Nandito na ako ngayon sa loob ng room ngunit hindi parin maalis sa isipan ko ang nangyari kagabi. Hindi ako nakatulog kakaisip doon.
Bakit nga ba hindi ko maalis sa isipan ko yun? Eh inaccept niya lang naman ako?
Nakita ko namang papasok si Rae at Arya. Gulat silang nakatingin sa akin habang papalapit.
"Anyare sayo, mare? Nakatulog ka ba? Bakit ganyan yung itsura mo?" Tanong agad sa akin ni Rae nang makalapit sila.
"You're so early today. Is there something wrong?" Tanong naman sa akin si Arya at umupo sa aking tabi.
"Nothing happened. I just can't sleep last night." Paliwanag ko at nagpalumbaba.
"Bakit naman? Iniisip mo crush mo noh! Ikaw ha!" Pang-aasar ni Rae sa akin ngunit tinignan ko lang siya ng masama.
"Stop it Rae. There's no time for jokes right now." Suway naman ni Arya. Nagpeace sign lamang si Rae at seryoso nang tumingin sa akin.
"It's just nothing, girls. Don't worry."
"If you have any problems, don't hesitate to tell us, Okay?"
"Alright. Thank you for your concern..." I said as I smiled at them a little.
Umupo na si Rae sa kaniyang upuan at ako naman ay tumingin na lamang sa labas ng bintana habang hinihintay ang first subject namin. Narinig ko naman na nag-uusap ang dalawa kong classmate sa aking harapan.
"Sis! Tignan mo oh! Apat na yung following ni Scott! Sino kaya ito?"
"OMG! Talaga?! Patingin nga!"
Sumilip ako at nakita ko ngang account ni Scott sa IG ang tinitignan nila. Naka private pa rin ito kaya wala silang ibang makita. Mukhang lagi silang naka-abang sa account nito.
"Oo nga noh! Baka girlfriend niya?"
"Girlfriend? Gaga, nakita mo na bang may kasamang babae si Scott?"
"Hmm. Wala pa. Eh maski nga sa bar, hindi pinapansin yung mga lumalapit sa kaniyang babae eh."
"So sino ito?"
"Baka guy din yan. New friend siguro."
"Di naman friendly si Scott eh." The other girl said but her friends just glare at her.
"Nakakapagtaka lang kasi si Isaac, Levi, and Liam lang naman talaga yung finofollow niya?"
"Mamaya beh makiki-chika ako sa iba."
Sakto namang dumating na ang prof. namin kaya nag-ayos na sila. Napa-iling na lamang ako at itinuon na ang attensyon sa harapan.
**********
Lunch na ngayon at papunta na kami sa cafeteria. Habang naglalakad kami ay naririnig namin ang mga bulungan ng ibang estudyante. Tungkol parin ito sa bagong finofollow ni Scott. Hindi ko alam kung bakit big deal sa kanila ito.

YOU ARE READING
Badly Hurt (Tyrant Series #1)
RomanceReeve Trinity, a young woman who leaves her peaceful life in London to study in the Philippines. Her quiet world takes a dramatic turn when she meets Matthew Scott, the charismatic and enigmatic leader of the Tyrant Four-her brother's best friend. A...