Hindi muna ako umuwi sa bahay dahil ayoko namang makita nila akong ganito. At gusto ko munang makapag-isip. I decided to go to the club just for tonight, pero uuwi din naman ako kapag medyo okay na ako.
Pagkapasok ko ay agad kong narinig ay malakas na tunog sa Socialwise, the name of the club. Medyo marami ding tao ngayon ang nandito. Dumiretso ako sa counter at nagorder ng margarita. Umupo ako sa bar stool habang hinihintay ang inumin.
Habang iniisip ko ang lahat ng nangyari ngayon ay mas lalong sumakit ang ulo ko. Imagine, I caught my boyfriend with his ex in his condo and then I saw my dad with another woman in a restaurant. I felt like I was killed multiple times.
Scott...
Is that why he didn't even text me? Because they were together all the time? Did he fell in love with her again? What about me? I have so many questions in my mind right now that I want to tell him. Pero ayoko muna siyang kausapin. Gusto ko munang pakalmahin ang sarili ko at mag-isip kasi kung ipipilit naming magusap ngayon ay mas lalo kaming hindi magkakaintindihan.
I want to know his explanation earlier pero napangunahan ako ng takot. I was very hurt by what I saw. There are many scenarios that are running in my mind at that time.
My dad...
Hindi ko alam kung bakit siya may kasamang babae doon. Gusto kong isipin na baka ka-meeting niya lang yon and it's for business. Pero nang makita ko ang magkahawak nilang kamay ay nabura ang palaisipan kong 'yon.
Alam na ba ni mom kaya para silang nagsasagutan kanina? But I don't understand. They're just okay the other day. Bakit biglang naging ganun?
"Hi, miss. Are you alone?" Naputol ang pag-iisip ko nang may lumapit sa aking lalaki at kumausap sa akin. Wala ako sa mood makipag-usap ngayon sa kung sino-sino. Inirapan ko siya at itinuon ang atensyon sa inumin ko.
"No, I'm not alone. Leave." Mariin kong sumbat sa lalaki.
"Sungit mo naman, miss. Gusto lang naman kitang maka-usap." Akmang hahawakan niya ako pero may kamay na pumigil sa kaniya bigla. Lumingon ako at nakita ko si Shawn na masama ang tingin sa lalaki.
"She's with me. Now, get the fuck out of here."
Wala nang nagawa ang lalaki at naglakad na palayo sa amin. Umupo naman si Shawn sa katabi kong bar stool at kumuha din ng maiinom niya.
"Kanina pa kita nakita dito. But I didn't come closer kasi it seems like you want to be alone." Aniya. Tumingin naman ako sa kaniya at ngumiti ngunit hindi iyon umabot sa mga mata ko. Mukhang napansin niya ito at kumunot ang noo. "Do you have a problem? Where's Scott? Nag-away ba kayo?" sunod-sunod niyang tanong.
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya ang dahilan kung bakit ako nandito. He stared at me with his worried face while waiting for what I will say.
"If you're not comfortable telling me, it's okay. I won't force you," he said gently and drink on his vodka.

YOU ARE READING
Badly Hurt (Tyrant Series #1)
RomantikReeve Trinity, a young woman who leaves her peaceful life in London to study in the Philippines. Her quiet world takes a dramatic turn when she meets Matthew Scott, the charismatic and enigmatic leader of the Tyrant Four-her brother's best friend. A...