18

1K 15 1
                                    

“Do you feel okay now?” Tanong sa'kin ni Diego habang nakalagay ang isang kamay sa noo ko, habang sa kabila naman ay hawak-hawak ang gamot na iinomin ko.

Tumango agad ako at inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sakin, “Oo, last na take ko na ba 'to? ang pait pait na kasi.” Reklamo ko sa kaniya bago ko nilunok ang gamot. “Aalis ka ba ngayon?”

“Oo, Pupunta muna ako Office ngayon. May urgent meeting at kailangan ko talagang dumalo.” Aniya at binigay sa yaya ang baso. “You can go shopping if kaya mo na. You can use my card.”

My brows furrowed before I crossed my arms over my chest, thinking where in the hell did I put his credit card. Agad kong hinanap ang credit card na binigay niya sa'akin sa bag. Ilang araw ko na kasing hindi 'yun nakita sa wallet ko since sa huling shopping namin ni Zeda.

“Here's my extra card, you can use it.” Bilin niya bago inilapag ang Card sa table. “Diyan na muna 'yang isa kong card, hindi ko rin naman 'yan nagagamit.”

“Dito ka kakain for dinner? I'll tell yaya to cook for you.” Ngumiti ako habang nakahawak sa kamay niya.

He smiled as he pat my head softly. “Okay, I will.” He whispered tsaka ako hinalikan sa noo.

When he left my room and heard his engine optimize, pumasok agad ako sa Banyo para mag shower at puntahan,  ayain sila Zeda sa na magshopping. I can go outside na since nawala na rin ang issue ni Zeda at nalinis niya na ang pangalan ko. Hindi na rin masyadong stricto si Diego saakin. Laki ko ngang pagtataka sa kaniya kung bakit parang ang luwag na ng pagkakahawak niya sakin.

I wore my High waisted black trouser and black turtle paired with my black coat. Nagmamadali akong bumaba ng hagdanan habang tinatawagan si Kaimi. I saw Diego's cousin while watching tv in the sala. She was drinking tea. I didn't dare to talk to him. Para lang akong walang nakita habang kumukuha ng tubig sa kusina. Sungit pa naman nito.

“Where are you going?" Tanong niya sa'kin habang nakangiting tinitignan ko.

Tinaasan ko siya ng kilay tsaka inilapag ang baso sa table. “Shopping.” Maikli kong sagot.

Tumango-tango lang siya bago inilipat ang tingin sa Tv. Hindi ko na siya pinansin at naglakad na palabas ng bahay. Hindi ko parin ma-contact si Kaimi. Saan kaya 'yung babaeng 'yun.

When I entered my car, I immediately called Zeda again on our group chat pero hindi niya parin sinasagot ang tawag ko. Siguro busy lang at may ginagawang mas importante. Pero ano naman? Wala namang mas importante pa sa shopping hahaha. I tried to call them again nang makarating na ako sa Parking lot ng Mall. I'm not with my bodyguard and Driver kasi gusto ko munang mapag isa.

“God's sake finally you answered my call!” Halos pasigaw ko ng ani sabay napataas ng braso sa tuwa.

“Hi Lia, Can you call again later? tatapusin ko lang 'to. Kailangan na sila ni Mama” Sagot niya sa'kin bago pinatay ang tawag.

Napakurap-kurap ako at agad na tinawagan si Zeda. Sobrang tahimik ng parking lot at ako lang ang nakatambay dito. Natatakot na akong nakaupo sa kotse ko habang sinusubukang tawagan ulit sila Zeda. Para akong nasa horror movie sa sobrang eerie ng lugar. Medyo mahina kasi ang lights dito kaya di ko masyadong nakikita 'yung na sa malayo.

Para akong nabuhayan ng loob nang biglang nag ring ang phone at sinagot niya na ang tawag. Hoo God,  Finally she answered after a hundred years of waiting!

“Hey, Hi Zeda where are you? Let's go shopping. G ka ba?” Tanong ko agad as soon as she picked up the call.

Natagalan muna siya bago nagsalita sa tawag. Parang may kinakausap pa bago ako kinausap. I heard men voices sa kabilang linya kaya napakunot noo ako.

“Hi, sige sige. Sure pero uuwi agad ako ha. Bawal akong gumala gala ngayon dahil sa sitwasyon namin.” Sagot niya.

I waited a couple of minutes in the parking lot and it felt so uncomfortable. I can feel that someone was watching me from afar. Kinakabahan na akong naghihintay mag isa sa labas ng kotse ko. Sobrang tahimik talaga ng parking lot, walang ka tao-tao. Its just me and those cars. Hindi rin ako pwedeng tumambay sa loob at baka ma-carnap pa ako. Hindi ko nga alam kung parking lot ba 'to o abandoned place.

