Chapter 23

4.9K 110 33
                                    

"I... I love you too, Scott." I said slowly.


Napansin ko naman natigilan siya dito at napaawang ang labi. Natawa naman ako sa naging reaksyon niya at tuluyan nang tumayo. Hindi na niya ako napigilan dahil tulala pa rin siya. Napakurap pa siya ng ilang beses pagkatapos ay tumayo na din at humarap sa akin. Tumingala naman ako sa kaniya dahil nga hanggang baba niya lang ako. 


"Really? You love me?"


"Yes." Natatawang sagot ko sa kaniya. Ang cute niya kase, para siyang bata na sobrang tuwa.


"So... we're together now?" He asked.


"Hmm." Kunyari ay nag-iisip pa ako ngunit kalaunan ay tumango.


Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin ng sobrang higpit pagkatapos ay hinalik-halikan ang ulo ko ng ilang beses. Nang hawakan niya ang pisnge ko ay nakita ko kung paano siya kasaya. His eyes are shining while widely smiling at me. Hinalikan niya ng ilang beses ang noo ko.


"Fuck, I love you so much."


"I love you too..."


Dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang labi sa akin. Parang sasabog ang puso ko nang maramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa akin. His kisses are full of love and passionate. Maya-maya ay unti-unti nang humiwalay ang aming mga labi. He rested his forehead to mine while breathing heavily.


Dahan-dahan siya lumayo sa akin at hinawakan ang aking kamay. Nandoon pa rin ang ngiti sa labi niya at ganon din ako.


"Let's go. We only have 5 minutes until the lunch break ends."


Sabay naman kaming lumabas nang magkahawak ang kamay. Nang may makita akong mga estudyante ay agad ko nang binitawan ang kamay niya at napayuko nalang. Nagtataka naman siyang lumingon sa akin pero inabot niya ulit ang kamay ko and he intertwined our hands. Napansin ko namang napatigil ang ilang estudyante nang mapadaan kami sa kanila.


Nang makarating kami sa tapat ng room ko ay saka niya lang binitawan ang kamay ko at ibinigay ang bag ko. Nagulat naman ako nang bigla niyang hinalikan ang noo ko at saka nangpaalam sa akin. Tulala naman akong pumasok sa loob at umupo sa upuan ko.


"HOY! What is the meaning of that?! Bakit may paghalik sa noo?!" Malakas na saad ni Rae.


Agad silang lumapit sa akin at hinintay ang isasagot ko. Napaiwas naman ako ng tingin at medyo nailang dahil napansing kong nakatingin din dito ang ilan namin kaklase. Sinenyasan ko silang lumapit upang ibulong nalang sa kaniya.


"Kami na ni Scott." Bulong ko sa kanina.


"HA?! KAILAN?! SAAN?! BAKIT?!" Sunod-sunod na tanong ni Rae na agad namang pinatahimik ni Arya.


"Kanina lang. He was actually courting me this past few weeks and kanina ko lang siya sinagot." I explained to them as I felt my cheeks burning.

Badly Hurt (Tyrant Series #1)Where stories live. Discover now