08

104 7 0
                                    


Friend

TAHIMIK lamang ako ngunit iritadong-iritado na. Dinumog ako ng blockmates ko. They were asking some questions like why did Jauncy called me babe in his recent vlog. Bakit rin daw mukhang close kami.



"Hey guys, we're just friends! Ang chismosa niyo talaga! Umagang-umaga, ganito agad ang bungad niyo sa akin?!" naiinis kong reklamo.



"Just couldn't believe that a boyish girl like you is really that desperate," wika ng babaeng makapal ang blush-on.



As I've remembered, she's Danilo's ex.



"Pardon? Did you just call me desperate?"



She shrugged her shoulders.



"Hindi na ako magtataka kung ano ang naging dahilan ng hiwalayan niyo ni Ayen. Siguro ginamit mo lang siya para masungkit ang kapatid niya. What a desperate move. Really."



I shook my head in disappointment. Kung ginamit ko si Ayen bakit tumagal pa kami at umabot ng dalawang taon? Mga chismosa nga naman. Kung ano-ano na lang ang naiisip. Ang paranoid.



"Kung desperada naman ako, bakit naman papatol sa akin ang idol niyong si Jauncy? That's because we're friends. Inggit ka lang."



"Pero oo nga naman, Xierl. Hindi naman kayo close dati? Bakit biglaan? Tapos palagi kayong nakikitang magkasama. May something ba? I mean, no offense. Nakakapagtaka lang kasi," singit ng katabi ko.



I rolled my eyes in annoyance. They're waiting for my answer. Luckily, our instructor arrived that's why they flew fast back to their assigned seats. Mabuti naman. Pakiramdam ko ay biglang nilipad ng hangin ang maduduming nilalang.



I couldn't forget those days when Ayen and I were always together. We're classmates also. Nang sa Grade 12 nga lang namin ay naiba kami ng section. Pero palagi kaming naghihintay sa isa't-isa. Hindi ako umuuwi kapag wala pa ang dismissal nila. Kung may lakad naman siya ay palagi akong kasama. That's how I'm in love with her.



Tinubuan na naman ako ng inis nang matapos ang unang klase dahil nilapitan na naman ako ng iba para makiusyuso.



"Wow! 'Yan yung bagong release na iPhone, 'di ba?" one of them asked.



Naalarma ako nang kinuha nito ang cellphone at in-open. Agad na bumungad sa amin ang wallpaper ng home screen. I paled in nervous. I forgot that it's Jauncy's phone that's why the wallpaper is him.



"Oh my gosh!" gulat na sigaw nila.



"Well, uhmm we switched our phones temporarily. That's his phone," agap ko.



"Weh, 'di nga? Cellphone niya talaga 'to? Bakit nagpalit kayo? Baka naman Xierl bet mo 'tong phone niya tapos kunwaring nakikipagpalit ka muna pero hindi na pala ibabalik," Danilo's ex said with a hint of insult.



I snorted.



"Minamaliit mo ba ako? Kahit hindi kami kasing-yaman katulad ng mga Mozar ay pwedeng-pwede na naming bilhin ang buong pagkatao mo at para mabenta 'yang dila mo," I fired up.



Sa buong klase ay nawalan ako ng gana makinig. Sa afternoon class naman, lahat ng instructor namin ay nagpa-surprise quiz. Inspired naman yata silang bagsakin kami. But luckily, may nasagutan rin naman ako.



Nakipag-apir ako kay Cyrill nang magkasalubong kami. Agad niya akong inakbayan habang naglalakad kami sa exit. Hindi ang sasakyan ni Jauncy ang ginamit ko. Hindi ko na rin siya hinatid. He just told me na may iba siyang pupuntahan kaya sasarilihin niya muna ang kanyang sasakyan.



Claiming the Opposite ✔Where stories live. Discover now