga katulong niya dala-dala ang mga malita na dadalhin namin. Nakatulala lang ako habang nakaupo sa sofa. Nanginginig ako sa takot. Ganito pala ang nararamdam ng mga sikat na artista kapag nagkaroon sila ng mga issues. Bakit ba kasi mukha ko ang nilagay nila sa Article. Are they just confused dahil sa palagi naming pagsasama ni Zeda?

“Sir anong sasakyan ang gagamitin natin papuntang airport?” Tanong sa kaniya ng driver.

Napatingin muna sa'akin si Diego bago ibinalik ang tingin sa driver. Halatang nagaalala siya sa mga nagaganap ngayon sa News. Sino ba naman kasi 'yung nagpakalat ng news bakit parang ang laki laki ng galit nila sa'amin?

“Gamitin mo yung may tinted windows.” Maikli niyang sagot bago lumapit sa'akin.

Umupo siya sa tabi ko habang hinahagod ang likuran ko. Parang kumakalma ako kapag katabi ko siya. Kapag hinahawakan niya ako. Parang gumagaan ang dibdib ko. Yung pakiramdam ko. Parang siya yung nagpakalma ng sarili ko.

"Everything will be already when we get married." Bulong niya sa'kin

Married? Ikakasal na ba talaga ako? Totoo na ba talaga 'to? Is this my fate? Niyakap ko siya ng mahigpit at napaiyak sa balikat niya. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko, ang nararamdaman ko, o ang utak ko. Pinipilit kong alisin at burahin 'yung nararadam ko sa kaniya pero bakit sa tuwing nararamdaman ko ang presinsya niya ay tumatahan ako?

“Are you okay love? Bakit parang mainit ka?” Tanong niya sa'akin sabay tinignan ako sa mga mata. “May lagnat ka ba?” Tanong niya ulit at nilagay ang kamay sa noo ko.

“Wala naman ayos lang ako, may sip-on lang at ubo.” Rason ko sa kaniya sabay pinunasan ang mga luha ko. “Huwag mo na akong isipin, ihanda mo na lahat ng mga gamit mo."

Kumunot agad ang noo niya. “You're so hot. Hindi ako doctor pero alam ko kung gaano ka init ang may lagnat." Aniya habang nagaalalang nakatingin parin sa'akin.

“Okay fine. I know, I'm always hot.”

He rolled his eyes while shooking his head. “Do you think I'm joking baby?” Taas kilay niya akong tinignan sabay inilagay ulit ang kamay niya sa noo ko.

I slapped my face to stop myself from blushing at baka nananaginip lang ako. Hindi ako mapaniwala sa nararamdaman ko ngayon. Huli kong naramdaman 'to noong niligawan pa lang ako ni Liam.

“What are you doing? why are you hurting yourself?” Taranta niyang tanong sa'akin tsaka pinigilan ang kamay ko. “Hey stop that!” He holds my right hand to stop me.

“Ginigising ko lang ang sarili ko.” I replied and continued slightly slapping myself.

“Ewan ko sayo, I'll get a thermometer and medicine. Pahinga ka lang muna diyan habang hinahanda pa nila ang mga gamit natin.” Aniya tsaka binalot ako ng kumot. “Get well soon baby." He added and kissed my forehead.

Is this what they called love?

A true love?

Is this what Love feels like?

like floating together with the stars?

feels like a fantasy?

Pinikit ko muna ang mga mata ko, para magpahinga. Masakit narin ang lalamunan ko kakaubo and I can't breathe well dahil sa sipon ko. Kapag binubuksan ko ang mata ko ay agad itong naluluha. Napapa-hatsing din ako kapag humihinga gamit ang ilong.

Nagising ako nang naramdaman kong may umupo sa gilid ng kama ko. Ramdam na ramdam ko ang sobrang init ng katawan ko kaya hindi ko na maramdaman ang malamig na tuwalyang inilagay ni Diego sa noo ko.