I hugged myself when I felt some cold wind blowing, touching my skin. Napalingon-lingon ako sa paligid at nagmamadaling naglakad papunta sa entrance ng Mall. I can feel someone is following me kaya mas binilisan ko pang maglakaw.

"Fuck!!" I yelled so loud and almost collapsed when someone suddenly hold my shoulder. “What the fuck! fuckin' fuck!” I yelled as I immediately covered my head at napaupo. My voice echoed in the whole parking lot.

“Hey! hey! Calm okay? it's me.” Pagpakilala ni Zeda sa'akin habang tinatapik ng mahina ang braso ko.

Iniangat ko ang ulo ko sa kaniya habang nanginginig parin ang mga kamay ko. “Bakit ganyan itsura mo. Bakit ganyan ang suot mo?” Tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa suot niya.

Hindi niya na ako sinagot at hinila nalang ako papasok ng Mall. Tumitingin parin siya sa paligid namin habang nagmamadaling naglakad. Para kaming hinahabol ng hindi ko alam, hindi ko maexplain.

When we entered the mall, nawala na yung takot at pagkabalaka ko. Kumalma ako at agad na pumasok sa favorite boutique namin at namili na ng mga bibilhin namin. He looked bothered, lingon pa siya ng lingon sa kahit saan na para bang may hinahanap. Sa tuwing tinatawag ko siya at tinatanong,  tumatango lang siya at ngumingiti.

“Hey, do you like this?” Tanong ni Zeda sa'kin, showing a red and black skirt.

Agad akong tumango at ipinakitaan ng thumbs up. “Yes, I like that red one.” Sagot ko sabay inilagay niya sa basket ko.

Napatalon siya sa tuwa at niyakap ako ng mahigpit nang bilhan ko siya ng paborito niyang bagong labas na palette. Pumili na rin ako ng palette na gusto ko. All their clothes were nice and good na parang gusto ko ng bilhin lahat. 

She was fitting the dress she likes. Sobrang busy naming namimili at nagsusukat when her phone suddenly rang. Agad siyang napatingin sa'akin bago inilipat ang tingin sa phone niya at sinagot ang tawag. Nakaramdam ako ng pagka-uncomfortable nang bigla siyang lumayo sa'akin habang may kinakausap sa Cellphone. Naninibago na talaga ako sa kaniya ngayon. Hindi naman siya ganyan dati. Dati pa nga halos e loud speaker niya na ang phone niya kapag katabi o kasama niya kami.

“Hey Cordelia, mauna na akong umuwi ha” Mahina niyang sabi sa'kin habang nakahawak sa kamay ko. “Tumawag na sa'kin yung ka-business partner namin, may kailan 'daw kaming paguusapan.” Paalam niya saakin.

“Yea it's okay, It's okay and I'll pay for that.” Sagot ko sa kaniya bago siya hinila papuntang counter para bayaran na lahat ng mga napili namin.

“I'm sorry talaga Lia ha. Importante na importante talaga. Thank you again. ” She hugged me so tight and kissed my cheek before she immediately left me in the mall.

Nagmamadali siyang naglakad na may halong takbo. Tingin ng tingin parin siya sa cp. Hindi ko maiwasang magtaka dahil sa mga kinikilos niya. She acts so weird.

Agad na akong umalis sa mall at nagmamadaling pumuntang parking lot para umuwi ng maagi dahil ipagluluto ko pa sa Diego ng dinner. Sira ang ibang mga ilaw ng parking lot kaya medyo madilim talaga akong naglakad. Hindi ko rin mahanap ang kotse ko sa sobrang laki ng parking lot kaya pinindot ko nalang ang susi ko at sinundan ang tunog.

I opened the backseat to put all the dresses that I bought for Kaimi and Baby Kiara. Sigurado akong matutuwa nito si Baby Kiara sa bago kong biniling laruan. Makakapag luto na siya kasama ang daddy na hindi kinukuha ang mga kutsara at kaha sa kusina.

"I'm coming- I'm coming baby Kiara~" Pakanta kong sabi habang sumasayaw ng kaunti.

I was about to open the driver door para magmaneho na papuntang bahay nila Kaimi nang biglang may tumakip ng panyo sa mukha ko. I couldn't shout and I couldn't breathe. Hindi ko maalis ang kamay niya sa pagkakahawak saakin. Parang nahihilo ako sa amoy at nandidilim ang mga paningin ko. Parang nawawalan ng lakas ang buo kong katawan. Sino ba 'to? Ang bakit?

______________________________________

Wild Billionaire's ObsessionWhere stories live. Discover now