Chapter 39

5.8K 123 23
                                    

Bigla ako nagising dahil sa isang malakas na sampal. Mariin akong pumikit dahil sa sakit ng sampal na iyon. Medyo masakit din ang ulo ko.


"Wake up, bitch!"


Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at ang una kong nakita ay ang puting kisame. Kumurap ako ng dalawang beses para mas luminaw ang paningin ko. Tatayo na sana ako sa pagkakahiga ngunit hindi ko maigalaw ang paa at kamay ko. Pagkatingin ko dito ay nakatali ang mga ito.


"Finally, you're awake."


Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Aretha na nakatayo sa galid ng kama ko habang naka-cross ang mga kamay. Nagtaas siya ng isang kilay habang nakatingin sa akin.


"Aretha? What am I doing here?"


"Are you dumb? Of course, we kidnapped you!"


Napatingin ako sa may pintuan ng bigla itong bumukas at lumaki ang mata ko ng makita si Shawn na pumasok sa loob.


"S-Shawn?"


Umiiwas siya ng tingin sa akin habang palapit siya kay Aretha. May ibinulong siya dito at nakita ko namang umirap si Aretha.


"W-What's happening? Bakit kayo magkasama?" I asked again.


"Can you shut up muna? Nakakairita yang boses mo eh!" malakas na saad niya.


Your high pitch voice is more irritating!


Inirapan ko lang siya at nakita ko namang napanganga siya doon.


"How dare you rolled your eyes to me?!"


"Why? Is it forbidden?" I said as I raised my brow at her.


"You-! Pasalamat ka hindi kita pwedeng saktan dahil kay mama!"


"Who's your mom? The woman that talked to me at the parking lot?"


Walang nagsalita sa kanila dahil siguro hindi nila inexpect na malalaman ko kaagad yun. Duh! I'm not stupid!


"Hm. She's indeed your mom. Your both crazy."


"You bitch!"


Akmang sasampalin niya ako pero hindi iyon natuloy dahil bigla unlit bumukas ang pintuan at pumasok doon ang matandang babae na kumausap sa akin sa party at sa parking lot. Nakatingin siya sa kamay ni Aretha na nanatiling nakaangat dahil natigilan din siya. Lumaki ang mata ng matanda at agad na lumapit sa amin.


"Anong ginagawa mo Aretha?! Sinabi kong wag mong sasaktan ang anak ko! Kapatid niyo yan!" Mas lalong lumaki ang mata ko sa sinabi niya habang si Aretha naman ay umirap lang.


"Ma! She's not our sister! She's not even your daughter!"


Badly Hurt (Tyrant Series #1)Where stories live. Discover now