“Taas mo braso mo.” Utos niya sa'akin tsaka inilagay sa kili-kili ko ang thermometer.

Tahimik lang siyang naghintay na tumunog yung thermometer habang binabaliktad ang maliit na tuwalyang inilagay niya sa noo ko. Seryoso lang siyang nakatingin sa'akin at halatang alalang alala na. Paano na kaya kung hindi kami matuloy sa pagpunta namin ng Taiwan dahil sa'akin?

“Ang init mo 39.8”

Naririnig ko yung bawat hininga niya at bawat pabulong niyang mura sa sobrang tahimik ng kwarto ko. Naulanan lang naman ako at nagkasip-on, di ko naman inakalang lalagnatin ako. Ganito na ba talaga ka hina ng immune system ko?

“Pagaling ka lia” Bulong niya habang pinupunasan ang mga baso ko ng tuwalya. “please”

His tone changed. I mean his tone wasn't like this before. it's like a cute baby boy begging his mom to buy him candy. Alam niyo yun? parang gumagaan ulit yung dibdib habang nakahawak siya sa kamay ko.

“I love you” Bulong niya habang pinupunasan parin ako.

He's like my mom. I miss my mom. She's like this when I'm sick. Inaalagaan niya ako kapag nagkakasakit. Pinupunasan kapag sobrang init na. Ang sarap sa pakiramdam ang makaramdam ulit ng ganito.

I just smiled when I heard the word he said. Totoo kayang mahal niya ako?

“If you love me, higupin mo nga sip-on ko” Biro ko sa kaniya habang tumatawa.

My voice was like a sick goat laughing so hard gosh!

“Seriously?” Nagdadalawang isip niyang tanong sa'akin.

Bumugtong hininga siya at tumayo sabay lumapit sakin. Wait? is he going to sip my nose? what the fuck? Gagawin niya talaga ang sinabi ko?

Tumawa ako ng malakas sabay itinulak siya palayo sa'akin.

“Ew baliw" Sigaw ko sabay humalakhalak and I rolled my eyes, acting like I'm going to vomit.

“What?” Taas kilay niyang tanong.

“What the fuck man. Are you really gonna sip my nose huh?”
Tanong ko pabalik sa kaniya habang tumatawa pa rin.

“Yea? I guess? cause you said that if I love you I'll sip your nose so I'll sip it 'cause I love you.” Napaka inosente niyang sagot habang nakataas ang isang kilay.

“Are you crazy?”

“I won't sip your nose. I'm not stupid” Pagbawi niya agad sa sinabi niya kanina. “I'm gonna kiss your lips”  Dagdag niya sabay kinindatan ako .

“Palusot ka pa ah! uto uto!” I poked his side while still laughing.

Nakakunot parin ang noo niya habang nakatingin sa'akin. Napangiti ako habang tinititigan siyang nakaupo sa gilid ko, wearing his white sleeves and his cartoon pajama.

“Your nose is near to your lips. Kapag lalapitan kita, you'll think that I will really gonna sip your nose.” He rolled his eyes. “Miss assuming, here's your medicine. Inumin mo na yan para gumaling ka na.” Binigay niya sa'kin ang gamot at inaalalayan akong uminom ng tubig. “Get well soon” Bulong niya tsaka tumayo at naglakad palabas.

Napatawa nalang ako sa sobrang seryoso niya. Hindi ko talaga mapigilan ang tawa ko na para bang kinikiliti ako sa baywang. Natatawa talaga ako sa mukha niyang napaka seryoso.

"Para ka talagang kambing." Asar ko sa kaniya habang humahagikik. "Apaka seryoso mo naman. Just calm honey, it's me." Gaya ko habang pilit na ginagaya ang boses niya.

“Magpahinga ka na diyan, daldal ka.”
________________________________

Wild Billionaire's ObsessionWhere stories live. Discover now