10

1.4K 23 6
                                        

"I don't understand, Diego. I don't need your bodyguards!" Singhal ko sa kanya.

He was sitting on his Swivel chair, signings a lot of papers in his home officee. How can he survive signing papers his entire life? Kaya pala hindi ko na siya nakikitang kumakain dalawang araw na.

"Why? it's for you to be safe." Iniangat niya ang ulo at tinaasan ako ng kilay.

"I can protect myself, Diego. Are you discriminating against my strength? I am not like you. You don't know what I am capable of!" Singhal ko sabay hampas sa table niya that made him stop from signing. "Palagi ko nalang akong dinidiscriminate Diego!"

Tumayo siya sa kinauupuan niya saka hinampas ang ballpen sa mesa dahilan ng pagkasugat at pagdugo ng palad niya.

"How dare you say that to me Cordelia. You don't understand me! Because of this, I will give you some punishment. Sumusobra ka na!" Singhal niya sakin pabalik.

"What? seriously? ano ka batas Diego? At isa pa, hindi talaga kita maiiintindihan kasi napaka weirdo mong tao." I crossed my arms over my chest and raised him a brow.

"Ayaw na ayaw ko sa mga matitigas ang ulo Cordelia kaya simula ngayon walang aalis ng hindi ko sinasabi ulit."

"Bahala ka!" I rolled my eyes at padabog na isinarado ang pinto.

Padabog akong bumalik sa kwarto at humiga sa kama habang nakatingin sa kisame. Hindi ako makatulog ng maayos. Hindi mawala sa isip ko ang pagdugo ng kamay ni Diego kanina. It's my fault. Napakatigas ng ulo ko. I didn't do anything good kung hindi ang pasakit lang ng ulo niya. Hindi rin naman siya magkakaganito kung hindi niya ako ikinulong sa bwesit na bahay niya.

"Fuck stupid Cordelia!" Hiyaw ko habang sinasabunotan ang sarili sa kama.

Dali dali akong bumangon when I heard someone knock on the door at naghanda ng unan para ipambato ko kung si Diego yun. Para akong siraulo habang hawak-hawak ko ang unan sa sobrang gulo ng buhok ko.

"Ma'am, dinner niyo po." Mahinang sabi ng Yaya habang dala ang isang tray ng pagkain.

Agad kong ibinaba ang hawak kong unan at lumapit sa kaniya. Napahinga ako ng malalim sa tuwa tsaka ko tinanggap ang pagkain at inilagay sa table ko.

"Ang dami naman niyan." Reklamo ko habang tinitignan ang mga pagkain.

I can't eat all of these. Tatlong putahi ng pagkain ang dinala niya at tatlong cup ng kanin. Gatas palang na dala niya, busog na ako.

"Yaya?" Hila ko sa braso niya nang tumalikod na ito at aakmang aalis na. "Kumain na rin ba si Diego?" Halos pabulong kong tanong sa kaniya.

"Maam, nako po. Kahapon palang po walang kain si Sir. Gatas at sandwich lang maghapon." Nag aalala niya ring sagot sa'akin.

Tumango lang ako at umupo na sa kama nang tumalikod at lumabas na siya ng kwarto. Hindi mawala sa isip ko si Diego. Ano ba 'tong nararamdaman ko? It feels weird na makaramdam ulit ng ganito. I can't stop thinking about him and also his palm.

Bumaba ako ng kama at binitbit palabas ang pagkain na dala kanina ni Yaya. This guy is important to me kahit kasabwat siya ng wala kong kwentang ama.

"Diego?" Pagkatok ko ng pinto niya habang nakadikit ang isang tinga sa harap ng pintuan.

Walang sumasagot kahit nakailang katok na ako sa pintuan niya. Walang kahit anong ingay sa loob. Busy parin ba siya sa pagpipirma? o galit parin siya sa'kin?

Sinubukan kong buksan ang pinto niya at bukas pala ito. hindi naka lock? Napakunot ako ng noo saka tinulak ang pintuan para buksan ito ng malaki. Walang tao sa loob ng kwarto niya at wala rin siya sa CR.

"Saan kaya yung lalakeng 'yun?" Mahina kong tanong sa sarili.

