Chapter 16

5.3K 126 13
                                    

"OMG! Sana sila Scott nga!"

"Dapat ngayon na tayong magmeeting!"

"Excited na ako!"

"Makakasama nating ang tyrant four! OMG!"


Bigla nang umingay nang marinig nila na kung sino ang makakasama namin sa booth.


At kasama na doon si Rae sa mga sumigaw.


"OMG! Baka makasama natin sila Isaac!" Malakas na saad ni Reeve habang hinihila si Arya sa may braso pero iniirapan lang siya ni Arya.


"Quiet, everyone!" Sigaw ni Prof kaya natahimik na pero ang iba ay naghihikgikan pa rin.


"I will just call for a meeting later so wait for your names to be called," she said and we proceed to our class.


*******


Free time namin ngayon so naisipan naming pumunta muna sa Library. I was supposed to be the only one who will go to the library but Rae insisted that they will come with me. Hindi na ako magtataka kung pati si Arya ay sasama sa akin kasi alam kong mahilig siya sa libro. Pero si Rae? Ewan ko nalang.


Tahimik lang kaming tatlo habang ako at si Arya ay nagbabasa. Si Rae naman ang nakapalumbaba sa lamesa habang nilalaro ang kaniyang ballpen. Ilang beses pa siyang napabuntong hininga at sumusulyap-sulyap sa amin.


"Matagal pa ba kayo jan?" Tanong niya sa amin.


"Rae, wala pang 20 minutes nang makapasok tayo dito." Sagot ni Arya habang nakatingin parin sa kaniyang libro na binabasa.


"Balak niyo bang mag-stay dito ng isang oras?" Tanong ulit ni Rae na mukhang nababagot na. Alam kong hindi madalas na pumupunta dito si Rae dahil mas gusto niyang mag-aral sa apartment niya kesa dito na maraming estudyante.


"I don't know. Maybe, wala naman tayong gagawing iba eh." I told her.


"Do you want to do something else?" Tanong ni Arya at tumingin kay Rae.


"Wala naman. Sige, ituloy niyo lang yang binabasa niyo." Nahihiyang sabi ni Rae sa amin.


"Do you want me to recommend you some books to read?" Tanong ko naman.


"Nako! Wag na sis. Hindi naman ako mahilig sa libro eh." 


"Really? Oh... Mahilig pa naman si kuya sa libro and he also told me that he likes girls who's studious." Sabi ko naman at napailing-iling. Bigla namang lumaki ang mga mata ni Rae at hinawakan ako sa braso at pinaharap sa kaniya. 


"Actually mahilig talaga ako sa libro sis. Ang dami kong ngang libro sa bahay eh. Tapos umabot pa ako ng madaling araw kaka-review. Hays, sanay naman na ako eh, lagi kasi gabi-gabi kasi akong nag-a-advance reading." Mabilis na saad niya.

Badly Hurt (Tyrant Series #1)Where stories live. Discover now