Hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Scott kahapon. Wala na siyang ibang sinabi bukod doon kahit tanongin ko pa siya. Umiiling lamang siya kapag tinatanong ko. Umalis din kami nang matapos na ang lunch break.
"Nagdidilim talaga ang mata ko kapag nakikita kong ang babaeng yun pati yung mga alipores niyang sila Aretha!" Malakas na saad ni Rae habang masama ang tingin sa kawalan.
Nag-uusap lang ulit kami dito sa room habang hinihintay ang susunod na prof. namin. Kanina pa salita ng salita dito si Rae tungkol sa nangyari kahapon ng lunch.
"Hindi ba siya nahihiya kahapon? Nakita niyang nandoon ang girlfriend tapos ganun sasabihin niya? Hindi niya ba alam ang salitang past is past? Ang lantod!" sunod-sunod na sabi ni Rae.
"Hey, relax. Ang puso mo." Ani Arya at hinawakan ang dibdib ni Rae.
"Kung ako talaga si Reeve kahapon, pinaalis ko siya sa cafeteria. Bwiset siya nanggigigil ako sa kaniya." Muling sigaw niya. Tumingin naman sa akin si Arya at napabuntong-hininga.
"You should talk to her."
"Why?"
"I think she still likes Scott. To make things straight, tell her that she should stop what she's trying to do. Scott is already in a relationship with you and she should respect that." Aniya
Tumango-tango naman si Rae na sumangayon sa sinabi ni Arya. Napatingin naman ako sa kawalan at nag-isip. Then I will talk to her. Privately.
********
Kakalabas ko lang galing sa CR. Hindi na ako nagpasama kila Rae dahil saglit lang naman ako at may ginagawa din kasi sila kaya ako nang ang mag-isang lumabas. Tumangin ako sa paligid at naking wala pang estudyanteng lumalabas. Hindi pa kasi tapos ang mga klase.
Napadaan ako sa building ng mga 2nd year at nakita doon si Scott na palabas ng room nila. Kakaway na sana ako at tatawagin siya ngunit nakita kong lumabas din si Harley at sumunod sa kaniya habang tinatawag siya. Hindi siya pinansin ni Scott at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad. Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko at nawala ang ngiti.
Seryoso ko lang silang sinundan ng tingin hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. Bigla akong nakaramdam ng sakit sa dibdib ko pero hindi ko alam kung bakit. Napailing nalang ako at akmang babalik na sa room nang biglang may magsalita sa bandang likod ko.
"It hurts right? Seeing him with someone else." Aniya habang nakatingin sa kawalan. Lumingon naman ako sa kaniya habang nakakunot ang noo.
"What do you mean?"
Bumaling siya sa akin at biglang ngumiti. Inakbay niya ang isang braso sa akin at isinama sa paglalakad patungo sa room. "Nothing. Let's go! Anjan na yung susunod na prof."
"Then why are you here outside?" I asked him as my brows furrowed.

YOU ARE READING
Badly Hurt (Tyrant Series #1)
RomanceReeve Trinity, a young woman who leaves her peaceful life in London to study in the Philippines. Her quiet world takes a dramatic turn when she meets Matthew Scott, the charismatic and enigmatic leader of the Tyrant Four-her brother's best friend. A...