Maaga kaming pumasok ni Kuya para makapaghanda na sa booth. We decided na sabay pumasok kasi wala naman nang problema dun. Dumiretso na kami sa room nila kasi nandoon lahat ng mga gamit. May mga nandoon na rin at maagang pumasok kaya hindi na kami nahirapan sa pag-aayos.
"Reeve, kapag kumpleto na sila Isaac pagpalitin mo na agad sila ng damit ha." Bilin sa akin.
Wala na akong nagawa kundi tumango sa kaniya. Alam ko namang naiilang sila sa kapatid ko kaya hindi nila magawang kausapin. Siguro kung kailangan talaga o kaya ay konting pakiusap, saka lang nila lalapitan. Pero kadalasan ay sa akin talaga nila sinasabi.
Maya-maya ay dumating na din ni Rae at Arya kaya tumulong na agad sila. Inilibot ko naman ang tingin ko sa buong room at hinanap sila kuya. Nakita kong dumating na din si Levi at Liam ngunit si Scott ay hindi ko pa nakikita.
"Hey. Dumating na ba si Scott?" Tanong ko kila Rae.
"Huh? Hindi pa ata. Hindi ko pa nakikita eh." Pagsagot ni Rae. Lumapit naman ako kila Levi at tinanong din sila.
"Uy, Reeve!" Bati sa akin ni Levi nang makita ako kaya tinanguan ko siya.
"Hindi pa ba dumadating si Scott?" Tanong ko sa kanila. Nagkatinginan naman sila ni Liam at sabay na umiling.
"Hindi pa pero baka parating na rin yun sabi niya kasi sa amin kanina papunta na siya, may dinaanan lang." Paliwanag naman ni Levi at tumango naman ako bilang pagtugon.
"Why? Did you miss him already?" Pag-aasar naman ni Liam at ngumisi silang dalawa ni Levi.
"What? Of course not! Hmm! Ito na mga damit niyo! Magbihis na nga lang kayo!" Malakas na saad ko. Binato ko sa kanila ang mga damit nila atsaka dali-daling naglakad palayo sa kanila.
"Asus! Oo nalang Reeve!" Rinig kong sigaw sa akin ni Levi.
Pagkaraan ng ilang minuto nakita ko na si Scott na pumasok sa room at mukhang nagmamadali pa. Suot na rin niya ang damit niya na kailangan niyang isuot. Tumingin siya sa paligid na parang may hinahanap at nang dumapo ang tingin niya sa akin ay agad naman siyang lumapit.
"Bakit ngayon ka lang? They're waiting for you kanina pa." I told him while glaring at him pero nginisian niya lang ako.
"They're the one who's waiting or... you?" He said as he crossed his arms while smirking. Naramdaman ko namang uminit ang pisnge ko sa sinabi niya at umiwas ng tingin sa kaniya.
"W-What are you t-talking about? Who said that I was waiting for you?" I almost curse as I stuttered. Narinig ko siyang tumawa ng mahina and he put his hands on top of my head.
"I'm sorry for making you wait. I just accompanied my mom to the mall." He smiled softly as he shuffled my hair.
"Y-You don't have to explain." Naiilang kong sinabi sa kaniya.
YOU ARE READING
Badly Hurt (Tyrant Series #1)
RomansaReeve Trinity, a young woman who leaves her peaceful life in London to study in the Philippines. Her quiet world takes a dramatic turn when she meets Matthew Scott, the charismatic and enigmatic leader of the Tyrant Four-her brother's best friend. A...