“Ano?! Gago ka ba? Hindi ito yung sinabi kong plane na gagamitin natin. Huwag niyo akong ipahiya!” Pabulong na Singhal ni Diego sa Personal assistant niya habang galit na galit na tinuturo ang eroplanong nasa harapan namin.
Napakurap-kurap nalang ako sa sobrang nawe-weirdohan na ako sa kaniya. Sa ganyang bagay, ikinagagalit niya agad? Dahil lang sa eroplanong yan? Hindi naman pangit o sira ah. in fact mas maganda pa ito kaysa mga eroplano ng ibang artista na kilala ko. Hindi rin naman pangit ang kulay at cool pa nga dahil may nakasulat pa niyang pangalan sa gilid.
“Sorry sir. Nag insist kasi si Pilot Guerrero na ito yung gusto niyong gamitin ngayon.” Nanginginig na sagot sa kaniya.
“Pilot Guerrero?”
“Ah, Diego? Kailangan ba talagang sa France pa tayo magsho-shopping?” Singit kong tanong sa kanya agad para maawat silang dalawa.
Hindi ako mapakali. Baka kung saan na aabot ang pagkainit niya ng ulo. Di ba siya nagbibiro? At sino bang gagong pupunta lang sa ibang bansa para lang mag shopping? At sa France pa talaga? pwede namang dito nalang at hindi na namin kailangang bumyahe ng malayo .
“Hindi but LA and France had a nice class of clothes. So just shut your mouth honey if you don't want me to kiss you in front of them until you can no longer breathe and die.” Bara niya agad sa'kin.
Parang gusto kong maglaho na parang bula nang pinagtitinginan na ako ng mga bodyguards at PA niya dahil sa gagong sinabi niya sa'kin. Ayaw ko magmukhang lasing na namumula ang mukha. Hindi niya man lang inisip kung may nakarinig ba sa mga pinagsasabi niya.
“Come here.” Tawag niya sabay hila ng biwang.
When we entered his private plane, his FA was already preparing a drink for us. His plane looks so different kumpara sa passenger plane at sa ibang eroplanong nasakyan ko na. Hindi naman pala pangit para ikahiya niya ito. Gusto ko nga yung style actually. Simple lang at hindi masyadong arte tignan.
“Good afternoon Mr. Callahn and Ms?” Nakangiting tanong ng FA habang nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Diego.
“Ms. Velasquez, Claire”
Tumango lang siya at ngumiti ulit. “It is my pleasure to welcome you aboard Mr. Callahan and Ms. Velasquez.” Magalang niyang pagbati sa amin before she leads us the way.
Pinapasok muna ako ni Diego sa private room para makapag pahinga. Napaka comfy ng kama at malaki ang room. Bakit ba ayaw niya sa eroplanong ito? napaka ganda tignan sa loob at desinte pa. There's a couch, tv, a bed, cabinet, etc. at pwede mo na 'tong materahan kung gugustohin mo.
Humiga muna ako sa kama to relax na nakatihaya lang na parang nasa bahay while listening to the beautiful masterpiece of The weekend. Para akong nasa bahay lang na nakahiga sa kama habang nanonood ng Netflix. Sasabay na lang muna siguro ako sa alon at pakinabangan kung ano ang meron si Diego habang tinutupad ko ang mga plano ko. Hindi naman ako pwedeng magpadalos-dalos lang sa mga desisyon ko. I need to make sure na malinis ang bawat galaw ko. Sobrang bait niya at sweet pero hindi ko alam kung umaarte lang ba siya o hindi.
Napaayos agad ako sa pagkakahiga nang bigla may kumatok ng dalawang beses bago binuksan ang pinto.
“Wine?” Tanong sa'kin ng Flight Attendant while she was pushing the cart and served me a glass of wine.
“No, thanks. Ayaw kong uminom ngayon. Baka makarami ako at malasing na naman ako tapos–”
“Tapos you'll kiss me. Then call me handsome again while pinching my cheeks like a fuckin teddy bear?” Pagdugtong agad sa'kin ni Diego habang naglalakad papasok ng room.
YOU ARE READING
Wild Billionaire's Obsession
RomanceCordelia Velasquez is a successful businesswoman, who is used by her own father to pay off his dept to a wealthy billionaire named Diego Callahan. Can she also avoid facing her fate when she was kidnapped by Diego's twin brother, Dylan Callahan? A c...