Chapter 22

5.1K 143 31
                                    

It's been so many days since Scott confessed. Ever since that night, mas naging malapit si Scott sa akin. Kapag lunch break namin ay sila ang kasama namin pati na rin sa uwian ay hinihintay niya ako sa tapat ng building or room namin. Alam kong napapansin na din ito ni Rae at Arya pero wala silang sinasabi o tinatanong sa akin tungkol dito.


Pati ako ay hindi pa rin makapaniwala, hanggang ngayon, sa mga sinabi niya sa akin nung araw na iyon sa loob ng sasakyan niya.


*flashback*

"I like you- no... not just that... I love you, Trinity."


Napatulala nalang ako sa kaniya habang pinoproseso ang sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat. Nasa pisnge ko pa rin ang dalawang kamay niya habang pinagmamasdan ang reaksyon ko.


"You don't have to answer that. I just want to let you know about what I feel, and I'm willing to wait for you."


Hinalikan niya muna ang aking noo bago inalis ang mga kamay sa pisnge ko. Lumayo na siya ng konti at umayos ng upo. 


"Now, get inside." He smiled at me gently.


Napakurap pa ako ng dalawang beses bago binuksan ang pinto ng sasakyan niya at lumabas. Nang nasa harap na ako ng gate namin ay lumingon ako sa sasakyan niya. Nandoon pa rin siya at alam kong nakatingin siya sa akin kahit hindi ko siya makita dahil tinted ang sasakyan niya. Pumasok na ako at dumiretso sa tapat ng pintuan namin. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita kong nakasilip ang ibang maid sa may bintana at nagtutulakan sila doon. 


Nang makapasok na ako ay saka ko narinig ang pagharurot ng sasakyan ni Scott paalis. Lumingon naman ako sa mga maid at nakitang nagulat sila nang mapansin nila ako. Agad naman silang umayos ng tayo at yumuko. Hindi ko na sila pinansin at dumiretso na sa aking kwarto.

*end of flashback*


"Hello? Reeve! Hoy! Tulala ka nanaman!" 


I got back into my senses  when Rae shaked my shoulder. Nasa room kami ngayon at hinihintay ang susunod na prof. Nagtataka naman silang dalawa na nakatingin sa akin.


"Ano bang nangyayari sayo? Lagi ka nalang tulala." Sabi ni Rae habang pinaglalaruan ang kaniyang ballpen.


"And sometimes you are smiling by yourself. That's creepy, Reeve." Dagdag pa ni Arya kaya natawa si Rae.


"What? I'm not smiling." I said as my brows furrowed.


"I already caught you so many times. Don't deny it, Reeve." Nag-apir naman silang dalawa dahil alam nilang totoo ang sinabi ni Arya. Hindi naman ako nakasagot at yumuko nalang. Mas natawa pa silang dalawa nang makita nila akong namumula kaya agad ko namang tinakpan ang mukha ko.


"Agie. Ang Reeve namin, inlove." Rae said with her teasing tone. 


"What? I'm not, Rae." I told her.


"Deny ka pa kahit halata naman." Sumbat naman ni Arya.

Badly Hurt (Tyrant Series #1)Where stories live. Discover now