"Hi Scott." Sabi ng babae ngunit hindi siya pinansin ni Scott sa halip ay nilingon ako nito at walang pasabi na hinila ako palayo doon.
Narinig ko pang tinatawag siya ng babae ngunit hindi siya nito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad habang hawak ang kamay ko. Sumilip ako sa mukha ngunit blangko pa rin ito.
Hanggang sa makarating kami sa tapat ng room ay saka niya lang binitawan ang kamay ko at inabot sa akin ang bag ko.
"Who is she?" I asked him pero umiling lang siya.
"She's just no one, love."
Naguguluhan man ay tumango nalang ako. Yumakap siya sa akin at hinalikan ang noo bago ako pumasok sa loob. Nang makapasok ako sa loob nakarinig ako ng ilang bulungan na galing sa mga kaklase ko.
"Bumalik na daw si Harley?"
"Oo! Nadaanan namin siya sa tapat ng building nila Scott."
"Ang ganda pa rin niya hanggang ngayon noh?"
"Tumpak ka jan sis! Sayang sila ni Scott noh? Bagay pa naman sila."
"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na magagawa niya yun kay Scott noon."
"True! She looks so innocent!"
Nakita ko namang nagtanguan sila. Nang mapansin nilang nakatingin ako sa kanila ay agad naman silang nag-iwasan ng tingin. Nagtuloy ako sa upuan ko at nakita doon sila Rae at Arya na nag-uusap.
"What's happening? Bakit parang may something ngayong araw na ito?" tanong ko sa kanila. Agad naman silang napalingon sa akin at ngumiti na parang kinakabahan.
"Ahh. Kase..." Tumaas ang isang kilay ko habang hinihintay ang saabihin ni Rae pero nakatingin siya kay Arya.
"Harley is back. Scott's ex-girlfriend." Pagtuloy niya sa sinasabi ni Arya.
"Ex-girlfriend?" Dahan-dahan namn silang tumango habang tinitignan ang reakyon ko.
The girl earlier? Na kaklase nila Scott?
"W-What happened to them? Why did they break up?"
"Nag-cheat daw si ate girl. Nahuli daw na may kahalikang iba sa tapat ng condo niya." Paliwanag ni Rae.
Tumango naman ako at napaisip. Break naman na sila. Hindi naman na siguro magiging problema yun. Pero bakit parang may mali? Somethings wrong with that girl. I can feel it.
Napatingin ako sa pintuan ng bigla ito magbukas at pumasok si Aretha. Agad naman siyang napatingin sa direksyon ko at ngumisi. Naglakad siya palapit pero hindi tumigil sa akin, sa halip ay nagdire-diretso lang siya at dinaanan ako per nandoon pa rin ang ngisi sa labi niya.
"Harley is back, guys. Bantayan niyo na yung mga boyfriend niyo at baka maagaw." Malakas na saad niya at tumawa naman ang kasama niyang babae.
YOU ARE READING
Badly Hurt (Tyrant Series #1)
RomanceReeve Trinity, a young woman who leaves her peaceful life in London to study in the Philippines. Her quiet world takes a dramatic turn when she meets Matthew Scott, the charismatic and enigmatic leader of the Tyrant Four-her brother's best friend. A...