Chapter 21

5.2K 146 16
                                    

Today is Monday and I'm currently having my lunch with Rae and Arya. Halos lahat din ng estudyante ay naglulunch dito kaya maraming tao. Kasama na doon ang Tyrant 4 na nasa harap lang namin at kumakain din. Tahimik lamang ang tatlo habang si Levi lang ang salita ng salita tulad ng laging nangyayari. Si Liam ang sa tingin ko ay talagang nakikinig dahil patawa-tawa pa ito habang nakatingin kay Levi ngunit ang dalawa pa nilang kasama ay parang walang pakealam sa mundo.


"Hoy! Ano ba yang tinitignan mo jan? Kanina pa kita kinakausap." Napaiwas ako ng tingin sa apat dahil bigla akong kinalabit ni Rae. Tumingin muna siya sa akin at saka tumingin sa table ni Scott. Nawala ang pagkakunot ng noo niya at napalitan ito ng ngisi. "Aba aba! Bakit ka nakatingin sa kanila ha? May gusto ka sa isa sa kanila noh!"


My eyes widened as I turned my head to her. I quickly shook my head and waved my hand as a no. "What?! Of course not."


Ngunit parang hindi pa rin naniwala sa akin si Rae. Tumingin siya sa table nila Scott at pinagmasdan ang mga ito.


"Hmmm. Sino naman kaya ang gusto mo sa kanila? For sure hindi si Isaac kasi magkapatid kayo. Hindi din naman si Liam kasi babaero yun. Mas lalong hindi si Levi alam kong hindi mo type ang gagong yun. Si Sco-" 


Nagtaka naman ako ng bigla siyang tumigil sa pananalita at dahan-dahang lumingon sa akin na parang gulat na gulat.


"O to the M to the G! Si Scott noh! Siya gusto mo noh! Sinasabi ko na nga ba, Reeve Trinity!" Pareho kaming nagulat ni Arya nang biglang sumigaw si Rae at napatayo pa ito. Napayuko nalang ako sa hiya dahil napansin kong nakatingin na ang iba sa amin. 


"Sit down, Rae. Ano ba, nakakahiya ka." Pagsita ni Arya.


Nang ma-realize ni Rae ang ginawa niya ay napatingin pa siya sa paligid at nahihiyang ngumiti sa mga nakatingin. Dahan-dahan siya umupo atsaka hinawakan ang mga balikat ko. Nandoon pa rin ang mga ngiti sa kaniyang labi.


"Si Scott ang gusto mo diba? Naku sis, wag mo nang ideny. Huling huli ka na!"


"Uhm... I-I don't know.." I said.


Napakunot nanaman ang noo niya sa sinabi ko. It's true that I don't know what I feel about Scott. It's an unfamiliar feeling. When I look at him, when he talks to me, even when he just starts to walk towards me and take care of me, my heart starts to throb. I haven't felt this feeling before, that is why it is very unfamiliar. 


I'm not sure if I'm still seeing him as a friend or... more than that.


"Ha? Anong hindi mo alam?" Tanong ni Rae.


"I don't know what I feel about him," I answered her.


"Pwede ba yun? Pero-"


"You're confused." Biglang sumabat si Arya kaya napatingin kaming dalawa sa kaniya.


"What do you mean?"


"Hindi mo maintindihan ang nararamdaman mo. May nararamdaman kang kakaiba para sa kaniya pero hindi mo alam kung ano ito." Pagpatuloy niya.

Badly Hurt (Tyrant Series #1)Where stories live. Discover now