“Do I look okay in this Shade?” Tanong ko kay Zeda habang seryusong nakatingin sa label ng lipstick na hawak ko.
I need to buy more lipstick. Ni wala man lang akong nagustohan sa lahat ng mga binili ni Diego na Makeup para sa'kin. Yung foundation na binili niya? Sobrang puti ng tone at hindi match ng skin ko. Pati na rin yung mga eyeshadows, ampapangit ng mga color. Halatang walang taste ang babaeng pinapili niya o siguro siya lang ang pumili at binili niya lang lahat ng 'yun without checking it kung maganda ba.
“Yes, very fine.” She showed me a big thumbs up at tinalikuran ako para mamili pa ng ibang mga bibilhin niya.
“Ew! Duh! I don't like the shade. Pang matanda yung kulay.” Pahirit na singit ni Kaimi and shook her head, giving me a no sign.
Ewan ko sa kanila ni kanilang dalawa! Nagugulohan ako. Wala akong mapili at hindi ko alam kung saan ako maniniwala. They both don't have good taste lalo na sa make-up. Hindi ko rin alam kung ano ang bibilhin ko. They aren't good at choosing make-up but choosing men? Dang, umuwi ka nalang dahil sila na yung nanalo.
Pumunta nalang ako sa next shelf to find another brand of lipsticks na mas maganda at bagay sakin. Hindi ko talaga sila mapagkatitiwalaan pagdating sa ganitong bagay. Nakakapagod na! Nakailang test na ako at halos maubos na ang wet tissue hawak ko kakatest lahat ng lipsticks sa'akin.
“Excuse me, Miss. Is there any color available here?” Tanong ko sa saleslady before I raised the lipstick and showed the brand that I wanted.
“Yes ma'am. This way.” Magalang niyang tinuro ang other shelves as she leads me the way.
Kinuha ko na lahat ng shade na gusto ko sa lipstick bago pa ako maubosan ng stock. Nandito lang pala yung mga magagandang shade ng lipsticks dito na Mac at bagay sa'kin. Pinahirapan pa ako ng mundo.
Habang namimili ako ng blender sa kabilang shelf. I suddenly saw Kaea standing with her Brother. I was about to tell Kaimi pero paglingon ko pabalik, they are already talking. Hinila ko si Zeda kaagad to greet Kaea together. Napaka awkward kasi kung babati ako na hindi naman kami masyadong close. Baka sabihin pa akong feeler.
Hindi na kami masyadong nagtagal at umalis na rin ako para mag bayad ng mga binili kong Make-ups kasama si Zeda sa counter.
“Wow! New Credit Card?” Nakangiting aso niyang tanong sa'akin habang nakatingin sa'akin na may halong pang aasar.
“Ah haha." Napangisi ako at napautal. Bakit ngayon ko pa naalala? This is the right time to tell them na kailangan ko ng tulong para makaalis sa mga plano ng Papa ko at sa weirdong Callahan na 'yun. "Zeda, I have to tell you something. Big big problem.” I pulled her arms closer to me sabay napalingon-lingon kung may tao ba na nakatayo malapit sa'amin.
“Omg! May sugar daddy ka Cordelia?” Tanong niya agad sa'kin at nanlaki ang mata sabay napatakip sa bibig at nakangit. “Makakapunta na tayo niyan sa hawaii–”
“Delia! Love? "
Parang sumabog na ang puso ko sa sobrang lakas ng kalabog nito. Para akong wanted na huhulihin na ng mga pulis sa sobrang kaba at takot na dumadaloy sa katawan ko. Para akong pinagpawisan bigla habang nakatitig sa mga mata ni Zeda. Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang gusto kong tumakbo pero hindi ako makatakbo dahil pakiramdam ko nakadikit ang sandal ko sa sahig.
“Woa! woa! who is he?” Tanong ni Zeda sa'kin habang nakataas ang isang kilay nito.
Palipat-lipat ang tingin niya sa'amin habang nakatingin parin siya sa likuran ko. She suddenly smiled at biglang tumango. I don't want to move. Ayaw kong lumingon. Parang gusto kong mawala saglit. I don't want him to know my friends at ayaw ko rin siyang makilala ng mga kaibigan ko. He's not worth knowing them.

YOU ARE READING
Wild Billionaire's Obsession
RomantizmCordelia Velasquez is a successful businesswoman, who is used by her own father to pay off his dept to a wealthy billionaire named Diego Callahan. Can she also avoid facing her fate when she was kidnapped by Diego's twin brother, Dylan Callahan? A c...