Ps. If you escaped the Prologue part, then read it first before reading this chapter :)Twice
FINALLY, I'm home. Natutuwang sinalubong kami ng parents ko. Nakakagaan lang ng puso na okay na kami. They sincerely apologized to me everytime we see each other through video call.
"They have the same eyes with his father," Daddy muttered.
"Of course, po! Daddy Cyrill and I were blood related so it's possible na namana ko my physical looks either with Mommy or my Daddy!"
I swallowed hard. Makahulugang napatingin sa akin si Mommy. They already knew that Cyrill is not the biological father of Xiency. They knew that Jauncy is the real father of my daughter.
"Xierl, naaawa rin ako kay Jauncy. Karapatan niyang malaman ang totoo," bulong ni Mommy habang pinagmamasdan si Cyrill na nakikipaglaro kay Xiency.
Nasabi ko kasi kay Mommy ang nangyari kahapon nang sunduin namin si Cyrill sa airport. Hindi ko alam kung bakit natutuwang napapalakpak pa si Mommy nang sabihin kong nagkita ang mag-ama sa unang pagkakataon.
"Wala pa sa isip ko, My. Hindi pa ako handa sa maaari niyang gawin. Paano kung ilayo niya sa akin si Xiency? Mas mapera sila kaya hindi imposible."
"Pwede niyo namang pag-usapan ang mga magiging desisyon niyo. Baka nga aalukin ka pa niya ng kasal kapag malaman niyang may anak kayo."
My forehead creased.
"My, may Cyrill na ako. Saka may nililigawan na rin siya. Okay na kami sa buhay namin ngayon. Kinalimutan ko na ang kung anumang meron kami noon..."
I captured a stolen shot of Cyrill and Xiency. Maingay silang naglalaro habang nagtatawanan. I uploaded the video in my Instagram account and captioned it happiness.
May mga agad na nag-comment.
I'm so thankful to have Cyrill. Yung pakiramdam na, bakit maghahanap pa ako ng iba kung nasa tabi ko na? Siya lang yung hindi marunong mang-iwan. Kaya napamahal na rin talaga ako sa kanya, hindi lang bilang kaibigan. Yes, he confessed to me that he's in love with me already before Jauncy came.
But the funny thing is because I'm the one who courted him. Nanay Moire supported me especially in courting Cyrill romantically. Uso na rin naman na ang babae ang nanliligaw sa lalaki. Kaya no big deal na para sa mga babae ngayon katulad ko.
"Mommy, I'm craving for an ice cream. I wanna tikim ice cream ngayon."
Narinig ko ang pagtawa ni Daddy dahil sa sinabi ni Xiency.
"What did you do to her, Xierl? She's so conyo. And her accent is so different. Not like your voice that so firm and intact."
"Si Cyrill ang sisihin niyo. Kaya naging conyo 'yang si Xiency dahil conyo'ng kinakausap 'yan ni Cyrill."
Cyrill chuckled a bit.
"Hindi ko naman inaasahan na seseryosohin ni Xiency. Nagbibiro lang naman ako. But I didn't expect that she'll impersonate the way I talked."
Dinala ko si Xiency sa mall. Hindi na muna sumama si Cyrill dahil nag-aayos pa siya sa mga gamit niya. Sa pagkakaalam ko ay wala pa 'tong mall na 'to dati. Baka bagong tayo pa lamang.
YOU ARE READING
Claiming the Opposite ✔
Teen FictionHumiliation Series #4 Bisexuals endure high rate of being stigmatized about their sexuality. Xierl Astamiraca, on the other hand, was just unfazed with the countless criticisms that continuously hurled at her. She adores her ex and finds it difficul...