09

105 6 0
                                    


Gift

SA nagdaang araw ay palagi na naman akong pinupuntahan ni Mommy sa condo para sumbatan. Balik na naman kasi ako sa pagtakas. Si Jauncy naman ay parang walang pakialam habang nagsusulat sa yellow paper.



"Aling Elda told us that you always spend your night not in here! Saan ka ba nagpupunta-punta? Jusko Xierl! Baka mabuntis ka pa ng kahit kanino diyan!"



"Hindi naman ako mabubuntis dahil hindi rin naman ako kahit kung saan-saan lang nagpupunta, My."



"Ewan ko sa'yo, Xierl! Gumaganito ka pa kasi hindi pa kayo kasal ni Jauncy! Kapag kasal na kayo hindi ka na pwedeng maglakwatsa!"



Tahimik lamang na nanonood sa amin si Aling Elda. Nang magtagpo ang mga mata namin ay agad siyang umiwas ng tingin, mukhang natatakot sa akin.



E, ano ba kasing gusto nila? Ang palagi na lang magkulong dito? I also need freedom! Bakit kapag si Jauncy ang umaalis ay wala namang nagre-report? Pero kapag ako, ang damit satsat?



"Saan ka ba kasi galing?" Jauncy asked after Mommy left.



"Pake mo?" I coldly replied.



Agad akong pumasok ng kwarto at nagtalukbong sa kumot. Hindi mawala sa isip ko ang ngiti ni Ayen sa larawan nila kasama ang fiancé niya. In that picture, they're obviously in the Europe already. At yung nakapagpadurog sa parte ko ay naghahalikan sila sa larawang 'yon. At kahit magkadikit ang mga labi nila ay hindi nawawala ang malaking ngiti ni Ayen.



Good for her. Mukhang nagustuhan niya na ang lalaki. Halata naman kasing masaya na siya ngayon.



Nararamdaman ko ang pagdausdos ng maiinit na luha sa pisngi ko. Nagpipigil naman akong mapahikbi. Tangina. Mahal ko pa rin pala talaga si Ayen.



"What's your problem?"



Napatigil ako. Dahan-dahan akong nagpahid ng luha bago inalis ang kumot sa buong katawan ko.



"Ano nga 'yon?" paos kong tanong.



"Problema mo? Look, I'm not concerned. I'm just disturbed with you acting like this," defensive niyang tugon.



Hindi ko tuloy alam kung matatawa na lamang ba ako o balewalain na lang ang naging reaksyon niya.



"Hindi ko naman sinabi ah na concerned ka. At bakit naman kita maiisturbo? If you want peace of mind then mind your own business."



"Gusto mong tumakas sa araw na 'to?"



"H-Ha?" naguguluhan kong tanong.



"I can help you. Ihahatid kita sa kaibigan mo at may pupuntahan rin akong iba. Kung gusto mo lang naman."



Bigla akong napaisip. May pupuntahan siyang iba? Probably his girlfriend. Sobrang nakakakonsensya. Pakiramdam ko ay inagawan ko ng oras ang girlfriend niya. Kaya as soon as possible ay dapat maitigil na ang lahat ng 'to. Ang daming nadadamay.



"Sure ka?" paninigurado ko.



"Yup. Just text me if you already want to go home."



Tahimik kami sa loob ng sasakyan. Ni isa ay walang nagsasalita. Gusto ko sanang magtanong pero ayaw bumuka ng bibig ko. Hanggang maihatid niya na ako kina Cyrill. Nakapag-usap lamang kami nang magpaalam na siyang mauuna muna.



Claiming the Opposite ✔Where stories live. Discover now