Chapter 17

5K 129 21
                                    

"Damn it..." I heard him whispering to himself.


"What?" Tanong ko habang nagtatakang nakatingin sa kaniya.


"Nothing. Let's go." He looked away. Nauna na siyang naglakad sa pila ngunit napansin kong namumutla pa rin siya. Nakatingin lang siya sa may poster habang malalim ang iniisip. 


Siya na ang nagbayad sa ticket naming dalawa at pumasok na kami sa loob. Masyado na ding  madaming tao dahil mukhang bago talaga ito. Nakabili na kami ng popcorn at maiinom pagkatapos ay naghanap na kami ng mauupuan. 


Umupo kami sa bandang gitna at hinintay na magsimula. Hindi ko alam kung bakit pero tulala pa rin si Scott hanggang ngayon.


"Are you sure your okay?" I asked him. 


Sinilip ko ang mukha niya dahil nakayuko lamang siya habang hawak-hawak ang 3D glasses. Unti-unti naman niyang inangat ang kaniyang ulo at tumingin sa akin.


"I'm fine, Trinity." Sagot niya gamit ang kaniyang malalim na boses.


"O-Okay. Just tell me if you're not feeling well. We could just go home." Nauutal kong sabi sa kaniya.


Bigla kaming nakarinig ng tunog na galing sa screen at nagsimula na. Sinuot ko na yung 3d glasses at sumulyap kay Scott ngunit nakita ko lamang siyang nakatingin sa kaniyang 3d glasses.


"Aren't you gonna wear that? Magsisimula na ang palabas." I whispered to him.


Tumingin muna siya sa akin saglit at napabuntong hininga. Kalaunan ay sinuot na rin niya ang 3D glasses kaya napangiti ako sa kaniya. Itinuon ko na ang atensyon ko sa palabas at umayos ng upo para maging komportable.


Nang nasa kalagitnaan kami ng panonood ay puno ito ng tawanan.


"Look she's about-"


Natigil ako sa pagsasalita ng mapatingin ako sa katabi ko. Nakapikit ang mga mata ni Scott habang ang kanyang kanang kamay ay nakadantay sa handrest ng upuan at hawak ang kaniyang ulo bilang suporta.


Is he sleeping the whole time?


Natawa nalang ako ng mahina habang pinagmamasdan siyang nakatulog at suot-suot pa ang 3D glasses. Hindi na ako nakapag-concentrate sa panood dahil napapatingin ako lagi sa katabi kong natutulog.


Hanggang sa natapos na nga ang palabas at nagsisilabasan na ang mga tao. Hindi ko pa rin ginising si Scott pero kusa na siyang gumising at tumayo na parang walang nangyari.


Sumunod na ako sa kaniya palabas habang pinipigilan ang aking tawa. Habang papalabas kami ay kinakamot pa niya ang kaniyang mga mata.


"How's the movie?" I asked him while hiding my smirk.


"It was good. I would probably watch it again," He said huskily, halatang kagigising lang.


"Really? Then let's watch it again sometimes." I said as I smiled widely. Bigla naman siyang natigil sa paglakad ang dahan-dahang tumingin sa akin.

Badly Hurt (Tyrant Series #1)Where stories live. Discover now