Inilapag ko muna ang pagkain sa disk niya bago ako lumabas para hanapin muna siya. I tried to call his number pero walang sumasagot kaya pinuntahan ko na agad ang home office niya sa kabilang side ng bahay.

"Diego?" Pagtulak ko sa pintuan ng kunti saka sumilip kung nandoon ba siya.

Pagkapasok ko palang ay bumungad na sa'akin ang mga nagkalat na basag na baso, salamin at botelya sa sahig. Amoy alak at sigarilyo rin ang buong office niya habang nakakalat din ang mga papelis niya sa buong room.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang may narinig akong sumusuka sa banyo.

"Diego?" Kunot noo kong tawag sa pangalan niya habang dahan dahang naglakad papasok ng office niya. "Gago ampota, anong nangyari sayo?"

Natataranta ako sa gulat at tumakbo papunta sa kaniya saka dali daling hinagod ang likod niya habang sumusuka parin. Bakit ba kasi inom ng inom kung isusuka lang din naman? Hindi ko na alam kung saan ko naiwan yung isang pair ng sandal ko sa sobrang pagkataranta ko habang tumatakbo para kunin ang tubig na nakalapag sa office table niya. Hindi naman siguro ako ganito kapag nalasing.

"I'm sorry. I'm sorry Cordelia. I didn't mean to yell at you." He keeps murmuring habang nakahiga na sa banyo.

Nakaupo kaming dalawa sa banyo habang hinahaplos ko ang ulo niyang pawis na pawis kakasuka. Parang wala na siyang lakas kaya tinulungan ko nalang siyang tumayo at ipinahiga sa sofa.

Hindi ko maiwasang mag alala sa kaniya pero napakagwapo niya paring tignan habang natutulog, kahit pawis na pawis at namumutla na. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon habang nakaupo sa tabi niya. Paulit ulit na tumatakbo sa isip ko ang paghingi niya ng tawad sa'kin kanina. So he didn't mean to yell at me huh?

"Diyan ka lang, kukunin ko lang yung soup para makahigop ka na ng sabaw." Haplos ko sa ulo niya bago lumabas tsaka dahan dahang isinirado ang pinto.

Kinuha ko muna yung medicine ket sa kwarto ko para gamutin ko yung sugat niya kanina saka ininit yung sabaw na dala kanina ni Yaya. Why am I worried about him? And Why am I being comfortable on his side? I should have planned something to escape from his hand.

Pagkabalik ko palang sa office niya ay nakaisang alak na naman siya sa mesa. Napakatigas talaga ng ulo nito! Kahit sumuka na kanina ay umiinom parin! Nakakainis!

"Gago kaba Diego?" Agaw ko sa baso na hawak niya.

Ano ba kasing problema ng lalakeng 'to at inom ng inom. May problema ba siyang dinaramdam? o galit parin talaga siya sa'kin.

"Bakit kaba inom ng inom ha? ano bang nangyayari sayo?" Singhal ko sa kaniya tsaka inagaw ang isang glass pa ng whiskey na hawak niya.

"I didn't mean to offend you and underestimate your strength. I just want to protect you from everyone." Iniangat niya ang ulo niya sa'kin saka hinawakan ang mga kamay ko.

Parang nanlambot ang puso ko sa sinabe niya. Ramdam na ramdam ko ang pag init ng mukha ko habang nakahawak parin ang kamay niya sa kamay ko. Hindi ako makahinga sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Parang nawalan bigla ng lakas ang mga tuhod habang pinapawisan ako sa sobrang init na nararamdaman ko. But I couldn't prevent myself from overthinking tungkol sa sinasabe niyang gusto akong protektahan. Bakit may nangyayari ba na hindi ko alam?

"Nothing's special to me, Cordelia. Not until you came."

I was speechless and just standing in front of him while he was still holding my hand. Wala akong masabi. Napanganga nalang ako at namilog ang mga mata ko habang nakatitig parin sa kaniya.

"I want to protect you my love as much as I can..." A single teardrop suddenly fell on his cheek as he genuinely smile at me. "....because I love you."

___________________________________

Wild Billionaire's ObsessionStories to obsess over. Discover now